PROLOGUE

170 57 50
                                    

Prologue


Beatrix Amelie Jimenez

"WON'T you really come out until I destroy this door?!" the nice Ulap shouted outside my room while slamming my door.

"Ano ba'ng problema mo? Can't you see I'm reading here? Oh come on, don't be such a nuisance!" I shouted back and continue reading.

"How can I see if I am here outside?" pilyong sagot niya.

Fine, he's right! I stood up and was annoyed by opening the door. 

"What do you need?"

Ngising aso ang loko. "Monthsary namin ni Vienna my baby, wala pa rin akong maisip na regalo para sa kaniya. Tulungan mo naman ako." Vienna my baby? What the heck?

"Is that your way to get help? Ang bulabugin at wasakin ang pintuan ng k'warto ko?" taas kilay kong tanong.

"Amelie naman, kanina pa kita tinatawag at kinakatok halos mabutas na nga ang nasal cavity ko, hindi mo man lang ako pansin. Ngayon lang din naman ako humingi ng pabor sa 'yo, dahil wala na talaga akong maisip," madramang sambit nito.

Ang pangit talagang tignan nito. Anong akala niya, he looks cute when he act like that? E, kung tadyakan ko kaya ang kumag na ito para umayos naman?

"Break up with her so that you won't have any problem. Easy as pie. You are just ruining my supposed advance study." I said like all things are just simple. "Oh dear, next week will be the start of this school year. Huwag puro landi iyang inaatupag mo!"

"You're so mean! Sasayangin ko na lang ba 'yung tatlong taon na pinagsamahan namin at pati na rin ang walong buwan kong panliligaw sa kaniya? Palibhasa kasi manhid kaya walang nobyo," sagot niya. Hindi ko na narinig pa 'yung huli niyang binulong.

E di, kayo na ang matatag.

"Tandaan mo, wala naman sa haba ng pinagsamahan iyan. Kundi nasa nararamdaman. Kung nanghihinayang ka lang naman dahil matagal na kayo at wala na 'yung spark. Nasaan ang pagmamahal do'n?"

"Sino ba'ng nagsabi sa iyong wala na 'yung spark at nanghihinayang na lang ako dahil matagal na kami? Akala mo naman alam ang nararamdaman ko. E, sa manhid mong iyan," nakangising saad nito, kaya naman agad ko siyang hinampas sa dibdib.

"Manhid pala, ah." Isasara ko na sana ang pintuan nang pigilan niya ito.

Manhid daw ako. Sakalin ko kaya ang kumag na ito. Akala ko pa naman sasabihin niya, 'kung wala na ang spark, handa akong magpa-kuryente bumalik lang 'yung dati.' Umay.

"Heto naman, binibiro lang, e. Ililibre naman kita." saad nito habang pinipigilan ang pintuan sa pagsara.

Sinusuhulan pa ako ng kumag. Akala mo naman masusuholan niya, hindi kaya ako tatanggi r'yan.

"Iyon naman pala, e. Ba't hindi mo naman agad sinabi? Magbibihis lang ako." Mabilis akong pumasok sa k'warto nang may ngiti sa mga labi. Buti na lang at nakaligo na ako kaya hindi na matatagalan pa.

I'm just wearing white floral off-shoulder top, high waist denim jeans, and 2 inches block heels for my footwear, para komportable akong gumalaw-galaw. I also put some powder and lip gloss, at hinayaan na lang na nakalugay ang mahaba at wavy kong buhok.

"THANK GOD, after several hours natapos ka rin," bungad sa akin ng magaling kong kambal nang datnan ko siya sa sala.

Inirapan ko naman ito. "You're so O.A, let's go na." Nauna na akong maglakad palabas.

Fortitude Divine (ONGOING)Where stories live. Discover now