CHAPTER 2

114 54 24
                                    

CHAPTER 2

Nerdy Type

I am walking alone in the hallway here at University. I'm still looking for my room. Kung sanang hinintay ko na lang si Cloud, hindi sana ako ganito kaaga rito. Hindi rin sana ako nagkandaligaw-ligaw.

Ang bagal naman kasing kumilos ng kumag na iyon. Ang daming arte sa katawan. I also don't want to be late on the first day of my class, especially since I am a transferee. This is my second year of college. I shifted to Architecture. While Cloud took Engineering.

I'm wearing a plain white shirt and jeans today. Naka-civilian kami dahil umpisa pa lang naman ng pasukan, and I still don't have my uniform. My long, wavy hair was tied up. I was also wearing geeky-glasses na wala namang grado. Pampeke lang.

'Nerdy but hottie' lang sa tingin ko ang dating ko.

I was walking straight in the corridor when I saw the two women together. Iyong isa ay napakahinhin at ang isa naman ay parang manok na hindi makapang-itlog dahil putak nang putak.

"D*mn!" the talkative one hissed.

Dumaan kasi ako sa gitna nila kaya nagbanggahan kami. Well, sinadya ko naman.

"Oops! Sorry. I didn't mean it!" I raised an eyebrow and bit my lip, suppressing a smile.

"Hey you! It looks like you are just a transferee here, pero kung umasta ka akala mo kung sino ka!" Stress si Madam.

"Sorry. Pakalat-kalat kasi sa daanan, e."

"Hoy, babaeng apat ang mata! Huwag kang gagan'yan-ganiyan, baka maputol ko 'yang salamin mo! Gusto mo atang hindi na makita pa ang kinabukasan mo!"

Wala namang grado ito, beh.

"Les, she looks familiar," dinig kong bulong ng kasama niya.

Pinagbubulungan na rin kami nang ibang estudyante rito. Siguro iniisip nila na, 'baguhan pa lang, gumagawa na ng eksena,' something like that. Gusto ko nga mapansin nila ako, e. Emz.

"Sino naman?" sagot nang madaldal sa kasama at pinagtaasan ako ng kilay.

Inirapan ko ito. "Huwag mo akong tinataas-taasan ng kilay d'yan, baka mabura ko iyan!"

"Ang taray mo, ah! Baka iyang mukha mo pa ang mabura dahil sa sampal ko!"

I noticed that the number of curious students was increasing. The others were asking their companions who I was. May pa-curious students pa akong nalalaman, chismosa lang naman sa tagalog 'yan. Parang populasyon lang sa Pilipinas, ah. Palaki nang palaki.

As if I care about them.

"E 'di, halika! Baka iyang palad mo pa ang mabura." She was about to approach me when I removed the geeky-glasses I'm wearing. As well as the tie of my hair and I slowly waved its length.

I heard the sighs of the chismosas around us. While the two women in front of me were stunned.

Tinaasan ko sila ng kilay, "Akala ko ba'ng sasampalin mo ako? Bilisan mo at naghihintay ako!" mataray kong saad.

Ang iba naman ay namamangha pa rin sa ganda ko.

"D*mmit, Beatrix Amelie!" I chuckled when she hugged and kissed me.

They are my friends since fifth grade, I guess? Hindi pa ako nakilala ng g*ga sa tagal naming pinagsamahan! Tapos, isang taon lang akong hindi nagpakita, nakalimutan na agad ang kagandahan ko.

"Hey, hey! Bitawan mo nga ako, kung makayakap ka akala mo kung sinong sinigaw-sigawan ako kanina," pag-arte ko. "Ouch!" Sinabunutan pa ako.

"Ang arte mo, Baj," ani Celesta, sinabayan pa ng hampas sa braso ko. She's still sadist.

Fortitude Divine (ONGOING)Where stories live. Discover now