CHAPTER 7

72 31 10
                                    

CHAPTER 7

"That's enough, Baj!" Nakawala sa hawak ko ang bruha nang walang habas na hinablot ng walang-hiyang lalaking ito ang aking kamay. Mas nasaktan pa ako sa ginawa ng mokong. "What are you doing?" he asked in a cold tone. 

"Ask her," I simply said. Gusto kong marinig ang walang k'wentang sagot ng bruhang hindi ko alam ang ngalan.

"She bumped me that makes my frappe na mabuhos to her, then she twisted my arm," maarteng ani ng bruha. Pagkatapos, yumakap siya kay Alvarez habang umiiyak na animo'y siya ang napurnada. What a great actress.

Masakit ba'ng mapilipit ang kamay?

"Look what you did! Paano kung mabali ng tuluyan ang braso niya dahil sayo?!" He scolded me.

I felt sudden pain from his reaction. Why am I hurting?

"E 'di, idala sa ospital, tapos ipa-semento," walang ganang sagot ko. "Bakit ba mga walang laman 'yang ulo niyo. Tss."

"Akala mo ba ganoon lang kadali ang mabalian ng buto?!"

Sino ba ang babaeng ito para sa kaniya at bakit ganito na lang siya umakto rito?

"Hindi," walang k'wentang sagot ko habang pinupunasan ang brasong sinugatan ng bruha.

"D*mn!" Napasabunot siya sa kaniyang buhok, saka humarap sa bruha, "Are you okay, Kathy?"

"Kathy is your name?" I asked.

She looked at me, "Yes. Now, do you know me?" mayabang na tanong niya habang nakayakap pa rin kay Alvarez.

Kailangan ba'ng kilala ko siya? Mukha ba akong gumagawa ng lapida?

"Hindi. May rason ba para kilalanin kita?" Mukhang mas nainis naman siya sa sinabi ko. "Kathy pala ang pangalan mo? Kaya pala mukha kang maKathy'ng linta." Narinig ko naman ang tawa ng mga cheesemakers dahil sa sinabi ko. "Ayy, hindi pala. MaKathy tapos linta, perfect!" I clapped my hands twice.

"How dare you!"

Puro na lang, 'how dare you', wala na ba'ng iba?

"Nagseselos ka ba kasi kasama kita kahapon, tapos ngayon nakayakap ako kay Kathy?" Makapal din talaga ang bungo ng mokong na ito, nakuha pang isabat iyon.

"Bakit naman ako magseselos?" tanong ko at humakbang palapit sa kanila. "Ganiyan naman talaga kayong mga g'wapo, hindi ba? Matitinik kaya g*go," saad ko sa kaniya at nilagpasan na sila.

Ang lagkit ko na. Kainis ang bruha na iyon.

"E 'di, inamin mo rin na g'wapo ako." Hindi pa man ako nakakalayo ay nagsalita na naman siya.

Humarap ulit ako sa kaniya, "E 'di, inamin mo rin na g*go ka?" Nginisian ko muna sila bago tuluyang umalis.

Nang medyo makalayo na ay kinuha ko ang suklay sa bag para maayos naman kahit papaano ang aking buhok. Kailangan ko pang maligo dahil sa lagkit. Nararamdaman ko na rin ang hapdi ng braso ko.

Bakit ba pakiramdam ko ako 'yung talo? Kasi siya ang dinamayan ni Drich?

Madalang ko na nga lang banggitin ang pangalan niya, sa masakit na pangyayari pa.

D*mn that man named Drich Alvarez! I won't let my tears flow down just because of him. Mabilis kong inagapan ang namumuong luha sa aking mga mata. Mamumuo lang pero huwag babagsak.

"What happened to my dearest twin?" natatawang salubong sa akin ng walang k'wenta kong kapatid. Nakikitang ganito na nga ang itsura ko, ta's tatawanan pa.

"Lumayas ka sa paligid ko, Brylan Cloud!"

"Bakit naman? Titignan muna kita," Nakakatawa ba'ng makita na mukha akong miserable?

Lumiko ako papunta sa locker room. Wala akong alam na may nailagay akong damit doon, sana mayroon at nakalimutan ko lang.

Pero sino nga ba'ng niloloko ko? Walang kahit na anong gamit bukod sa nag-iisang libro ang nakalagay rito pagkabukas ko.

Sh*t na malagkit, ako'y nanlalagkit!

Sinusumpa ko ang bruhang iyon. Ipapakulam ko siya kay Ed Caluag!

Mangkukulam ba iyon? Hindi ko rin alam, e. Narinig ko lang ang pangalan niya nang gabing bumaba ako at nadaanan si manang na nanonood sa sala.

"You look so miserable." My twin chucked.

Lalo akong napahilamos sa mukha nang marinig na naman ang nakakainis na boses na iyon. Wala na ba'ng mas imamalas ang araw na ito?

"Shut up, Cloud," mahinang saad ko, saka kinuha ang cell phone na nasa bag.

"Sinong tinatawagan mo?" tanong niya.

"Si Mang Ernest."

"Bakit?" kunot-noong tanong niya.

Inirapan ko naman siya. Bakit ang shunga ng mga ito? "Malamang magpapasundo, alangang pumasok ako maghapon na ganito ang itsura ko?" malditang sambit ko.

"Tss. Heto na ang susuotin mo," abot niya sa isang paper bag na hindi ko napansin na dala niya. "We saw you making a scene in the hallway. Hindi na ako nakaawat sa inyo dahil nakita ko nga ang itsura mo," natatawa niyang saad. "Kasama ko naman si Drich kaya siya na lang 'yung umawat sa inyo."

"Ang taba naman pala talaga ng utak mo, makitid nga lang. Anong gagawing matino ng lalaking iyon?" Naglakad na ako patungo sa comfort room dito.

"Salamat, ah!" sarkastikong pahabol niya.

Tinignan ko ang paper bag na binigay niya at agad din siyang sinamaan ng tingin. Lumapit muli ako sa kaniya nang makita ang mga laman nito.

"Ano itong mga bigay mo?" seryosong tanong ko.

"Nakita mo naman, 'di ba?" Kinuha niya sa kamay ko ang paper bag. "White ruffled sleeveless top, denim shorts and underwears. What's wrong?" My twin is really innocent.

"Nag-aaral ako tapos ganito ang ipapasuot mo sa 'kin?!"

"Bakit? Bagay naman sa 'yo, ah. Lesbian ka ba kaya ayaw mong isuot 'yan?"

"Lumayas ka na nga rito!" pagtataboy ko na sa kaniya bago pa siya masapak. Ngunit natigilan din nang maisip ko kung makakaligo kaya ako nang maayos dito. Wala ba'ng namboboso? Kaysa sa maghintay ng sagot sa tanong ko ay muli tinawag si Cloud.

"Cloud!"

Agad naman siyang lumingon sa akin, "What?"

"Hintayin mo na akong matapos sa pagligo."

"Why?" He arched his eyebrow.

"Baka may mamboso sa akin. Bantayan mo ako rito sa labas."

"Wow. Ang kapal mo naman," natatawang sambit niya. "Pasalamat ka mahal kita."

Pumasok na ako sa comfort room para maligo at makapag-bihis. Baka ma-late na naman ako at gawing isang linggo ang parusa kong paglilinis. Hindi ko alam na p'wede palang gawin janitors ang mga estudyante rito. Nagtitipid ba ang university? Tss.

Fortitude Divine (ONGOING)Where stories live. Discover now