CHAPTER 9

40 10 13
                                    

CHAPTER 9

"Thank God, I'm done!" Umunat ako nang sa wakas ay natapos na ang aming proyekto.

Si Wackie ay nagpaalam nang umalis kanina, because his sibling called him. I guess there's an emergency.

"Yehey. We're done! I need to rest na." The witch slumped her back on the sofa.

"As if they are really tired. Akala mo naman ang daming ambag sa ginawa," pagpaparinig ko habang nililigpit ang mga gamit namin. It's 5 in the afternoon when I looked at my wrist watch.

"Ang hirap kayang tumingin sa ginagawa niyo. Nakakangalay kaya ang nakadungaw, 'no."

"Ipinagmamalaki mo pa talaga na mga walang saysay lang ang kaya mong gawin?" I shook my head like I was disappointed.

Ano ba'ng pakialam ko sa bruhang ito.

"Ganiyan talaga kapag maganda," taas noo niyang sambit.

Maganda rin naman ako, ah. Wala ngang panama iyang mukha mo sa kagandahan ko.

"Kung ganiyan lang din naman ang depinisyon mo sa salitang maganda, mas mabuti pa sigurong maging pangit na lang ako," sambit ko. "Alam mo ba, ang mga nilalang na hindi biniyayaan sa katulad ng kagandahan mong taglay, ang mas gustong pakisamahan naming mga tao?"

"Tao rin naman ako, ah!" sabat niya.

"Ah, hindi halata. I thought you're a poo!" Nilakihan ko pa ang mga mata ko at inawang ng kaunti ang mga labi. Shock ako, girl!

"Nakakainsulto ka na, ah!" Nanlilisik ang kaniyang mga mata.

"Tinatanong kita kung alam mo ba?"

"Hindi!"

"Oh, bakit parang high blood?" Natatawa naman ang mga kasama namin. "Ayaw naming nakikisama sa 'yo kasi nakakasuka 'yang mukha mong sinasabihan mo ng maganda!"

Magsasalita pa sana siya nang mabilis akong tumayo at nag-aya na para umuwi. Baka hindi ko na mapigilan at masuka na lang ako rito.

Wala akong choice kung hindi sumabay kina Alvarez, dahil wala na si Wackie. Ang gara talaga ng lingo ko.

"Wait up, Drich! I need to buy something." Guess who?

"Hurry up. It's getting late, maambon pa." Dumidilim na nga ang paligid at mukhang uulan pa.

"Just a saglit lang."

Taenang salita 'yan!

"Okay." Ipinarada niya ang sasakyan sa gilid ng daan. Narito kami ngayon sa may bayan sa palengke.

Ano namang bibilhin ng bruha?

"Tara na," pag-aya niya sa 'min.

Bakit ang kalma ng boses niya ngayon? Para bang may binabalak, ah.

"Where?" Alvarez asked. He is in the driver seat while I am in the passenger seat. Napakaganda talaga!

"Tulungan niyo ako. Beatrix, let's go?" Siya na ang nagbukas ng pinto para sa 'kin at marahang hinila palabas. Ang bait mo naman!

"What are you gonna buy? Kanina pa tayo paikot-ikot dito!" Alvarez asked, frustrated.

Nasa loob na kami ng palengke, e. Nagliligpit na ang mga tindera at iilan na lang ang narito. Gabi na kasi.

"Ahhh!" napatili ang bruha nang madapa ito.

Ang lamya naman nito.

Tinignan niya ang kanyang tuhod kung may gasgas ba. Malamang walang kahit na anong galos 'yan. Halatang sinadya niyang madapa. Not a good actress.

Fortitude Divine (ONGOING)Where stories live. Discover now