CHAPTER 5

2.5K 62 1
                                    

Sabado ngayon kaya andito lang ako sa kwarto,wala akong planong bumaba dahil andoon sila sa sala, maybe family bonding but I don't care. Napatingin ako sa pinto dahil  may kumatok.

"Sino yan?" tanong ko "Si manang Flor ito, may bisita ka sa baba" sabi nito, napakunot naman ang noo ko dahil doon. "Sino daw po?" tanong ko ulit. "Aba'y boyfriend mo daw, tumayo ka na dyan at naghihintay na iyon" agad naman akong tumayo at bumaba, nakita ko si Storm na nakaupo sa sala at andoon din sina mommy, daddy at Fenier. 

"Boyfriend ka ni Farah?" narinig kong tanong ni Daddy

"Yes sir" magalang na sabi ni Storm.

"Ano ang nakita mo kay Farah?" biglang tanong ni mommy, parang sinipa ang puso ko dahil sa praan ng pagkakatanong nya. "Ito pala si Fenier, sya ang nakakatandang kapatid ni Farah, napaka bait na bata at masunurin" sabi ni mommy nakita ko na pumula ang pisingi ni Fenier. Bitch. "Kung ako sayo ay-" pinutol ko ang sasabihin ni mommy at nag pakita sakanila.

"Boyfriend ko nga po diba, ba't parang nirereto nyo pa kay Fenier" mataray na sabi ko, nakita ko na tumaas ang kilay ni mommy.

"That's right, my only girlfriend is Farah and I don't need a girl na sobrang bait, I can handle Farah" napaawang ang bibig ni mommy dahil sa sinabi ni Storm.

"What's your name?" biglang tanong ni daddy

"I'm Storm Aziel Mercado" pakilala ni Storm.

Halos lumaki ang mata nila dahil sa pagbanggit ng surname ni Storm. Tumikhim naman si daddy.

"Ano ang sadya mo dito sa anak namin na si Farah?" biglang sabi ni mommy na akala mo napaka bait nitong ina. Napairap naman ako dahil doon.

"I am going to ask your daughter for a date" napaharap ako kay Storm dahiil doon. Napaubo naman si mommy at nakatingin pa din si Fenier kay Storm.

Bago pa sila makasalita ay nagsalita na ako. " Sure, magbibihis lang ako" sabi ko kay Storm, halatang nagulat ito sa sagot ko. Umakyat agad ako sa kwarto ko at naghanap ng maisusuot. Naligo ako at naglagay ng light make up at liptint, sinuot ko ang napili kong dress. It's a blue off shoulder slash neck.

Bumaba na ako at nakita ko Fenier at si Storm nalang ang nasa sala, agad kumulo ang dugo ko ng makita ko na nakahawak si Fenier sa braso ni Storm.

"Why are you touching my boyfriends arm?" mataray ko na tanong sakanya.

"A-ah madudulas sana ako" nauutal na sabi nit, I rolled my eyes at her, hinila ko si Storm palabas. Binuksan nito ang passenger seat at agad naman akong pumasok, umikot ito para makapunta sa driver seat.

"You look good" puri nito saakin, naramdaman ko ang init sa aking mukha.

"Oh, you're blusing" pang-aasar nito saakin, "Just drive" naiirita kong sabi

"Grabe makakapit sayo yung kapatid ko, gustong-gusto mo naman" sabi ko habang nasa byahe kami.

"No, bigla nalang nya hinawakan ang braso ko" inirapan ko lang sya. "San ba tayo pupunta?' tanong ko.

"It's a surprise" sabi nito. Habang nasa byahe ay nakatingin lang ako sa bintana at sya naman ay seryosong nakatingin sa daan.

I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car, and
And as we go the traffic lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening

Napapikit ako dahil sa tugtog,minsan gusto ko nalang isipin na baka hindi ako anak nina daddy dahil hindi pantay ang turing nila saaming dalawa ni Fenier.

Oh and I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

Napatingin ako kay Storm nang sabayan nito ang kanta, sobrang lamig ng boses nito na kahit ilang beses mo nang narinig ay hindi ka magsasawa.

"Baka matunaw ako nyan" napabalik ako sa reyalidad nang magsalita sya.

"Ang pangit mo kasi"syempre nag jo-joke lang ako napatawa naman sya.

Nang makarating kami sa pupuntahan namin ay agad akong bumaba.

"Bakit hindi mo sinabi na beach pala ang pupuntahan natin, hindi tuloy ako nakapag ready ng two piece" nakangusing sabi ko.

"Don't pout" sabi nya kaya napatingin ako sakanya.

"Magpo-pout ako kung kailan ko gusto" mataray na sabi ko dito.

"Ok, I will kiss you" hahalikan sana ako nito ng tampalin ko ng mahina ang labi nya.

Nauna na akong pumasok sa entrance ng resort, nakasunod naman sya saakin, pumunta ako sa dalampasigan kung saan may mga sun lounger.

"Wow" sabi ko, nakatayo naman sya sa tabi ko. Mahangin kaya nililipad ang buhok ko.

"I will tie your hair" sabi nito, mapatingin naman ako sakanya. "Marunong ako" sabi ntio parang alam ang nasa isip ko. Binigay ko ang pang ipit ko sakanya, pumunta naman sya sa likod ko at tinali ang buhok ko, naka ponytail lang ang buhok ko.

"Let's eat" bulong nito habang nasa likod ko pa din ito, tumago lang ako, hinawakan nito ang kamay ko. Volt of electricity rush through my body because of his touch.

Hinila nya ako sa isang resaturant,nag order ako ng seafood at ganun din naman sya.

"Bakit mo pala ako dito dinala?" tanong ko.

"Because this is the place where my lolo and lola met" sabi nito

"Anong connect?"

"Sabi kasi ni lolo dalhin ko daw ang babaeng gusto ko dito, kaya dinala kita dito"

"W-what do you mean?"nauutal kong sabi

"I like you Farah, and I am willing to court you" mas bumilis ang tibok ng aking puso dahil doon, hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng pagbilis ng tibok ng aking puso kapag kasama or nakikita ko si Storm.

Pagkatapos namin kumain ay pumunta ulit kami sa dalampasigan, nag picture kami doon hanggang sa papalubog na ang araw ay napagpasyahan namin umuwi na.

_______________________

"Thank you for this day" masayang sabi ko nang makarating kami sa bahay.

"Nag enjoy ka ba?" tanong nito kaya tumango naman ako

Napatingin ako sakanya, those brown eyes na parang andaming sinasabi

"A-about sa sinabi mo kanina" nakuwa naman nito ang atensyon nya.

"You can court me, Storm" dire-diretsong sabi ko.

"Really?" gulat nitong sabi pero may ngiti pa din sa mga labi.

Tumango naman ako, agad naman ako nitong niyakap ng mahigpit.

"Mangliligaw ka palang hindi pa kita sinasagot" natatawang sabi ko dito

"Thank you for making my day complete" malambing na sabi nito tasaka hinalikan ang aking noo.

Pumasok na ako ng bahay nang maka alis na sya. Masaya akong pumasok saaking kwarto nung gabing iyon



Tears of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon