PROLOGO

156 31 64
                                    

                       "PROLOGO"


                             Sariel

Madilim na ang paligid kasabay ng pagkulimlim ng mga ulap. Malamig na rin ang simoy ng hangin na idinuduyan ang mga tuyong dahon na nagkalat sa damuhan. Ano mang oras ay babagsak na ang ulan na kanina pa nagbabadyang makawala.

“Ate, ano po ang ginagawa natin dito? Bakit po tayo nasa libingan?” tanong ng isang batang babae. Tila wala itong kamuwang-muwang sa mga nangyayari. Nangangamba ito gayong malapit nang umulan.

“Ate, mauna na po tayo. Mababasa tayo rito,” saad niya sa kaniyang nakatatandang kapatid na hanggang ngayon, sa loob ng halos labinlimang minuto, ay nakaluhod pa rin sa harap ng isang lapida. Yakap-yakap nito ang sariling mga braso, tila ba may ikinukulong na pigura ng isang tao.

Natigilan ang batang babae. Saka waring naisip ang sakit na nararamdaman ng kaniyang ate.

Ayaw nitong bumitaw. Nahihirapan itong pakawalan ang kasintahan.

“H-Hihintayin kita…K-Kahit gaano pa katagal,” hikbi ng dalaga. Pagod na pagod na ang mga binti nito at namamaga na rin ang mga mata dulot ng matagal na pag-iyak subalit, nakuha pa rin nitong bumisitang muli sa puntod ng kaniyang yumao.

Awa at kirot ang nararamdaman ng bata sa kaniyang mga nasaksihan. Kahit naguguluhan siya’y nanatili siyang kalmado at hinapiyap na lamang ang likod nitong tumatangis.

“Ate, ika’y tumahan na…Halina’t umalis na tayo,” pakiusap niya.

Tumingala sa kaniya ang kaniyang ate saka dahan-dahang tumayo. Buong-loob naman niyang tinulungan ito at niyakap nang mahigpit sa bewang.

Naramdaman niya ang kamay ng ate niya na ginugulo ang kaniyang nakalugay na buhok. Tumingin siya sa kapatid na ngayon ay muling sumilay sa parisukat na lupang natatabunan na ng malulusog na karpet.

“S-Salamat sa lahat ng alaalaNamomotan taka (Mahal kita).”

Doon ay biglang bumagsak ang napakalakas na ulan. Kasunod no’n ang pagkidlat nang malakas sa gawi nila na sinundan ng pag-alingawngaw ng kulog—

“ARAY!”

Napahawak ako agad ako sa pisngi ko nang maramdaman ang init mula sa kutsara. Pinanlisikan ko ng tingin ang kapatid kong si Macky.

“Ate Sariel? Aba! Late ka na ngang nagising, nananaginip ka pa nang gising,” asik niya saka inilagay ang kutsarang pinantimpla niya sa kape at pinantapik sa pisngi ko sa lababo. Putok na putok ang pisngi nito gawa ng blush on niyang napakakapal.

“Napakabastos no’n Macky, ah!”

“I know, I know…” pagdepensa niya. “Pero mapapagalitan tayo ni Papa kapag ‘di ka pa kumain diyan, sige ka.” Tinulak nito sa harap ko ang kape na tinitimpla niya. Black coffee. Mainit pa. Amoy na amoy ko ang tapang.

Nagkatinginan kami saglit.

“Ayaw mo?” tanong niya. Hindi siya mahilig sa kapeng barako dahil gusto niya ma-gatas ang kape niya, pero bakit niya ako pinagtimpla?

Ang weird.

Tulad ng panaginip na ‘yon. Kahit kanina pa ako gising at napakapagbihis, hindi ko pa rin makalimutan ang mga senaryong iyon sa isip ko. Buhay na buhay sila sa alaala ko. 

A lifetime waiting for us (Pansamantalang mahihinto)Место, где живут истории. Откройте их для себя