IKALAWANG PAHINA

100 21 87
                                    

Clementina

"Marami akong itinagong lihim sainyo no'ng mga nagdaang panahon. Ngayon ay malalaman mo na ang lahat, gayon din ang tunay mong lolo." Muli ko nanamang naalala ang nakaraan na hanggang ngayon ay dala ko parin sa kasalukuyan.

Lahat ng sakit ay 'di na muling umalis at nanatili na lamang sa 'king puso.

"Ano pong ibig sabihin niyo, lola?" naguguluhang tanong ni Sariel.

Alam kong matagal niya nang iniisip ang kwento ng k'wintas na lagi kong suot, ngunit hindi ko ito ma-ikwento sa kaniya noon dahil alam kong maguguluhan lang siya.

Lahat ng nangyari ay masiyadong naging komplikado kaya naman hinantay ko ang tamang oras para sabihin sa kan'ya ang lahat ng ito.

Imbis na sagutin ang kaniyang katanungan ay niyaya ko nalamang siyang umupo sa kaniyang kama at tumabi sa'kin. Habang haplos ko ang kaniyang buhok ay doon ko sinimulang magkwento.

"May mga bagay na mahirap ipaliwanag, apo. May mga bagay din na hindi natin inaasahang mangyayari sa'tin," saad ko habang sinusuklay ang malambot na buhok niya gamit ang aking mga daliri.

"Minsan. . .may mga taong dadating sa buhay natin na aakalain nating mananatili, pero ang totoo no'n ay mag-iiwan lang pala sila ng isang leksyon na pang habang-buhay na nating madadala..."

'Sa pangalawang pagkakaton ay muli akong magbabalik tanaw sa nakaraan kung saan nakilala ko ang isang ginoo na minsang bumihag ng puso ko, na minsang bumuo sa nagugulumihanan kong puso, ngunit siya ring dumurog sa'kin.'

Ang nakaraan
taong 1976


"Clementina, buhat na!"

Napabalikwas ako dahil sa malutong na hampas ni inay sa'king hita.

"Inay! Masakit 'yon," angil ko. Kinukusot-kusot ko pa ang mga mata ko dahil sa biglaang pagkagising. Totoong masakit ang paghampas niya.

Nang tignan ko ang parteng 'yon ay halos bumakat na ang palad ni inay sa balat ko; namumula ito.

"Mapapaos na ang manok kakatilaok pero ikaw ay nariyan pa rin nakahilatay sa 'yong kama! Bumangon kana't mag a-alas siyete na, tiyak na mahuhuli tayo sa misa kung babagal-bagal kang kumilos diyan," sigaw nito sa'kin.

Tuluyan na akong bumangon kahit pa wala pa sa balanse ang paglakad ko. Mula sa labas ng bahay ay rinig ko pa rin ang pagtalak ni inay kahit pa nakabangon na ako.

Hindi ko na tinapos pa na pakinggan siya, agad na akong pumunta ng kusina para mag timpla ng kape.
Napatingin ako sa kurtina ng pintuan nang may humawi nu'n. Bumungad sa'kin si inay na ngayon ay nakapamewang. . .at may hawak na malunggay sa kaniyang kanang kamay.

"Clementina! 'Wag ka nang magkape, mahuhuli na tayo sa misa-"

"Inay naman, gusto niyo ho bang pipikit-pikit ako mamaya sa misa?" pagtanggi ko. Napa-iling nalamang siya.

"Pagdali, ne! Rarapason taka kaining kalunggay, (Bilisan mo na! Hahampasin na kita nitong malunggay)" saad niyang muli sabay talikod sa'kin.

A lifetime waiting for us (Pansamantalang mahihinto)Место, где живут истории. Откройте их для себя