IKATLONG PAHINA

66 15 48
                                    

Sa isang iglap ay biglang nagbago ang lahat. Mga tanawin, maging ang taong kaniyang napapaligiran ay hindi niya na makikilala. Magsisimula na ang ang kaniyang misyon...

|

"Mentino! Tabang! Ang anak mo ay walang malay."

"Anong nangyari? Bakit namumutla ito?"

"Inutusan ko sila ng kaniyang kapatid na mag-igib ng tubig do'n sa balon natin, pero bigla nalamang kumaripas ng takbo itong si Mariel habang nagsisigaw," natatarantang aniya.

"Nag-iigib lamang kami ni ate, hanggang sa mayamaya ay nawalan siya ng balanse at napahiga nang kusa."

Ramdam ko ang biglang pagbuhat sa'kin ng hindi ko kilalang tao.

Ramdam ko rin ang bigat sa'king ulo nang iminulat ko ng kaunti ang aking mata. Tila nalulula pa ako at hindi mawari ang mga kaganapan ngayon.

"Dali-an nindo! (Bilisan niyo na!)" sigaw ng lalaking may karga-karga sa'kin ngayon.

'Anong klaseng panaginip ba ito? Tila ba nakasakay ako sa kabayo.

Dire-diretso kaming pumasok doon. Pansin ko ang batang babae ang nagbukas ng pinto, habang nagmamadaling inayos naman ng ginang ang banig, inilatag niya ito at isinunod niya na rin ang paglagay ng mga nakahilirang unan. Dahan-dahan akong inilapag doon ng lalaking may karga sa'kin. Hindi ko maaninag ang itsura nito.

"Mentino, kami na ng anak mo ang bahala rito. Humayo kana't mamukid para sa pagkain natin mamayang gabi." Rinig kong saad ng ginang.

'D'yos ko...Hindi ko mawari ang panaginip kong ito. Bakit ganito? Tila totoo ang mga nangyayari.'

Pinilit kong diinan ang aking pagpikit baka sakaling nananaginip lang ako.
Ngunit sa 'di inaasahan. "Inay, gising na ho ata si ate."

Muli akong pumikit nang marahan at nagpanggap na tulog. Alam kong panaginip lang ang lahat, mula sa pagkahulog ko sa balon hanggang
sa—

'TEKA!'

Napabalikwas ako nang muli kong maalala ang sinabi ng matandang babae bago ako mahulog sa balon.
Umupo habang nanatiling nakasarado ang mga mata ko, doon ay sinimulan kong pagsasampalin ang sarili.

"Clementina, gumising ka, nananginip ka na naman!!!" saad ko habang patuloy ang pagtapik at kurot sa'king pisngi.

Ngunit nang imulat ko ang mata ko'y bumungad sa'kin ang isang batang nagtataka't nag-aalala ang itsura.

Nakapwesto siya sa bandang dulo ng paahan ko. Nang tignan ko naman ang kung sinong nakaupo sa tabi ko ay tuluyan na akong nilamon ng pagtataka.

"S-Sino kayo?" wala sa huwisyong tanong ko.

Bigla naman akong napabalikwas nang idampi ng ginang ang kaniyang palad sa aking noo. Maging sila ay puno ng pagtataka ang mukha.

"Nilalagnat ka, Clementine," aniya at nagkatinginan sila nung batang babae. "Ano bang nangyari at biglaan ka nalamang nawalan ng balanse? Sinabi ko namang maghunos dili ka't dalaga kana!" panenermon pa nito.

'Ano 'to? Sino sila? Bakit ako nandito?!'

"Sino kayo?!" tanong ko at sinubukang bumangon.

"Ate, ayos ka lang po ba?" tanong ng bata.

"Bakit mo ako tinatawag na ate? Sino ka?" tanong ko at ibinaling ang atensyon sa ginang na ngayo'y nasa harap ko. "Kayo ho? Sino po kayo?"

A lifetime waiting for us (Pansamantalang mahihinto)Where stories live. Discover now