IKA-UNANG PAHINA

112 28 82
                                    

                            Sariel.

“Ate? Ate.”

Napamulat ako mula sa pagkakatulog nang maramdaman ko ang unti-unting paglakas ng pagtapik ng kung sino’ng Pontio Pilato sa braso ko. Dahil dito, agad na tumama sa mata ko ang sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana ng sasakyan.

“Gising na, hoy!” muling saad ni Macky ngunit ang diwa ko’y hindi nakikisama. Napapikit ulit ako.

“Inaantok pa ako, mamaya na,” pag-angal ko saka isinuksok muli ang ulo sa unan na naka-ikot sa leeg ko.

Narinig ko siyang umismid. “It took me a lot of courage to wake you up pero ayan ka na naman sa habit mong hybernator ka! Ang ganda pa naman ng Mayon, oh.”

Biglang nawala ang antok at tamad sa sistema ko nang marinig ‘yon mula sa kaniya. Aba, sinunod niya ang bilin ko, ah! Agad akong napatayo sa gilid ng bintana saka matiyagang hinanap ang tatsulok na bulkan.

Ngunit ni tuktok nito ay hindi ko maaninag.

“Nasa’n ba? Nasaan?!” I rubbed my eye twice but still, I failed spotting it.

“Izza prank!” biglang bulyaw ni Macky na nagpagising sa’kin nang tuluyan, pati na kay mama. Si papa naman, patuloy pa rin sa pagmamaneho. Mukhang pagod na ito.

Tawang-tawa ang loko. Proud na proud pa dahil mas nauna siya sa’king magising kahit ako ang naunang matulog.

Bakit ba? Ang sarap kaya matulog.

Akmang aambahan ko siya ng batok nang pigilin ako ni mama. “Oh, oh…umaga pa lang, Sariel. Tigilan mo ‘yan.” Wala akong nagawa kundi ang irapan siya at napatingin sa relo ko. Alas-sais pa lang ng umaga pero matindi na ang sikat ng araw.

“Ate, wala kasi d’yan…” aniya. Nagtataka akong tumingin kay Macky, “ayun oh!” saka itinutok ang mata ko sa bagay na itinuturo niya sa harap ng kotse.

OMG!’ hiyaw ko sa isip ko.

Bumungad sa’kin ang Bulkang Mayon ng Albay. Habang patuloy ang paglandas namin sa mga sakahan na sinisinagan ng araw, kitang kita ko ang perpektong at hugis-apang tuktok nito. Mas tumingkad pa ang ipinagmamalaking tindig ng bulkan dahil hindi ito masyadong natatakpan ng mga ulap.

Napahinga ako nang malalim sa sobrang pagkamangha.

Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko a in-open ang camera nito. Nang mahanap ko ang tamang anggulo, napangiti ako lalo. Akmang kukunan ko na ito ng larawanan nang masubsob ang mukha ko sa passenger seat dahil sa biglaang paghinto ng sasakyan.

“Shemay!” maarteng saad ni Macky habang hinahaplos ang noo niya. Nauntog rin yata siya sa bintana dahil sa biglaang pag-preno ni papa.

“Aray ko naman…” Dahan-dahan akong bumalik sa inu-upuan ko at nagsabing, “kung minamalas nga naman.”

Sumilip sa’min si mama. “Alam mo naman kasing tumatakbo ang sasakyan, bakit tatayo ka pa? Ay naku, Sariel!” aniya.

Medyo nasaktan ako, slight. Pero okay lang kasi alam ko namang concerned siya sa’kin.

Sunod na dumungaw sa’min si Papa. “Biglang may tumawid na aso. Muntikan ko nang mabangga…Pasensya na,” Puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha pero napalitan iyon ng ginhawa nang makitang maayos naman ang kalagayan namin. Medyo masakit pa ulo ko pero hindi naman ako nahihilo.

A lifetime waiting for us (Pansamantalang mahihinto)Where stories live. Discover now