Magandang umaga/hapon/gabi!

66 10 10
                                    

Ika-30 ng Nobyembre, 2020
Pasig City.


Sa ikinauukulan,

Una, nais kong ipabatid sa lahat ng mga nag-aabang; magbabasa ng nobelang ito (kung meron man), na ang istoryang ito ay pansamantala munang mahihinto sa pag-usad ng mga kabanata. Ngayon pa lamang ay naiisip ko nang matatagalan ako bago isulat muli ang susunod na kabanata, hindi dahil sa nawawalan na ako ng gana, kun'di dahil kamakailan lamang ay napag-isip-isip ko na kailangan ng matagalan na proseso nito. Gustuhin ko mang matapos na subalit ayokong madaliin ang proseso sapagka't gusto kong maging maayos ang daloy ng istorya.

Pangalawa, dahil nga may kahabaan ang istoryang ito, asahan na natin na hindi ko siya agad-agarang matatapos, dahil may mga personal na bagay akong kailangang unahin at baka hindi ko mabigyan ng atensyon ito. Ngunit ipinapangako ko na pagbalik ko sa Enero, ay itutuloy ko na ang ALWFU. Mas maayos, at hinihiling ko na sana'y tuloy-tuloy na.

Pangatlo, isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko muna mabibigyan ng atensyon ito, ay dahil nais kong isubok ang sarili ko na gumawa ng isang stand alone story na balak ko ring matapos bago pa sumapit ang ika-15 ng Disyembre. Ngayon pa lamang ay pinagpaplanuhan ko na ang bago kong istorya dahil may isang publishing company ang kasalukuyang nag-bo-boluntaryo ng kanilang sarili para sa mga manunulat na nais matupad ang kanilang pangarap; ang magkaroon ng sarili nilang libro. Dito, ay nais ko ring isabak ang aking sarili...kung mangyayari man ay maaga kong matutupad ang isa sa mga pangarap ko.

Gayunman, hindi ako sigurado pero hangga't kaya ko ay gagawin ko. Muli, ay nais kong ipabatid sainyo na ako'y kasalukuyang magpapahinga muna sa istoryang "A Lifetime Waiting For Us" at susubok ng panibagong istorya. Sana'y sa pagbalik ko nariyan pa rin kayo. Mag-iingat tayong lahat at nawa'y gabayan tayo ng Ama'ng nasa langit saan man tayo magpunta. ❤️

Magbabalik,
Mayah

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A lifetime waiting for us (Pansamantalang mahihinto)Where stories live. Discover now