Chapter 1

5.7K 94 2
                                    


Let me introduce myself . 

Ako NGA pala si Skyler benetez 24 years of age . Laking Iloilo province ako . Simpleng babae Lamang ako.  Hindi man ako galing SA Isang marangyang pamilya pero masasabi Kong masaya Ang buhay Namin SA probinsya. 

Highschool Lang Ang natapos ko. Hindi na Kasi ako kayang pag aralin Ni nanay SA kolehiyo.  Panganay ako SA 3 magkakapatid .

Lahat kami ay babae . 18 years old Ang sumunod saakin at 13 years old Naman Ang bunso.   Ang aking papa ay Isang masipag na magsasaka at ang aking nanay naman ay nagtitinda Ng gulay SA palengke. 

Maaga akong namulat SA hirap Ng buhay .   Pagka graduate ko Ng high school ay agad na akong tumulong na magtinda ng gulay .

Masyadong mahirap maghanap Ng maayos na trabaho SA aming baryo.   Kung SA syudad Naman ako mag tatrabaho masyadong malayo . Isa pa Hindi ko kayang malayo SA kanila. 

Kaya Naman Ng pagtongtong ko Ng edad na 24 Lalo akong namulat SA hirap Ng buhay.    Magkokolehiyo na SI Rica . Highschool naman SI Kate.  Hindi sila pwede mahinto SA Pag aaral . Ayokong matulad sila saamin. Kaya hanggat Kaya kong tulungan sila gagawa ako Ng paraan at mag titiis ako.  

Kaya Naman Ng alukin ako Ng kapatid Ni nanay na SI tiya mellisa na sumama sakanya SA maynila ay agad akong pumayag . 

" Naku ineng magugustuhan mo roon at wag ka mag alala magkasama Naman tayu" Saad saakin Ni tsang.  

Abala ako SA Pag iimpake Ng aking mga gamit.  Nakita Kong nag aalala c nanay at SI papa . Pero wala na akong choice. 

" Huwag mong pababayaan Ang anak ko mellisa. Kung nahihirapan na sya I uwe muna sya saatin" pahikbing Sabi Ni nanay.

" Nay huwag PO kayong mag alala saakin . Kaya ko PO Ang sarili ko.  Lage PO akong tatawag para balitaan kayo . Basta PO inagtan PO ninyo Ang sarili nyo Ni papa." Kaagad ko Naman silang niyakap .   Nakiyakap narin Ang aking mga kapatid.

Mamimiss ko talaga sila Ng sobra ngayon langa ko malalayo SA kanila.

  " Oh sya sige na.  Dadaanan na Lang Kita dito sky bukas Ng maaga"  paalam saamin Ni tsang.  

Nang gabing iyon ay maaga akong natulog . SA sala na kami naglatag at tabi tabi kaming natulog Ng pamilya ko.

Kinabukasan  

Lulan na kami Ng isang bus patungong maynila. Nararamdaman Kona Ang lungkot habang pinagmamasdan ko Ang papalayong sasakyan saaming Lugar.    

Mahigit 2 araw at Isang Gabi Rin Ang tiangal ng aming byahe Ni tsang.  Manghang mangha ako sa mga nagtataasang building . 

" Sky halklika wag Kang lalayo saakin. Baka maligaw ka . Bago ka palang dito" paalala saakin Ni tsang.   

Sumakay pa ulit kami Ng isang bus patungong Cavite dahil taga room daw Ang aming amo .   Nangangailangan pa Kasi Ng kasambahay Ang amo Ni tsang Kaya ako na Ang nerecomenda nya.  Mabait Naman raw Ang  kanyang amo . Isang matandang babae at sobrang yaman. 

Abala ako SA Pag tingin Ng mga tanawin SA labas.  IbAng iba SA naiimagine ko. Masyadong maingay maraming sasakyan at Ang gulo Ng mga tao.

   Mga ilang oras din kami bumyahe bago kami makarating Ni tsang SA Isang village.  Ang gaganda Ng mga bahay Ang laki.  

" Sky halika bilisan mo Ang lakad bawal Ang pabagal bagal dito." Tawag nya saakin . 

" Nakikita Kona Ang sasakyan . Ayon SI berto. " May lumapit saaming isang matandang lalaki Hindi gaanong matanda siguro NASA 40 na sya.    Kaagad nyang sinakay Ang aming gamit at sumakay narin kami Ni tsang . 

" Kanina pa Kayo hinihintay ni senyora Margaret. " Saad nya saamin .

" Berto Eto nga pala SI Sky pamangkin ko". Pakilala saakin Ni tsang   " Napakaganda Naman pala Ng iyong pamangkin at mukhang mabait Rin. Kamusta ka iha" pagabti nya saakin.

" Ayos Naman PO naninibago Lang PO." Nahihiyang Sabi ko.  

" Oh sya narito na Tayo.  Tulungan mo ako ineng magbaba Ng gamit. "  Utos saakin Ni tsang.  

Ang laki Ng bahay Ang lawak sobra.  May garden pa . Nakakamangha pagmasdan.  

" Sky tulungan mo ako dito . " Tinulungan ko Naman SI tsang at agad na kaming pumasok. 

Isang matandang babae Ang sumalubong saamin . Halatang may edad na sya pero kahit ganon Ang ganda nya parin.  

" Oh mellisa kamusta Ang byahe sya naba Ang pamangkin mo? " Pagsalubong saamin . 

" Oho senyora.  Sky Eto nga pala SI senyora Margaret.  Sya Ang ating amo " pakilala Ni tsang . 

Kaagad akong nagmano at binati Naman sya.  Tinignan naman ako Ni tsang na para bang may gianwa akong Mali.  

" Pasensya na PO senyora laking probinsya ho Kasi itong SI sky " hingi nya Ng paumanhin.  

" Naku nakakatuwa at magalang na Bata . Oh sya sige na at dalhin Mona sya sainyong silid para makapag pahinga na kayo.   Dinala naman ako Ni tsang SA maids quarter.

Bago kami makarating Ng kwarto . May nakita akong Isang malaking picture frame Ng lalaki . Marahil anak sya Ni senyora.  Pero Ang Bata pa nya SA litrato di Kaya apo? Napahinto naman ako para titigan Ng mabuti .  

" Sky bilisan mo Ang kilos . Mamaya Kona ipapaliwanag Ang lahat. Tsaka ipapakilala Kita SA mga kasamahan natin SA bahay". Mahabang Sabi saakin Ni tsang . 

Kaya Naman sumunod na ako.  SA laki Ng bahay baka maligaw pa ako . Sigurado akong Kung kasama ko Lang SI Rica at Kate ganito Rin Ang reaksyon nila.

Marriage ContractWhere stories live. Discover now