Chapter 21

2.7K 66 0
                                    

Nang makaalis SI sky. Bumangon na ako at naghilamos nang masiguro ko na ayos na ako ay bumaba na ako . Nakita ko naman sya na kumakain Ng saging . Napangiti na Lang ako. She's so innocent .

" Sky" tawag ko sakanya . Pero Hindi nya ako pinapansin.

" Okay sorry na Hindi ko na uulitin yon" humarap Naman sya saakin at ngumiti . Bakit ba Ang Dali Lang nya paamuhin .

" Better next time . Wag kana maniniwala SA mga sinasabi Ni Mimi ." Ngiting Sabi ko .

Nilapitan ko naman sya at pinulupot Ang mga braso ko .

" Wifey SA tingin mo possible ba na mainlove ka saakin?" Tanong ko sakanya .

" Huh? Bakit mo naman naitanong ?" Ang sagot nya .

" Ayoko kasing masaktan ka. Alam mo naman Kong ano Yong ibig Kong sabihin diba?" Mahinahon Kong Sabi .

Tumango Lang sya at Hindi na nagsalita . Pinatong ko naman Ang baba ko SA balikat nya . Nakikiramdam Lang kami SA isat Isa .

" Edward?" Tawag nya saakin .

" Hmm?" Sagot ko sakanya " Yong kababata mo dito sya tutuloy saatin diba?" Tanong ko . Oo NGA pala nasabi na saakin Ni mamo . Dito muna SI apple habang nagbabakasyon sya .

" Oo bakit may problema ba?" Tanong ko . Bigla kasing nalungkot Ang mukha nya .

" Sasabihin mo Rin ba sakanya Ang tungkol SA pagpapakasal natin?" Tanong Naman nya.

Umiling Lang ako .

" Nagseselos kaba?" Tanong ko . Kinalas naman nya Ang braso ko na nakayakap SA kanya at humarap saakin.

" Hindi SA ganoon pero Kasi " Hindi na nya tinuloy Ang sasabihin nya .

Napayuko nalang at pinaglaruan Ang mga daliri nya .

" Mabait SI apple huwag ka mag alala ." Ang Sabi ko naman . Hindi parin sya kumibo. Kaya naman hinawakan ko Ang baba nya at inangat. Nang magpantay na Ang paningin Namin. Hindi ko mapigilang Hindi maakit SA mga labi nya . Walang anu man ay hinalikan ko sya. Akala ko magagalit sya pero Hinayaan nya Lang ako.

" Sus mayorsep na mga Bata ito . Bakit naman dito nyo naman napiling gawin Yan. " Gulat na Sabi Ni aling Melissa .

Naitulak pa ako Ni sky dahil SA gulat . Masama talaga epekto Ng kape sakanya.

" Tsang " nahihiyang Sabi nya .

" Edward " rinig Kong tawag Ni mamo .

Kaya naman nagtungo na ako sa hapag kainan. Hawak hawak ko naman Ang kamay Ni sky .

" Sumabay na kayong kumain saakin . " Alok saamin Ni mamo .

Kaya naupo na kaming dalawa . Kumuha Lang ako Ng tinapay at omelette. Sinalinan naman ako Ni sky Ng fresh milk .

" Salamat wifey" ngumiti naman ako sakanya .

" Hay naku nakakatuwa Kayo tignan. NGA pala Edward tungkol NGA pala Kay Apple. Alam Kong may nakaraan Kayo pero isipin mong may asawa kana " Ang Sabi Ni mamo .

Napatingin naman saakin SI sky . Siguro nagtataka sya SA sinabi Ni mamo.

" Yes PO ." Yon Lang isinagot ko . Tahimik kami habang kumakain .

Naunang natapos SI mamo at pumunta na sakanyang silid para uminom Ng kanyang gamot sa high bloood.

" Sky" tawag ko sakanya . Kanina pa sya tahimik. Hindi ko Alam Kong bakit.

" Tapos na ako . Pupunta Lang ako SA Hardin bibisitahin Ko Ang mga rosas" Ang Sabi nya.

Uminom Lang sya at umalis na . Naguguluhan na tuloy ako . Nong una Sabi ko ayoko sakanya Kasi masyado syang simple. Pero nung araw na nakasuot sya Ng bestida. Halos magwala Yong puso ko . Masyado syang mabait para saktan ko. Alam ko naman na may gusto sya saakin pero hindi ko alam Kong Kaya Kong suklian yong pagamamahal nya.

" Sir Edward " tawag saakin Ni Mimi.

" Bakit?" Sagot ko .

" Umaapaw na PO yong gatas SA baso" Ang Sabi nya. Napatayo pa ako dahil umapaw na SA baso Ang gataa na sinasalin ko. " Pasensya na . " Ang nasabi ko nalang .

Nabasa pa tuloy Yong pants ko. Umakyat naman ako para magpalit. Nang makarating ako SA nagpunta kaagad ako SA closet para kumuha Ng bagong pants. Napangiti nalang ako Ng Makita ko Ang black lingerie na nakahanger SA damitan Ni sky .

" Paano Kaya kapag nakasuot sya Ng ganito" natatawa na Sabi ko.

Pero kaagad naman akong napailing dahil SA naiisip ko . Hindi pwede yon Ang sigaw Ng isip ko .

Marriage ContractWhere stories live. Discover now