Prologue

1.2K 29 4
                                    

Latte de Salazar
Milk Foam
1/3 Steamed Milk
2/3 Espresso

-----


SUMIMSIM si Nadia sa bestseller coffee ng Café de Salazar saka pa humilig sa sofa. Binuklat niya ang selling report ng coffee shop chain ng buong Luzon. Pagkatapos makita ang magandang resulta ay nagpasalamat siya ng henuwino sa Diyos ng maraming beses. Still, her coffee shops were in line with Starbucks and J.Co even though the shop was five-year new.

Bandang alas-kuwatro ay nagsidatingan na ang mga kaibigan. Si Olivia ay hinatid ng matipunong asawa nito gamit ang black mustang na sasakyan. She was awed at the view when Olivia kissed her husband's cheek. Parang kailan lang ay gusto lamang ni Olivia na paghigantihan ang lalaki ngunit imbes na mas kamuhian nito ang binata ay mas nahulog lamang ang loob ng kaibigan. Well, the more you hate the more you love ika nga.

"Iba talaga ang buhay ng taong kasal, ano?" nakangising biro niya dito.

Magiliw na kinandatan siya ni Olivia. "Sinabi mo pa. Para akong prinsesa."

Sa kanilang tatlo ay siya ang unang nagpakasal. Tatlong tao na silang mag-asawa ni Roman. Habang ang kaibigan naman na si Olivia ang sumunod sa yapak niya.

Si Eselle naman ang sumunod na pumasok sa coffee shop. Nakangiti, napakagiliw nitong naglakad papunta sa kanila. Her friend just came home from Paris-Italy honeymoon with his husband, Mark, which is also Eselle's bestfriend in highschool. Siguro nga at itinadhana talaga ang dalawa noon pang kabataan nila. Kaya naman hindi na siya magtataka kung ilang buwan lang ay may magandang balita nito tungkol sa pagbubuntis.

Tinignan niya ng nakakaloko ang kaibigan nang maupo ito sa harap. Nang ngumiti ito ay alam na niyang naintindihan na nito ang balak niyang itanong.

"Okay. The honeymoon was 11/10," Nakangiti at namumulang pag-abiso ng kaibigang si Eselle. "Six rounds to beat na kami ni Mark sa susunod."

Sabay silang napalahaw sa tuwa ni Olivia. Nakakatuwa lang isipin na sa wakas ay nag-iba naman ang pananaw nito sa buhay tungkol sa pagpapasok sa relasyon. Now, she could say that the power of reunion is unbelievably awesome at that time. Kung hindi nga lang sa reunion ay baka hindi pa nagkaaminan ang dalawa.

Sumunod na pumasok naman sa Cafe ay si Marielle na nag-iisa. Nakabusangot na tumungo sa kanila ang kaibigan na halata ang inis sa mukha, malamang ay baka naasar na naman sa asawang piloto o kabaliktaran. Sanay na sila ganoon ito dahil kahit noon pa man ay madalas na talagang pikon ang kaibigan.

"Awit! MOEN is finally at the table at last," natutuwang panimula ni Olivia. "Okay. Life Update?"

"Asar much ako kay Fuentabella!" iritadong panimula ni Marielle. "Kainis!"

"Hindi na bago pa 'yan sa amin, but then let me guess, again," nang-aasar na sambit ni Eselle. "Dahil na naman ba sa dahilang inusog mo na naman ang araw ng kasal?"

Nanatiling tahimik si Marielle senyas bilang pagkabisto. Batid nila iyon dahil tatlong buwan nang ganoon ang mga ito.

"Bakit ba kasi ginawa mo na naman ulit?" nag-aalalang tanong ni Olivia. "Baka naman hindi na makapagtimpi pa sa 'yo si Alejandro niya."

"Oh, please. Alam niyo naman na if I feel like it, I won't hesitate to do it. Kaya kung hanggang gusto kong i-move ang wedding hanggang next year, I would do it." pagmamatigas ng kaibigan.

Napailing-iling na lamang sina Eselle at Olivia, hindi na nagsalita pa. Maski siya ay minabuti na lang rin na walang sabihin. At saka wala naman itong pinapakinggan kundi ang sarili lamang. Masiyadong matigas ang ulo ni Marielle para pagsabihan pa ito.

Nathaniel's Journal: Roman's OriginWhere stories live. Discover now