Chapter 6

486 22 0
                                    

Mocha de Salazar
(Whipped Cream)
1/5 Steamed Milk
2/5 Chocolate
2/5 Espresso

------

PATULOY pa rin sa pagninilay-nilay si Nadia nang umagang iyon. Hindi nawala sa isip niya ang tungkol sa liham. Roman has a really weird way of hurting her. Hindi ba nito naisip na isang pahina pa lamang ay napakasakit na sa kanya para basahin? Ganoon na ba ito kamanhid na gusto pa nitong wasakin ang puso niya ng napakaraming beses?

Kung dideretsuhin siya nito ay hindi naman siya magagalit. Kahit ano pang gusto nito ay matatanggap niya naman. Kung ayaw na nito sa kanya ay magiging ayos lang naman sa kanya. Ang hindi niya lamang lubos maisip ay bakit gusto pa siya nitong pahirapan sa pagbasa sa aklat-sulatan. Kung tratuhin siya nito sa pagpapaalam gamit ang aklat-sulatan ay parang wala silang pinagdaanan. Na para bang kahit kailan ay hindi siya naging mababuting asawa. Na parang hindi siya naging maintindihing nobya.

Sumipat siya sa aklat-sulatan saka pa napapilig, pinigilan ang sarili. Natutukso na naman siyang buklatin ang ika-anim na pahina.

Iwinaksi niya na lamang ang mga naiisip sa paggawa ng cookies. Sa pamamagitan niyon ay umaaliwalas ang kanyang isipan. Kapag siya ay naghuhurno ay napapanatag siya. Ngunit kada simpleng pagmasa niya naman sa cookie dough ay napapatingin siya sa aklat-sulatan.

Para bang inaakit siya nitong basahin hanggang sa huli para matuklasan ang misteryo. Ngunit paano niya nga ba magagawa iyon ng hindi nasasaktan? Paano niya ito matatapos na hindi lumuluha?

Habang naghihintay na maluto ang nagawang cookies ay umupo si Nadia sa kahoy na upuan kung saan nasa mesa ang aklat-sulatan. Ilang segundo pa lamang ang nakalipas ay nakikita niya na lamang ang sariling binabasa ang bagay.

"Damn you, Roman!" igtingan ang mga pangang komento niya habang tuluyan ng kinain ng sistema sa pagbabasa.


----


June 07


Dear Lucy,

Oh my god, Lucy. It is your one month being pregnant today. Kung gaano kita ituring noong hindi ka pa nagdadalang tao ay mas doble ang ginawa kung pag-iingat. Hindi ko alam kung mata ko ba lang ang may deperensya at sa tuwing tinitignan kita ay ikaw ay mas lalo pang gumaganda. Adik na ba ang tawag sa akin kung sasabihin kong mas nahuhulog pa ako sa iyo? Oh, god. What did I do so great for God gave you to me? I am so grateful to have you. At hindi ko iyon kailanman ikakaila.

Kapag gumigising ako ng umaga, ang tiyan mo ang unang kong hinahalikan. Kapag pag uwi ko naman galing sa trabaho ay ganoon pa rin. Ang mga ngiti mo lamang ay nakakapawi sa aking pagod at hindi na ako makapaghintay na dalawa na ang bubungad sa akin.

Hindi ko maiwasan mag-isip at magtanong sa iyo. Paano kung maging kamukha ko ang bata? Wala naman akong problema roon at binigyan rin naman ako ng Diyos ng aking kakisigan kahit kaunti pero tiyak na magiging masaya ako kung ikaw ang mas maging hawig ng supling. Gusto kong nakikita ko ang bata sa iyo, Lucy. Pero kung anong ang ibigay ng Diyos ay tatanggapin ko.

Two weeks before, nagtalo tayo sa gusto nating kasarian ng bata. Ang gusto mo ay lalaki habang ang gusto ko naman ay babae. Iginiit mo na mas maganda ang lalaki bilang panganay para maprotektahan nito ang mga magiging kapatid nila para pagdating ng araw. Sapagkat ang gusto ko naman ay kabaliktaran. Gusto ko maging babae dahil para maging responsibilidad kagaya mo balang araw. Yung maalagaan ka. Kapakanan mo lamang ang iniisip ko kaya nauwi na naman tayo sa away.

Sabi daw ng mama, mapagtampuhin daw ang babae kapag nagbubuntis. Kaya ako na lamang ang nagpakumbaba sa oras na iyon. Sinabi ko na lamang na kung anuman ang kasarian na lumabas ay tatanggapin natin ng buo. Sumang-ayon ka naman kaya nagka-ayos tayo. Ganoon lang naman ang relasyon, hindi ba? Kailangan may magpakumbabang isa. At kapag sinabi kong isa ay tiyak na mga lalaki iyon. Kahit naman wala kayong dalaw at hindi nagbubuntis, matampuhin naman talaga kayo. At batid ko na iyon simula pa noong kolehiyo. Sanay na akong ganoon ang ginagawa kapag ikaw ay nagtatampo.

Naalala ko tuloy noong pagkatapos natin sa kolehiyo, noong nangliligaw pa ako. Hindi ako nakapagpaalam sa iyo tungkol sa dinaluhan naming basketball ng barkada. Hindi naman sa nakalimutan ko kundi nawala ko ang cellphone ko noon. Sa pagkaalala ko ay nilagay ko iyon sa kama ngunit nawala iyon doon. Sandaking ipinagpaliban ko na lamang ang pagbigay-alam sa iyo dah ang alam ko ay abala ka sa paghahanap ng trabaho. Nagulat na lamang ako noon nang pag-uwi ko sa condo ay naghihintay ka na napakatakot ang aura.

Pawis na pawis ako noong lumapit ako sa iyo, pagod na pagod galing sa laro, at nagulat na lamang ako ng sinampal mo ako ng pagkalakas sa magkabilang pisngi. Hindi ako nakapagslita pagkatapos noon. Para bang hindi ka pa nakuntento at pinaghahampas mo pa ako ng maraming beses sa dibdib.

Umiiyak ka sa harap ko dahil sa sobrang pag-aalala. Isabay mo pang manlalaro ka ng volleybool noong highschool ay mabigat at masakit talaga ang naging dating ng paghampas mo sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay nagkapasa ang parteng pinuntirya mo. Pinigilan kong mapangiwi at tiyak na kapag ginawa ko ay mas lalo mo lamang akong sasaktan.

Sinabi mo sa aking hindi tumuloy sa interview sa sobrang pag-aalala sa akin. Galit na galit nang oras na iyon, kulang na lamang ay sakalin mo ako at patayin. It was my first time to see you mad. And it scares me but at the same time delighted me. You just proved to me that you love as much as I love you.

Nanghingi ako ng tawad at sinuyo kita. Buti na lamang ay hindi ka tinopak noon at pinatawad mo agad ako nang inalo kitang kumain sa labas. Kapag talaga pagkain ang pinag-uusapan ay nawawala ang topak niyong mga babae, ano? Kaya minsan kaming mga lalaki ay hindi namin maiwasang mag-isip na mas mahal niyo talaga ang pagkain kaysa sa amin. Isang sambit ko pa lang na kain tayo sa labas nawala na agad ang galit mo. Iba talaga ang hatid ng salitang pagkain.

Doon sa oras na iyon ay sinagot mo ako at naging opisyal mong kasintahan. Hindi ko masukat ang saya ko noon. Para akong lumulutang sa alapaap. Kaya naman hanggang ngayon ay nagpapasalamat pa rin akong nawala ko ang cellphone ko noong araw na iyon. Kasi kung hindi ay baka hindi mo pa ako sinagot ang araw na iyon at ipinakita kung gaano mo rin ako kamahal.

I was so happy that day. Kung ganoon ako kasaya ay mas doble pa ang saya ko noong naging asawa kita. At mas naging triple pa ang aking tuwa nang malaman kung magkaka-anak na tayo. At makikita ko noon sa mga susunod na buwan.

I'm so lucky to have you, Lucy. Alam kong hindi magiging madali pagdating ng siyam na buwan pero kakayanin natin ang lahat kapag magkasama tayo. Wala tayong hindi malalampasang problema kapag tayo ay magkasama. Palaging mong tatandaan na mahal na mahal kita, Lucy. Mahal na mahal.

 
- N. Roman

Nathaniel's Journal: Roman's OriginWhere stories live. Discover now