Chapter 11

451 25 0
                                    

Machiatto de Salazar
Dash of Steamed Milk
Double shot Espresso

-----

February 07


Dear Lucy,

Nagpakalayo ako ng isang buwan. Kahit na sa araw ng pagsunog sa iyong katawan ay hindi ako nagpakita. Hindi ko kayang masilayan iyon. Masiyado pang maaga pero wala na akong nagawa nang maging buo na ang desisyon ng iyong pamilya. Ayon sa narinig kong balita ay iyon daw ang iyong kagustuhan na mangyari.

Hindi ko matanggap-tanggap ang pangyayari. Kailangan ko munang aliwin ang sarili ko. Dahil hindi na maganda ang pumapasok sa aking isipan, animo'y kaunti na lamang ay ako na ay susunod sa iyo sa kamatayan.

Hindi ko pa rin binasa ang iniwan mong liham na inilahad sa akin ng iyong kapatid sa araw ng iyong pagkamatay. Hindi ko makakaya. Hindi ko pa rin tanggap. Patuloy pa rin akong naghahangad na sanay ay panaganip na lamang ang lahat ng nangyari. Na sana pagkagising bukas ay nasa parte pa lamang tayo ng aking pagliligawan. O kaya naman sa parte noong una pa lamang kitang nakita. Gusto kong igiit sa sarili na sana ay masamang panaginip na lamang ang lahat.

Ngunit hindi, Lucy. Ikaw ay pumanaw na. Ikaw ay wala na sa piling ko. Wala ka na sa aking tabi sa tuwing magigising ako sa umaga. Hindi na kita mahahagkan pang muli. Hindi ko na madadamdam ang init ng iyong palad sa aking kamay, ang init ng iyong mga yakap. At kasalanan ko lahat ng iyon. Kasalanan iyon ng ating planong nabulilyaso. Kung alam ko lamang na ikaw ay mawawala sa akin sa araw na iyon, hindi ko na sanang ginusto ang iyong pagbubuntis at paghahangad ng anak sa simula pa lang. Na sa una pa lamang ay sana'y naging maingat ako.

Panay ang tawag ng mama at ng kapatid sa akin para ipaalam sa akin sana ang kalagayan ng bata ngunit hindi masagot ang tawag. Nakaramdam ako ng kaunting takot ngunit hindi ko sinasagot ang tawag ng sadya. Masiyado akong naapektuhan sa pgakawala mo, Lucy. Maisisi mo ba ako? Hindi ko pa kayang harapin ang bata. Masiyadong masakit para sa akin. Dahil tiyak akong mawawalan ng bait kapag nakita ko ang dahilan na iyong pagkawala. Patawad, Lucy, pero hindi ko pa kayang harapin ang bata. Pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin. Hindi ko matatanggap. Hindi pa sa ngayon.

Napakahalaga ang ikapitong araw para sa akin, dahil iyon ang araw na tayong dalawang ikinasal. Nakakalungkot at nakakapanghinayang isipin na imbes na sana'y ipagdiwang natin ang anibersaryo ng kasal, iyong araw ka pa nawala sa akin, Lucy. Hindi ko lubos maisip na kung bakit kailangan mo akong iwan sa ating pinakamahalagang araw.

Hindi ko pa rin mapigilan ang sariling mapatanong kung bakit? Bakit kailangan mong mawala sa akin?

 

- N. Roman

-----

March 07


Dear Lucy,

Hindi ko na kilala pa ang sarili ko. Kung hindi lamang ako binisita isang araw ng mama ay marahil namatay na ako. Hindi ko na kayang maigalaw ang katawan ko upang bumangon para panibagong umaga. My body's getting number each day. 'I am almost away to giving up on life. Nawala na ang taong pinaghuhugutan ko ng lakas. Pumanaw na ang taong aking kasiyahan. At hindi ko na kailanman makikita pa ang taong iyon.

Mas gugustuhin ko na lamang na mamatay sa mundong ito kaysa mabuhay pa na wala na namang saysay. Ikaw ang aking naging mundo. Ikaw ang aking naging gabay upang humarap sa mga bagay-bagay. Ikaw ang aking naging lakas. At ngayon ikaw ay wala na, mas mabuting sumuko na lamang rin ako.

Nathaniel's Journal: Roman's OriginWhere stories live. Discover now