Chapter 7

482 19 1
                                    

Caffee Mango de Salazar
1/5 Espresso
1/5 Steamed Milk
3/5 Mango Ice Cream

-----

DAHAN-DAHANG iminulat ni Nadia ang mata nang maramdaman ang pagpulupot ng napakainit na bisig sa kanyang katawan. There, she saw Roman still with his eyes closed. Hindi niya napigilan ang malaking ngiti tumapal sa kanyang mukha.

Roman was his husband now. Her beatiful and gorgeous husband. Ito ang pinaka-unang umaga nila bilang mag-asawa. After through many lows and highs, sila pa rin ang nagkatuluyan. Kahit pa parang nagkalabuan sila ng tatlong taon simula noong pagkatapos nila ng kolehiyo. Pero gaya ng sabi ng karamihan, kapag sila ay sila talaga. Nagkakita lamang sila sa isang event nang araw na iyon at nagkatitigan ng mata, alam niyang mahal niya pa ito at ito rin sa kanya.

After the break up for three long years, they were still into each other. It just took them to look at each other in the eyes for five seconds straight and eventually their relationship meliorated.

At sa tuwing iisipin niyang sa kanya na ang lalaking pinagpapantasyahan niya simula pa noong college ay hindi niya mapigilan ang tuwa, animo parang teenager pa rin na napansin ng crush sa pinaka-unang pagkakataon.

Sino ba namang hindi magkakagusto dito? Tiyak niya noon na kahit ang mga dalagang teacher nila sa high school ay may gusto rin dito. He was not just the typical kind of mature guy. His eyes were an almond shape that when someone looks at them would surely melt. His nose was pointed and has a crook in the middle together with his lips color plump and very tempting to have a taste. For everybody, he was almost perfect. But for her, he already was.

Ito ang uri ng lalaking gugustuhin ng mga babaeng maging kasintahan, at isa na siya doon. Ang tangi lamang pinagkaiba niya sa mga ito ay naging asawa niya ang binata at siya ang nanalo sa napakahabang paligsahan.

It still gives her the vibe of victory goosebumps until now. The very desirable Nathaniel Roman was finally hers! Not just hers but hers forever. And she had marked her even before the wedding. But last night felt special and pure. The pleasure between them was still insatiable but the way he made love to her last night was breathtaking still but with ease and assurance. It was their first time as husband and wife.

Abot-tainga ang ngiti nang umungol ng bahagya ang asawa. Mas lalo lamang siyang tumitig sa mukha nito.

"If eyes can't melt, I would have been probably by now, Salazar." anito tila nakapaikit pa rin ang mga mata. Tunikwas ang isang sulok ng labi nito. "Mukhang mga isang oras mo na akong tinititigan."

Mas isiniksik niya ang hubad na katawan sa napakakisig na katawan ng asawa. "Roman. I have been thinking about this lately even before the wedding..."

Lumingon ito sa kanya at ipinagdikit ang noo nila. "Yes?"

"Well, I am turning twenty-seven and you are twenty-nine, do you think we are on the right age to have a..."

Nakita niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito. "A what?"

"A baby." diretsahan niyang sagot kahit pa man alam niyang madidismaya ito.

Hindi niya alam ang rason nito ngunit sa tuwing bubuksan niya ang tungkol sa mga bata simula pa man noong nililigawan siya nito ay maiirita na lamang ito bigla at mananahimik sa isang tabi.

He couldn't hate them that much, could he?

Kumunot ang noo ng asawa at hinawakan ang dibdib sa kung saan ang naroon ang puso. Hindi siya sigurado sa binato nitong reaksyon. Roman was somehow hurt. Sobrang nasaktan ito na animo ang mata ay naglumikot at namasa. Kalaunan ay bumabaw na ang paghinga nito tila parang nahihirapan huminga.

"Roman, a-are... are you okay?" nag-aalalang tanong ni Nadia sa asawa habang natatarantang hinaplos-haplos niya ang asawa simula nang mamawis.

"Salazar..." sambit nito matapos ang mahabang katahimikin. "I—"

"It's okay, Roman. Kung ayaw... kung ayaw mo munang magka-anak, a-ayos lang." pagbawi niya na lamang sa sinabi pagkatapos niyon ay kumalma na ito at yumakap ng mahigpit sa kanya.

"Salazar..." Marahas na pinalis nito ang mga luha.

"Shhh. It's okay, Roman. Kumalma ka na muna, Roman. Marami pa naman ata tayong oras para doon kaya sige ipagpaliban na muna natin ang pag-aanak."

"Salazar..." pagtawag nito sa kanya sa sobrang pangungulila na boses. Rinig na rinig niya ang sobrang hinanakit sa tono nito.

Naghintay siyang may sabihin ito ngunit wala na itong idinugtong na kataga. Mas lalo lamang humigpit ang hawak nito sa kanya animo para siyang maglalaho na parang bula. Sinuklian niya naman iyon sa parehong higpit at hindi na lamang umusisa pa. Dahil alam niyang sa likod ng pananahimik nito ay mayroong itong tinatagong masakit na nakaraan...

Napatitig si Nadia matapos maalala ang memorya na iyon. Kung tama nga ang hinala ng kaibigan, may pinagdaanan nga ito tungkol sa bata bago siya maikasal dito. Sangkot ba si Lucy sa dahilan na iyon? Ngunit ano nga ba ang nangyari kay Lucy matapos? Nagkipaghiwalay ba ito sa kanyang asawa? Kung totoo ay ano naman ang dahilan?

Mukhang napakaimposible naman kung iisipin niya. Ayon sa aklat-sukatan, sobra pa sa sobra ang pagmamahalan ng dalawa. At kung may maari silang naging problema noon ay tungkol lamang sa panganganak marahil. Hindi kaya nagkalabuan lamang ba ang dalawa dahil sa anak?

Did Roman change his mind to abort the baby so that's why, maybe, they decided to part ways? She couldn't imagine it though. At hindi niya rin masasabi. Nasa isang buwan pa lamang siya sa panganganak ni Lucy at kung maghihinala siya ay mas lalo lamang siyang maguguluhan.

At kung tama nga ang kanyang haka-haka, kailangan niyang malaman ang nangyari, at sa pamamagitan lamang iyon ng pagbasa sa aklat-sulatan hanggang sa huli.

Humugot muna ng malalim na paghinga si Nadia bago dinampot ang aklat-sulatan. Binuklat niya ikapitong pahina at ibinalik ang atensyon sa pagbabasa. Ngunit ngayon ay mas pag-iigihan niyang huwag muling mapaluha.


----

July 07


Dear Lucy,

God, I couldn't stop touching your baby bump! Bago ako babangon sa pagkahiga galing sa pagkatulog ay iyon ang ginagawa ko. Bago ako kakain ay iyon din. Bago ako aalis para magtrabaho ay hihimasin ko ang impis ng tiyan mo bago ako hahalik sa pisngi. Kapag uuwi naman ako galing sa trabaho ay hindi ko makakalimutan haplusin ang iyong tiyan. Sa loob ng mga araw na dumaan ay nasanay na ako ganoon. Tuwang-tuwa na ako sa maliit na impis mong tiya, paano na lamang kaya kung magkaanak na tayo? Siguro ay mapapatalon ako sa tuwa!

Iisipin ko pa lang na magkaka-anak na tayo ay hindi ko mapigilan ang tuwa. Pitong buwan na lamang ay makikita ko na ang paglabas na ating anak at ipapangako kong nasa tabi mo ako sa araw na iyon. Dadamayan kita sa lahat. Sa sakit at sa tuwa. We're all on this together, always. Kung maari nga lang na ako na lamang ang magbuntis ay gagawin ko na walang pag-aalangan, ngunit ang tangi ko na lamang magagawa ay magdasal na maging ayos ka sa araw na iyon simula ngayon.

Nakakatawa lamang isipin na dalawang buwan ka pa lamang nagbubuntis ngunit nagsisimula ng akong nerbiyosin. Normal lang naman iyong maramdaman dahil unang beses ko pa lamang naman ito. Nagalit ka na naman sa akin ng araw na iyon. Sinabi mong magpapakatatag ka at kailangan kong maniwala na kaya mo. Na kakayanin mo. That's what I need to hear from you, assurance. Sabi ko naman sa iyo, hindi ba? Kailanman hindi ko pinagduduhan ang kakayahan mo. Kung sa tingin mo ay kaya mo edi maniniwala ako. Maniniwala ako sa iyo.

Manganganak kang ligtas, Lucy. Habang nasa tabi mo ako ay manganganak kang ligtas. Mahal na mahal kita, Lucy. Mahal na mahal.

 
 
- N. Roman

Nathaniel's Journal: Roman's OriginWhere stories live. Discover now