Chapter 13

466 21 1
                                    

Iced Coffee de Salazar
Ice Cubes (6)
Chilled Coffee


-----

May 07


Dear Lucy,

Nakatanggap ako na hindi raw mabuti ang kalagayan ng bata galing sa aking nakakatandang kaptid na si Nicholas. Pagkarinig ko sa balita ay parang wala lamang akong narinig. Ang tingin ko sa paligid ay puro na lamang puti at itim. Pati ang sarili ko ay hindi ko na kayang alagaan. Ako ay parang naging isang lantang halaman na patuloy ng nanunuyot. I've been losing weight. My hair is as thrice as I usually had. Kung ihahambing ako ng iba sa parang buhay na patay ay tatangapin ko. Dahil totoo naman ang bagay na iyon. Buhay na lamang ang mayroon ako at namatay na ang aking puso kasabay ng iyong pagpanaw.

It's been four months since you die. At marami ang nagbago. Patawad, mahal, ngunit tuluyan na akong kunamuhian na iyong pamilya. Sinabihan akong isang duwag na lalaki sa pagtalikod ko sa resposibilidad. Tatanggapin ko ang mga paratang dahil kung tutuusin ay totoo naman, sapagkat hindi ko pa rin kayang harapin ang bata, kailanman ay sa tingin ko'y hindi ko talaga kakayanin. Dahil ang iyong masidhing kamatayan lamang ang aking maalala.

Isa sa nagbago ang rin ang aking pinaghirapang trabaho. Isang buwan na hindi ako nagparamdam. Kaya naman nang masisante ako sa pinagtratrabuhan ay hindi na ako nagtaka pa at lumayo na lamang. Andito ako sa kung saan malayo sa kabihasnan. Kung saan sa nasa tabing dagat na palagi natin pinupuntahan kapag tayo ay lumalabas. Andito ako ngayon sa kung saan makikita ko ang pagusbong ng araw at haharayain kong ikaw ay nasa tabi at nakikinuod sa pag-iba ng kulay ng langit sa dilaw at pinaghalong lila na araw.

Patuloy pa rin sa pagsuyo sa akin ng mama, Lucy. Na sana ay bigyan ko ng tyansa ang ating anak, kahit kaunti, kahit minsan man lang. Mahina raw itong lumalaki simula pa noong kapanganakan. At kailangan ng pagmamahal ng ama. Ngunit hindi ako handa. Hindi ko pa rin tanggap ang iyong pagkamatay. Nanghihinayang pa rin ako sa iyong desisyon. Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi ko rin alam kung ano itsura ng bata. Hindi ko alam kung nagmana ba sa ito iyo o sa akin. Ngunit hindi iyon ang nasa isipan ko. Ang pagkamatay mo pa rin ang bumabagabag sa akin. Hindi ito ang kailngan ko kundi ikaw, Lucy. Ikaw ang kailngan ko, dito sa tabi ko.

Bakit, Lucy? Bakit mo nagawa sa akin ito? Alam mo ba ang naging dulot niyon sa akin? Hindi ba sapat ang ibigay na pagmamahal ko sa iyo? Bakit, Lucy? Bakit kailangan mo akong iwan?


- N. Roman.

-----

June 07


Dear Lucy,

Kahapon ang iyong kaarawan, Lucy, at wala ka sa tabi ko nang ipagdiwang ang iyong kapanganakan. Imbes na maging masaya ay nauwi ang pagdiriwang ko sa pagdurusa. Kung ikaw pa ay nabubuhay, marahil ay masaya kang tinanggap ang iyong pagkabiente-nueva. Ngunit, wala. Maaga kang kinuha ng Diyos sa akin. Maaga mo akong iniwan.

Ako namay naging mabuting tao. Walang ginawa kundi ang sundin ang ipinagbabawal ng Diyos. I've been faithful to him. Naniwala ako sa Diyos gaya ng tinuro ng mama sa akin simula pagkabata, at patuloy mong itinuro nang tayo'y naging mag-asawa. My faith to Him has been pure and unending. Ngunit bakit kinuha ka niya sa akin? Ano ang rason ng Diyos? Bakit ako pa ang kailangan niyang pahirapan? Patawag, Lucy, pero hindi ko mapigilan ang magtanong sa bagay na iyon sa poong maykapal.

Pero bakit sa lahat ng tao,  ikaw pa? 

Bakit ikaw pa na walang ginawa sa buhay na ito kundi kabutihan lamang? Bakit ikaw pa na isang anghel sa mundong ito? Bakit may iba na nabubuhay at bakit may iba na namamatay? Bakit may iba na binibigyan ng tyansa mabuhang pang muli at iba ay hindi na? Ano basehan ng Diyos para mamili sa tao kung saan sila kailangan tumungo? Bakit kailangang kong magdusa ng ganito? Bakit kahit anumang pagawa kong pagtanggap ay hindi ko magawa? Ngayon, sabihin mo, Lucy. Ano ang gagawin ko?

Nathaniel's Journal: Roman's OriginWhere stories live. Discover now