Chapter 1

9 0 0
                                    

Elaicha's POV

"Laiiiiiichaaaa!"

"Ang aga aga Mel, ang ingay mo!" reklamo ko kay Melody.

Kakarating ko lang kase sa classroom, ang aga pa nga eh, tapos sasalubungin ako ng bunganga niya.

"May assignment ka?" -Melody

"Ha?? Assignment? Anong subject?" -ako

"Math, gaga, wala ka ding ginawa noh?" -Melody

"Nalimutan ko, saan si Marielle?" -ako

"Di pa nakakarating eh, kay Elaine na lang tayo manghingi ng answer." -Melody

"Sige, sige." -ako

—————

Ganito routine namin araw-araw. Hindi din kami nag-aaral sa mga bahay namin dahil sa katamaran, pero nakakagulat pa din na may naisasagot kami sa test, and take note, honor students pa din.

—————

5:30 pm, uwian

Naglalakad kami ngayon nina Melody at Claris papuntang gate, dahil uwian na.

"Mel, ready ka na bukas?" -ako

"Yes, yes, yes, super excited na ako." -Melody

"Clara, di ka ba talaga pupunta? Sayang kase kung kaming dalawa lang eh," sabi ko kay Claris.

"Hindi talaga, kailangan naming umuwi ng Bacolod sa weekend eh, sobrang importante talaga, tsaka sold out na din naman yung tickets, diba?" -Claris

"Sabagay, basta magvivideo ako para sa'yo," sabi ni Melody sa kanya.

"Very good," sabi ni Claris.

"Eh ikaw, handa na ba ang lightstick at merchandises mo?" baling ni Melody saken.

"Aba'y oo naman, ako pa ba? Ready na din ang outfit ko, at lalong-lalo na ang sarili ko, first time kong makikita si Yoongi babes ko," sabi ko naman.

"Ako din, makikita ko na si Seokjin mylabs," sabi naman ni Melody.

"Sige, magdasal kayo na makalapit pa din kayo kahit hindi naman VIP yung tickets niyo bukas," sabi ni Claris.

"Tingnan mo 'to, panira ng excitement, okay na yun, at least makikita namin sila kahit sa malayo, tsaka pinag-ipunan namin yung pinambili namin ng ticket kaya worth it yun," sabi ko.

"Tama, tama," pagsang-ayon ni Melody.

"Huy babae, sunduin kita bukas sa inyo, para sabay tayo," sabi ko kay Melody.

"Okay, okay, payt!" -Melody

Dumating na ang sundo ni Claris, kaya kaming dalawa na lang ni Melody ang naiwang naglalakad pauwi, hanggang sa may nakita kaming fishballan sa tabi ng daan.

Nagkatinginan lang kami.

"Wag kang temptasyon please, yung pera natin, para lang 'to bukas," sabi niya.

"Yung kwek kwek, ansarap," sabi ko.

"Oo masarap, pero pag nakatikim na naman tayo niyan ngayong araw, mauubos pera natin," sabi niya.

"Tig ten pesos lang tayo, kahit wag na tayo mag-drinks," sabi ko.

"Okay, okay, gutom na din ako," sabi niya.

And we ate happily ever after———

Yung dapat na tig-isang tag 10 pesos na kwek kwek, naging 30 pesos sa bawat isa samin.

May pera pa naman kami eh. Kuripot lang talaga 'tong si Melody.

"Laic, laic," tawag sa akin ni Melody habang kumakain kami ng kwek kwek.

"Hmm?"

"Si Darren, yung crush mo," sabi niya.

"Saan?"

"Anliit talaga ng mata mo, di mo na tuloy makita, hayun oh, papalapit dito, kasama teammates niya."

Makapagsalita naman na di makakita. Hiyang-hiya yung malit kong mata sa malabo mong mata ha, Malabo pero mabilis makakita ng gwapo, like me.

"Talikod, talikod," sabi ko at tumalikod.

Tumalikod din ang loka-lokang Melody.

"Ba't ba tayo tumalikod?" bulong ni Melody saken.

"Ang haggard naten sis, tapos para pa tayong patay-gutom sa kwek kwek," sabi ko.

"Sus, nahiya ka pa, araw-araw naman tayon ganito," sabi niya.

"Oo nga, pero iba yung haggardness natin ngayon, nagPE tayo kanina, remember?"

"Ayy oo nga pala."

"Ate, pabili po ng kwek kwek," dinig kong sabi ni Darren sa isang tindera.

"Laic, uwi na tayo, para makapaghanda tayo ng maaga para bukas," bulong ni Melody saken.

"Sige, sige," sabi ko.

Unti-unti kaming naglakad ni Melody palayo sa stall nang.......

"Teka, teka, kayong dalawa," tinawag kami ng tinderang pinagbilhan ni Darren.

"Po?" humarap kami ni Melody sa kanya.

Mygashhhhh nakatingin si Darren samin.

"Binayaran niyo na ba yang kwek kwek?" tanong ng tindera.

Hala gagu, nabayaran na ba 'to? Oo na man yata. Oo! Nabayaran na to noh.

"Binayaran na nila yan ate," sabi ng isang tindera dun sa isa.

"Ahh okay, sorry," sabi niya samin.

Bumalik kami ni Melody sa paglalakad. Ewan ko ba, nakakahiya yung pagtawag ng tindera samin kanina eh, hayst.

—————— 

In Love with an IdolWhere stories live. Discover now