Chapter 4

2 0 0
                                    

Natapos na ang concert kaya unti-unti nang nagsialisan ang mga tao sa arena. Nagpaiwan kami saglit ni Melody sa arena, ayaw namin makipagsiksikan sa iba palabas.

"Malamang katulad ko, maraming fans ang nalilito ngayon kung sino yung Elaicha na tinutukoy ni Yoongi," sabi ni Melody.

O_O?

"Siguro naghanap ng CR yun tapos pabalang na sinagot ni Yoongi, attitude yun eh," natatawang dagdag niya pa.

Di ko alam kung slow ba talaga tong si Melody. Magaling manghula eh.

"Huy sumagot ka naman, magsalita ka, para akong siraulo dito oh," sabi niya.

"Halika na nga, lumabas na tayo, ang hirap mag-alaga ng baliw," sabi ko sabay hila sa kanya palabas.

"Sino'ng baliw ha?" -Melody

"Ako siguro."

"Buti alam mo."

Aba't sinusubukan pasensya ko.

"Huy, ikaw yun," sabi ko.

"Ikaw yun, baliw, baliw na baliw kay Yoongi, baliw na baliw si Elaicha kay Yoongi," sigaw niya.

Napatingin samin ang ibang fans.

"Sorry po, may saltik po kase siya sa utak," sabi ko sa mga tao sa paligid.

"Ikaw yun," sabi niya.

"Ikaw."

—————

Pag-uwi ko sa bahay, di pa din ako makaget-over sa concert ng BTS. Yung tipong baliw na baliw ako sa boses, talen at visuals nila. Ackkkkkkk. Sobrang nakakainlab talaga.

Nag-open ako ng weverse account ko, at nag-scroll scroll muna.

O_O

O_O

O_O

O_O

O_O

Bakit puro tungkol saken yung mga post nila?

'Who's that Elaicha that shouted at Yoongi?'

'I wish I was her, but I won't shout on Suga.'

'Proud Filo ARMY here, kababayan ko yung sumigaw kay Suga.'

'Alagad ni Suga, sinigawan siya.'

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa ginawa ko.

Inopen ko ang feed ng artists, at...

Nagpost si Suga ng 'Hi Elaicha.'

Nanadya ba siya?

Andaming comments. Nagtatanong ano daw itsura ni Elaicha.

"Earth! Lamunin mo na ako! Nakakahiya" sigaw ko.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko, "ano'ng nakakahiya?" tanong ni Mama.

"Ha? Ah wala ma, may napindot lang akong reaction, napalitan ko naman, okay na," palusot ko.

Sinara naman ni Mama ang pinto, at naiwan ulit ako mag-isa sa kwarto.

Hindi na naman ako makakatulog ng maayos neto.

-Monday-

Para akong sabog sa itsura ko ngayon sa school. Ilang gabi akong wala maayos na tulog dahil dun sa nagyari sa araw ng concert. Gusto kong matuwa, pero huhuhuhuh siraulo talaga ako.

"Huy, ano'ng nangyari sa'yo? Lunes na lunes, para kang tinambakan ng quizzes na para sa Friday," sabi ni Melody.

"Huy, mukhang masaya naman yung concert ah, bakit ganyan epekto sa kanya," sabi ni Claris kay Melody.

"Ewan ko diyan, siguro dinamdam niya yung paghahanap ni Yoongi dun sa kapangalan niya," sabi ni Melody.

Ako naman kase yun.

"Okay lang yun gurl, di yun magugstuhan ni Yoongi, mukhang mattitude din siguro kasi sinigawan siya. Sabi nga nila, opposites attract, kaya di yun maattract dun," sabi ni Claris.

Edi wala na akong pag-asa sa kanya?! HUHUHUHU

Bwesit kayo!!! Mas sinira niyo mood ko.

"Oh, ba't parang naiiyak ka?" -Melody

"Ano'ng problema?" -Claris

"Wala, mga siraulo lang talaga kayo," sabi ko.

"Wow naman, kami pa ang siraulo? Ikaw nga tong parang nawala na sa katinuan eh, sabog na sabog eh, para kang senior high school," sabi ni Claris.

"Senior High School naman talaga ako eh," sabi ko.

"Senior High School na binigyan ng Thesis na para sa Master's Degree, para kang nasubrahan sa aral, eh hindi ka naman nag-aaral sa bahay niyo." -Claris.

"Siraulong 'to," sabi ko sa kanya.

Oo, isa akong senior high school na nainlove sa kpop idol na pitong taon ang agwat ng edad sa akin. Paano ba tumanda?


In Love with an IdolWhere stories live. Discover now