Chapter 6

2 0 0
                                    

Hello South Korea! Andito na ako!

Mag-isa ako sa trip na 'to. Gusto ko sanang kasama sina Claris at Melody, kaya lang madaming ganap sa buhay ang mga yun. Si Claris kase uuwi muna ng Bacolod, at magpapahinga doon ng isang taon. Grabeng pahinga yun ah. Si Melody naman, maghahanda para sa admission niya sa Med School. Paniguradong maghahanap na yun ng gwapong doctor. Ako? Maghahanap ako ng poging oppa dito sa Korea. Limang taon ko nang crush si Darren, pero hindi man lang ako crinush-back kahit isang beses. Grumaduate na lang kaming pareho sa college, dedma pa din. Bahala siya!

Nagcheck-in ako sa isang hotel dito sa Seoul. After ko mag arrange ang mga gamit ko sa room ko, lumabas ako saglit para mag lunch.

Habang naglalakad, napansin ko ang lalakeng kasalubong ko, na may kausap sa phone niya.Nakamask siya kaya di ko kita mukha niya.

Amputi naman ng lalakeng to...parang si Yoongi. Pati mata.

...

"na yeogi bogdo-e na nagalgeoya ... na-e daehae geogjeonghaji ma hyeong, yeogi hotel-eseo jeulgeobge jinae."

Napahinto ako napatitig sa kanya... Ganun din siya sa akin.

Umiwas siya ng tingin, saka naglakad na palayo. Weird.

—————

First stop, pumunta sa harap ng Big Hit Building.

Mabuti na lang nandito na ako. Ansaya ko. Nasa harap ako ng kompanya na nag-alaga at nagbigay ng pagkakataon sa BTS na makilala sa mundo. Sayang nga lang dahil tatlong taon na lang ang natitira sa kontrata nila. After nun, hindi ko na alam kung mahihilig pa rin ba ako sa Kpop.

Hindi ko namalayan na bumabagsak na pala ang luha ko.

May biglang nag-abot saken ng panyo, kaya nilingon ko ito.

Isang matangkad na lalaki, mga 1.79 meters. Naka mask siya at naka-cap.

Aabutin ko ba 'tong panyo niya o hindi. Baka may pampatulog 'tong spray. Kaya tinitigan ko lang siya.

"nunmul dakkgo geogjeong mal-ayo amugeosdo an ollyeoyo," sabi niya. Kaboses ni Taetae mylabs. 

"Ha," sabi ko.

"Oh, you're not Korean," sabi niya.

"Ah yes," sabi ko.

"neoneun hangug-in gat-a," sabi niya sabay kamot sa ulo.

"What," sabi ko.

"W-wipe y-your tears with this, I d-didn't put anything in it, you can use it," sabi niya sabay lagay sa kamay ko ng panyo niya, saka siya mabilis na naglakad papunta sa gilid ng Big Hit building.

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang panyo ni Kuyang Gentleman.

"Ano ba yan, kakarating ko nga lang dito pero may nakilala na agad akong oppa," kinikilig kong sabi sa sarili.

T-teka, di ko natanong pangalan niya. Aisshhh...

Rring Rrrring..

Si Melody lang pala.

"Hello~~~," masiglang bati ko.

[Oh, ba't parang ansaya-saya ng boses mo, kala mo naman nakaharap mo na si Taehyung sa sobrang sigla.]

"Hindi pa nga, pero nasa harap na ako ng Big Hit building, kaya advance na kitang inaanyayahan sa kasal namin ni Taehyung, punta ka ha, baka magkita kayo ng mapapangasawa ni Seokjin para magising ka sa katotohanang hindi magiging kayo."

[no need, araw-araw ko namang nakikita ang future asawa ni Seokjin dahil araw-araw akong humaharap sa salamin.]

"Feelingera ka."

[Mas feelingera ka!]

"Buwesit! Edi wag ka pumunta sa kasal namin ni Taehyung!"

[Talagang hindi ako pupunta dahil wala namang magaganap na kasal!]

"Ah talaga, may irereto pa naman sana ako sa'yo."

[May irereto ka? I don't need reto right now, baka pagalitan ako ni Seokjin.]

"Ah talaga?"

[Talaga! Pero... Ano bang pangalan niyan?]

"Gaga! AHAHHAHA."

[Pangalan nga, ano?!]

"Di ko nalaman ang pangalan eh, pero nasa akin yung panyo niya, pero nevermind, akin na lang siya, kaboses ni Taehyung eh, tsaka kasingtangkad, mukhang pogi din naman."

[Eh baka si Taehyung yun.]

"Gaga, impossible yun... Pero sana nga. HAHAHA."

[Naniwala ka naman. AHHAHA]

"Buwesit ka talaga."

[Sige na, end call ko na to, ang mahal ng overseas call, video call na lang tayo tonight, andito ako ngayon sa Ateneo, Ingat ka diyan.]

"Yes dear, ikaw din dyan."

-Call ended-

Naglakad na ako palapit sa building ng Big Hit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In Love with an IdolWhere stories live. Discover now