Chapter 3

2 0 0
                                    

Pagkatapos kong sabihin yung pangalan ko kina Yoongi, agad na akong tumakbo palayo sa kanila, at naghanap ng CR.

"Oh, ba't ang tagal mo? Akala ko tuloy nakidnap ka na," salubong ni Melody saken pagkabalik ko.

"Sira, nahirapan lang ako maghanap ng CR," sabi ko.

Sasabihin ko ba sa kanya? Wag na lang? Ano ba talaga?

"Okay ka lang?" -Melody

"Oo naman," sabi ko.

Ilang sandali lang ay nagsimula na ang kantahan. Hindi ko mapigilang mas mainlab lalo. Ackkkkk. Di bale nang hindi ako icrushback ni Darren, basta nakaattend ako ngayon dito, at nakita ang BTS, ang saya saya ko na.

"Mahal ko kayo!" sigaw ni Yoongi.

Naghiyawan ang lahat.

"Elaicha, nasaan ka na?" biglang tanong niya.

Natahimik ang mga fans.

"E-elaicha?" tanong ni Melody saken.

"H-ha?" -ako

"Suga-hyung, the fans will be jealous," sabi naman ni Jungkook.

Jungkook! Iligtas mo ko!

"Sino kaya yung Elaicha na hinahanap ni Yoongi? Inaral niya ba talaga magtagalog para dun sa girl na yun? Jusko gurl, suwerte mo, kapangalan mo," sabi ni Melody saken.

"Suga-hyung, asked the staff backstage to translate 'where is Elaicha' in tagalog," Taehyung said.

"Before that, he asked me what's 'puta ka' in tagalog," Taehyung added while laughing.

Taehyung! Tumigil ka!

"He said, a fan shouted at him a while ago," pagpapatuloy ni Taehyung.

Puta na talaga!

"Yung Elaicha ba ang sumigaw sa kanya?" tanong ni Melody saken.

"Hindi!" -ako

"Ba't ka naninigaw? Nagtatanong ako." -Melody

"Sorry, sorry," sabi ko.

"Bakit pakiramdam ko may alam ka, ikaw ba yun?"

"H-ha?"

"Umamin ka."

"Impossibleng ako yun, nag-CR nga ako diba," sabi ko.

"Ahh, oo nga pala," sabi ni melody.

Mabuti na lang tala slow 'tong si Melody. Mabilis pang mapaniwala.

"But ARMYs, don't hate Elaicha because she shouted at me, she was really cool for me," biglang sabi ni Yoongi.

A-ano raw?

"Owemjiii, sino ba kase yung Elaicha na yun? Ano ba spelling ng name niya? Para masearch ko," sabi ni Melody.

"Di ko alam," sabi ko.

"Sarili ko kausap ko gurl, ba't ka sumasabat?" -Melody

Gagu, siraulo 'to ah.

"Gaga, baka mapagkamalan kang baliw dyan," sabi ko.

"Okay lang, baka mapansin naman ako ni Seokjin dito pag nabaliw ako," nakangiting sabi niya.

"Sira, baka mapagkamalan ka pang sasaeng fan, at ma-ban, matutuluyan ka talagang mabaliw," sabi ko.

"Jusko! Wag naman," sabi niya.

Sasaeng means obsessed fan. Sila yung mga nangingialam ng private life ng idols nila. Mygosh, nakakatakot ang mga yan.

—————

Ang dami ng kantang kinanta ng BTS, nababaliw na ako!!!


In Love with an IdolWhere stories live. Discover now