CHAPTER 13

217 24 0
                                    

SARAH'S POV

Hindi ko alam paano sasagutin yung i love you nya na sinabi saakin.Kahit matignan sya ng deretso sa mata hindi ko magawa!mahal na mahal ko si matteo pero parang masyado atang maaga para sa kasal na ito!at isa pa hindi manlang nya ako kinunsulta papayag naman ako kaagad.Pero nananaig saakin ang pagiging dalagang Pilipina ko! excuse me.

Pagkasabi nya ng i love you natulala nalang ako,he even snap his fingers infront of my face.Tumakbo ako palabas ng kwarto,naririnig kong tinatawag  ako nito pero hindi ko na pinag aksayahan ng oras lingunin sya.Dumiretso ako sa kitchen iinom ako ng tubig nakakauhaw ang mga titig ni matteo,hindi lang uhaw UHAW NA UHAW,nakakaakit mga titig nito kung hindi ako aalis baka bumigay ako!.

Pagkatapos ko uminom ng tubig ibabalik ko na sana ang pitcher sa refrigerator pero may napansin akong nakadikit sa pinto ng ref.

DOOR PASSCODE:2735

2- I'm
7- Falling
3- For
5- Serah

CUTE,HOT EMPLOYEES'S NAME:

Sarah Asher Asuncion

SARAH'S NO:09265378001

GOAL:

Marry Sarah as soon as possible..

May tao pabang ganito?pinaplano lahat?!hindi ba nya naisip na baka ayaw ko sakanya?basta basta lang sya gagawa ng plano?walang wala sya kay francisco!

"Sorry to interrupt you baby but someone's calling you." inabot nito saakin ang telepono,hindi ko natignan kung sino ang caller basta hinablot ko ito kay matteo.

"Hello?"

"Serah i miss you so ba-

"Francisco?hello long time no s-

"Give me your damn fone!!" hinablot nito ang telepono ko,anger is visible in his eyes at hindi ko alam kung bakit.

"ANO BA?!AKIN NA FONE KO!" di ko alam ano bang problema nito!

"Don't you dare talk to him again!" galit na galit ito.

"Ano bang pakielam mo?!sino kaba?!ASAWA LANG KITA AT IKAW LANG NAKAKAALAM!hindi ako magpapakasal sa taong kokontrolin lang ako!kaya ko mabuhay mag isa." iniwan ko ito at dumiretso sa bathroom kailangan ko na umalis dito naalibadbaran ako kay matteo at sa kinikilos nya!.

Paglabas ko sa bathroom nakita ko syang nakatayo sa pinto ng kwarto.Ibang iba ang itsura nya ngayon sa itsura nya kanina nina lang.

"San ka pupunta?" tanong nito saakin.

"Home" simpleng tugon ko,sinuot ko ang damit na suot ko kagabi,nakakalat lang ito sa sahig.

"Sarah please,i'm begging you don't do this" nagmamakaawa
na ito saakin,niyakap ako nito ng mahigpit.

"Let go.Hindi ako makahinga!" matigas na pagkakasabi ko.

Bumitaw ito saakin at kinuha ko ang chance para lumayo.Pagkasuot ko ng damit ko lumabas na ako uuwi na ako ng Pilipinas magreresign na ako sa company nya.Mahal ko si matteo pero maling mali ang paraan ng pagkuha nya saakin.

Pagdating ko sa bahay nagimpake ako kaagad,wala na akong pake kung pipirmahan ni matteo iyon o hindi,nagpabook ako kay shin kanina ng flight habang nagdridrive at 2pm ang flight ko today.

*KRINGGGGG (missed call labidabs)

27 unread messages from labidabs

Tsk labidabs?!sinong tangang magpapalit ng nickname nya sa cp ko?!malamang sya din!

*KRINGGGGGG

"AYOKO!" sigaw ko sa caller

"A-ah ma'am s-sorry po pero nalipat po sa 1pm flight nyo." napahiya ako bigla,from airport pala ang tawag ang O.A ko lang masyado.

"Sorry,okay." ibinaba ko na ang tawag.

Babalik ako sa pagdodoctor or sa Modeling Agency,pwede ako magtayo ng business ung malayo kay matteo.Tama yun nalang ang gagawin ko.Pwede ding wag na,malaki ang shares ko sa company kaya anytime pwede ko itake ang position ko sa company,wala na si ate so ako nalang ang nag iisang mag mamana nito,maliban nalang kung may anak si dad sa labas HAHAHAHA natatawa ako sa naiisip ko,napaka imposible nun sa mama ko nga ang hina nya sa sex tsk...tsk sabi ni mama hanggang isang round lang kaya ni papa kaya malabo ang iniisip ko!

Palanding na ang eraplanong sinasakyan ko,namimiss ko na ang Pilipinas,mamimili muna ako ng mga gamit bago ako umuwi sa bahay,kahit wala na ang ate ko andyaan pa ang tatay ko,hindi pa huli ang lahat.

*KRINGGGG (missed call from labidabs)

Ansagwa ng nickname nya sa phonebook ko,i should change it from labidabs to ASSHOLE.Antagal ni kuya joey dumating nangangalay na ako sa dami ng pinamili ko.

"SERAH!!OVER HERE!!" sigaw ng lalaking nasa likod ko,hindi ako pwedeng mag kamali,sana naman huwag,gugulo nanaman mundo ko sakanya!bakit ayaw nya ba ako patahimikin?!

"Serah o-

"Andyaan na!!" naiinis na ako pero kailangan ko muna lumapit bago magsalita.

"Surprise?"

"Ano ginagawa mo dito?!"

"Sinusundo ka,mahal na mahal kita serah......"

The PerfumerWhere stories live. Discover now