CHAPTER 25:SILVIA ROMANO

197 10 7
                                    

SARAH'S POV

"Matt?" kanina ko pa ito tinatawag pero hindi ito nasagot, hanggang sa naramdaman kong may tumigil na nurse sa gilid ng kama ko.

"Hmm miss have you seen the man with me here earlier i mean yesterday?" nakita kong nag iisip pa ito.

"Ah maam inaresto po ng mga pulis kanina, kumanta na daw po si Mr.Francisco sa mga pulisya na si Matteo ang mastermind sa pag kidnapped po saiyo, sorry po miss sarah kalat na po kasi sa news, kasi po sikat na personalidad si bamboo." naka alis na ito't lahat lahat pero tulala pa din ako, ang kapal ng mukha ni Francisco para sisihin si matteo, kailangan kong pumunta sa presinto at mag salaysay, alam na alam ko kung sino ang dumukot saakin, madi-discharge na ako mamaya dadating daw si daddy at ung Silvia, silvia? hmmm familiar ung name parang narinig ko na some where.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko pero narinig ko ang pag pihit ng pinto. Nakita ko ang babaeng sopistikada na sa tingin ko ay nasa mid 50's na mukha itong maarte base na din sa facial expression nito.

"Is she your daughter? Honey let's dicharge her so we can go home early, I'll be waiting outside." sabat nito at tumingin saakin bago ako tinarayan, mukhang bagong problema nanaman sya sa mala teleserye kong buhay tch!

Nadis charge na ako pero hindi ako pinayagan ni dad na pumuntang presinto at delikado daw lalo na at buntis ako, kahit ipinilit ko tinarayan ako ni SILVIASUNGOT grrrr nakaka inis sya, utos sya ng utos kay daddy kesyo ganito ganyan, badtrip! kala mo maganda tadtad naman ng kolorete ang mukha.

Alas dose na ng gabi pero hindi pa din ako makatulog, iinom nga muna ako gatas. Hindi na talaga ako sanay na wala si matteo sa tabi ko.

"Pst, hey wench where are you going? ikuha mo naman ako ng tubig, BILIS!" aba't gaga pala ito eh! ganda ganda ng damit ko gagawin pa akong katulong.

"Po? hindi naman po ako maid, atsaka anlapit nyo naman na po sa ref.bakit hindi nalang ikaw ang kumuha? bakit mo po inuutos sa iba yung bagay na kayang kaya mo naman." sagot ko dito pabalik.

"Little Bitch, ako na ang reyna sa bahay na ito, patay na mama mo, at ikaw di ka naman importante sa bahay na ito, dahil kami ni bea na anak ko na pinatay ng asawa mo ang dapat tumira dito!!" tinatamad ako makipag argumento sa taong walang utak, mas gusto ko pa matulog, tinamad na din ako uminom ng gatas.

" Hindi po pinatay ng asawa ko ang anak mo, sadyang boba lang sya magplano at babagal bagal. "sasampalin sana ako nito pero mabilis ako nakaiwas at tumalikod, such a social climber person.

"Dadating ang araw na kakalimutan ka na ng daddy mo at ako nalang ang ipra prayoridad nya." habol nito saakin, muli ko itong hinarap.

"Wala na po akong pake, matagal na akong nakalimutan ng daddy ko, at kung pera lang habol mo sa daddy ko kaya ka bumalik, tumigil kana, kung akala mo makikilala ka sa mundo nya dahil kabit ka nya, tumigil kana, hindi porket sikat ang negosyo namin at kilala ang daddy ko ay makikilala kana din, NAG IISA LANG AKO, NAG IISA LANG DIN ANG DADDY KO, so ikaw wag ka aarte sa harap ko na parang hawak mo na sa leeg ang daddy ko, hangga't hindi kayo kasal kabet padin ang tinggin ko at namin saiyo kahit saang anggulo tignan, at kung mamarapatin mo tita silvia, inaantok na ako mauna na ako sayo at kung magbabasag ka ng baso dyan linisin mo na din baka maabutan ka ni daddy, bye. "tuloy tuloy na ang lakad ko paakyat sa itaas, mabuti at hindi na ako sinundan nito.

Nag aalmusal ako ng pancake ng lapitan ako ng daddy ko, and guess what? galit sya.

" Ano nanaman itong nalaman ko na sinagot sagot mo ang mommy silvia mo kagabi? " inis na turan nito saakin.

"Nag sumbong agad? tch! well she deserves it, hindi ko po sya gagalangin hanggat hindi nya ako ginagalang, hindi ko pwedeng respetuhin ang taong hindi karespe respeto. And oh one more thing, correction, TITA SILVIA."hindi ko na tinapos ang pagkain ko at umakyat na muli ako sa taas, narinig ko ang ugong ng sasakyan alam kong si daddy iyon, papasok sa opisina. Tinawagan ko muna si shim dahil nakakaboring, papatulong na din ako mag impake, doon muna ako sa villa namin ni matteo, papasama muna ako kay lathrell. Ayoko dito mai stress ako baka makunan pa ako.

"Hello shin?"

"Oh sis bakit?"

"Busy kaba? puntahan mo naman ako dito sa bahay" at isinalaysay ko dito ang lahat ng nangyare simula sa pag huli kay matteo hanggang sa pag iinitan namin ni tita silvia. Pumayag naman ito 20 minutes daw andito na sya, asa trinoma lang naman daw sya.

Doon muna ako sa swimming pool, nakaka wala ng pagod ang tanawin mo ang tubig at mga dahon. Pag baba ko di pa nga nawawala stress ko another stress nanaman, makasalubong mo ba naman kampon ni lucifer tignan natin kung di ka magulat.

"At saan ka nanaman gagala? lalandi ka? nakakulong lang asawa mo lalandi kana agad, bihis na bihis ka" pagtataray nito saakin.

"Tch! aalis na kasi ako dito, di ko masikmura mukha mo, baka maging kamukha mo pa anak ko imbis na kamukha namin ni matteo." balik pag tataray ko dito, nako LORD sorry po kung nagiging bastos ako, kasi po naiinsulto na ako eh.

"Saan ka pupunta" gigil ma hinawakan niyo ang braso ko, nasasaktan na ako.

"Aray po bitawan mo ako!!" mangiyak ngiyak kong sabi.

"Papatayin ko ang anak mo para alam mo kung anong feeling ng mamatayan ng anak!" ramdam ko ang galit nya pero sobrang kabado ako, i can't lose my baby!! akmang itutulak ako nito pero nasalo ako ni shin, thank god!

"GOSH sis okay kalang?" sabi ni shin saakin saka hinarap si tita silvia.

"Manang dahan dahan naman po, pinapa sweldo kayo ng maayos di nyo ayusin trabaho nyo!!" bulyaw ni shin dito, napa ngiti ako ng kaunti, napag kamalang maid si silvia HAHAHAHA!

"What did you say?!! MANANG?? ME?? HOW DARE YOU!!" sigaw nito kay shin, nagulat si shin kaya humarap ito saakin, sinenyas ko na ang babaeng kaharap nya ay si silvia.

"Tch kukunin ko na si sarah napaka coughfall nyo po MANANG" pagsabi nya nun ay hinila na nya ako, nakita ko ang galit sa mukha nya ng makita nya na bumakat ang mga kamay ni silvia sa pulsuhan ko. Kasalukyan kaming nasa sasakyan ng magsalita ito.

"WE WILL GO TO MATTEO, NOW!!" saka seryosong pinaandar ang sasakyan.

The PerfumerWhere stories live. Discover now