CHAPTER 20

208 13 3
                                    

SOMEONE'S POV

Antagal naman ng babaeng yon, ayokong pinaghihintay ako mahal ang oras ko. Paano ko mapapatay si sarah agad kung babagal bagal sya!

"Sorry I'm late, madaling araw na kasi natapos yung celebration eh." nagpapaliwanag pa.

"Have a seat Leonora, tingin mo mag aaway sila sa plano natin?" ngumiti ito saka tumango.

"Yes, base sa mukha ni matteo kagabi kabado sya habang nagmamadaling umalis sa bar. So Bea siguro naman tutupad ka sa usapan natin?" ngumiti lang ako dito.

"Oo naman.I will kill sarah and matteo will be yours ONLY yours right?" ngumisi ito saka nakipag shake hands saakin. Tumayo na ito at lumakad papalayo pero sisiguraduhin kong hindi sya makakalabas ng buhay dito sa mansion ko, tuso ako yun ang di nya alam and I'm not sorry for what I'm doing, matteo is mine, MINE ALONE masyado syang uto uto para mapaikot ko, poor business woman, nasayang ang talino dahil kay matteo.

Sinenyasan ko ang driver ko na barilin ito sa bandang gitna ng likod para sure na patay ito. Pagka baril dito napahiga kaagad ito pero ang ikinagulat ko ay may dumating agad na  ambulansya para kunin ang katawan nito. Walang pulis pero may ambulansya paano nangyari yon?!

----*******------*****--***

"Doc pinapapunta po kayo sa ER rush na daw po yon dahil nawawalan na po ng dugo ang pasyente." tawag saakin ni gem, tinahak ko na lamang ang daan papuntang ER, nagbihis muna ako at nag linis ng kamay. Pagpasok ko sa loob laking gulat ko ng makita kung sino ang nag aagaw buhay sa loob ng ER.

"Leonora?" bulong ko, anong nangyari sakanya? halos kagabi lang pinag seselosan ko ito.

"Dra. Asuncion what are you waiting for? the patient is dying hurry up." nataranta agad ako sa sinabi nito kaya pinakalma ko muna saglit sarili ko dahil bawal saamin ang ma pressure, isinagawa namin ang operasyon kahit iniisip ko padin kung sino ang gumawa sakanya nito. Base sa tama ng bala sinigurado ng bumaril na mamamatay si Leonora pero namali ang tama kaya sa gilid lang napunta ang bala, pero sobrang lapit nito sa puso. Miracle nalang kung makaligtas pa sya,pero she needs to survive this para malaman ko ang totoo.

Antagal din namin sa loob ng ER pero successful ang operation, pero mukhang ilang weeks pa bago sya magising sa pagkaka tulog. Tatawagan ko sana si matt pero tinawag ako ni angela, angela is my secretary since i do not know when.

"Sarah ganda mo ngayon ah, ang blooming masyado naks." sabi nito saakin ng makalapit, angela is a lesbian at nag confess itong may gusto saakin noon pero binabalewala ko at tinatawanan kaya laking tuwa ko ng magka nobya ito,bea ang pangalan kapangalan pa ng bruhang ex ni matteo.

"Asus bola eh bakit mo ba ako tinawag?"

"Sasabay sana ako sayo sa Parking Lot, coding ako ngayon pasabay nadin." tumango na lamang ako.

"Intayin nalang kita sa parking lot." tumango ulit ako saka umalis sa harap nito, magbibihis pa ako. Ilang minuto din itinagal ko bago ako nakababa sa parking lot, ang init pala dito sa baba naka hoodie pa ako.

"Oh pawis na pawis kana, labahan mo yan bago mo isauli saakin ah." inabutan ako ni angela ng panyo, si angela ung uri ng tomboy na di revealing, short hair ito pero parating naka jeans at polo kaya di mo iisiping tomboy ito. Tyaka ako nakaramdam ng pagod pawis na pawis pala talaga ako, inamoy ko ang panyo ang bango bango din.

"Ang bango naman ng handkerchief mo, ano perfume nito?" inaamoy amoy ko ito ng makaramdam ako ng hilo, narinig ko pang tinawag ako nito bago tuluyang dumilim ang paningin ko.

Di ko alam ilang oras ako nakatulog pero di ko maigalaw ang mga kamay ko pero ang mga paa ko ay malaya kong naigagalaw. Asaan nanaman ba ako? ang dilim dilim naman dito.

Nanindig ang balihibo ko sa buong katawan ng makita kung sino ang taong lumabas mula sa dilim.

"Surprise."

"Ano nanaman bang kagaguhan mo ito ha francisco?!" pero tumawa lang ito.

"Gaganti lang sayo."

"Wala naman akong ginagawa sayo!anong dahilan ng pag ganti mo?!"

"Ilang beses ako nag confess sayo serah pero nirereject mo ako paulit ulit. Iniwan ko si cecil for you di mo ba ma appr-

" Sino ba kasi nag sabi sayong iwan mo si cecil para saakin?"

"Akala ko ba may chance tayo serah?! bakit nag pakasal ka sa lalaking iyon?! serah madali syang mag sawa pero ako hindi ka-

" Shut up, nag bago si matteo for me, at ikaw pakawalan mo na ako dito bago dumami ang kaso mo!" tumawa lang ito, pero may sumagot na ibang boses sa bandang likod ko, boses babae at alam na alam ko kung sino ito.

" Paano ka makakapag sampa ng kaso kung papatayin kana namin pag tapos ng gagawin namin sayo?" biglang litaw si bea sa likod ko at sinabunutan pa ako, masakit oo pero hindi ako iiyak sa harap nilang dalawa NOT NOW!

" Hindi natin sya papatayin bea." sabat ni francis na seryosong naka tingin kay bea.

" 2 kami Francis isa kalang, follow my lead kung gusto mong mabuhay din."sermon nito, pero teka, DALAWA? means tatlo sila?

" 2 din kami bea so shut up, and you my dear serah may 2 choices ka. Iiwan mo si matteo for me or Iiwan ka ni matteo for bea. " 2 din sila? so apat sila?

" Francis kung makagawa ka ng choices parang wala ako at si gel dito." gigil na sabi ni max, grabe sanib pwersa sila. Pero di ko ineexpect ang GEL na sinasabi nila.

" Angela?! "sigaw ko, hindi ko Inaasahan na dawit sya sa gulo na ito. Ang galing nila mag plano napaniwala nya ako sa lahat.

"PAPALAKPAKAN ko naba kayong apat sa plano nyo?" tanong ko na ikinangisi ni bea.

"Oo naman, gusto ko yung sumisipol sipol pa ah. See you later bitch may lakad pa kasi ako with friends ko." maarteng sabi nito saakin,sinampal pa ako nito at ang hapdi ng parteng nilandingan ng palad nya.

"Bakit saakin ka nagpapaalam? Nanay mo ba ako? mas mukha kapang nanay saakin." sabi ko dito dahil gigil na gigil na ako, nakita ko ang paglaki ng mata nito at akmang sasampalin ako nito ng harangin sya ni Francis at max.

"Subukan mong saktan si serah ikaw ang papatayin ko." banta mi Francis dito, nagmartsa paalis si bea, pamaya maya naiwan nalang akong mag isa sa kwarto, babalikan daw nila ako, di ko na napigilan ang luhang kanina ko pa pinipigilan.


"Asaan kana matteo."


The PerfumerWhere stories live. Discover now