CHAPTER 30

224 14 3
                                    

SARAH'S POV

Kanina pa ako nakahiga dito sa kama, iniintay ko ang asawa ko, napagpasyahan ko na manood na lamang sa youtube gamit ang tv namin, ayoko naman manood ng Kdrama at makikita ko lang si Captain Ri maiinis asawa ko saakin, napaka seloso kasi. Goshh ang pogi talaga si James Yap kahit kailan, mapanood nga. Hindi ko na halos napansin na nasa harap ko na pala ang asawa ko, tutok na tutok kasi ako sa pinapanood ko.

"Love?who's that?" tanong nito saakin.

"Si James Yap crush ko" balewalang sagot ko, nakalimot ako na asawa ko ang kausap ko.

"WHATTTTTT?!!!!SHUT DOWN THAT FUCKING TELEVISION, NOW!" nagulat ako sa sigaw nito kaya nagising ang diwa ko at pinatay agad ang tv.

"Ah lovey andyaan kana pala hindi mo naman sinabi hehe." nag peace sign pa ako saka niyakap ito, hindi ko alam pero naluluha ako dahil sa pagsigaw nya saakin kanina, ang sensitive ko talagang buntis. Ayoko sa taong bungi, ayoko sa amoy ng adobo eh paborito ko iyon,normal paba ito?

"Ghaddd love im so sorry, i didn't mean it, napangunahan lang ako ng selos. Stop crying now, hush now my love please." tumahan naman ako dahil niyakap ako nito at panay ang halik nito sa ulo ko.

"Love naman ilang weeks nalang manganganak na ako, anlaki na oh, tapos grabe ka mag selos." nakapout na ako, ngumiti ito sabay halik sa labi ko, hindi ko naman ito binigo, pero saglit lang ang halik at tinapos na nya ito, himala.

"Im sorry na po, nag init lang ulo ko ng sinabi mong crush mo sya, mas pogi ako dyaan love. By the way, are you hungry na ba? I cooked pasta down stairs, let's eat first."

Bumaba kami saka kumain ng niluto nyang pasta, magaling mag luto si matteo, marunong ako mag luto pero mas bihasa sya saakin. Daig pa nya ang 5 star restaurant chefs kung magluto.

"Nagustuhan mo ba ang pasta love?" tanong nito saakin,tumango tango ako.

"Yap"

"SARAH!!!"

"What?" natatawa kong tanong dito,alam ko kung gaano nya kahate si James. Inaasar ko lang naman ang asawa ko, ang cute nya kasi, ansarap pikunin.

"Don't mention his damn surname!"

"Bunganga mo! nasa harap tayo ng pagkain."

Humingi naman ito ng paumanhin kaagad, saka pinag patuloy namin ang pagkain.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Namimili kami ngayon dito sa Landers, sumaglit si matteo sa vegetables section, ako naman ay pumunta sa langit, este sa lugar kung saan nakalagay ang mga chips at chocolates. Pagkatapos kong punuin ang cart namin ng ibat ibang junk foods at chocolates, pumunta naman ako sa mga sodas. Pero bago ko madampot ang coke at royal, napigilan na ni matteo ang kamay ko.

"Love baka tumaas ang sugar level mo, bawal saiyo yan"

"Lovey naman konti lang naman eh payagan mo na ako" pagmamakaawa ko dito, bumuntong hininga ito bago bitawan ang kamay ko.

"Wala talaga akong laban saiyo misis"

"kasi mahal na mahal mo ako nuh"

2 WEEKS LATER.......

MATTEO'S POV

"Love, akyat muna ako sa taas, papahinga lang ako" pagpapaalam ni sarah saakin, kabuwanan na nya ngayon, hindi ko alam kung papaano gagawin ko kung sakaling manganak sy-

"ARGHHHH MATTEOOOOO!!!!!!" malakas na sigaw ni sarah mula sa taas.

Wala akong inaksayang oras, mabilis akong tumakbo papaakyat sa taas, nakita ko ang asawa ko na parang hirap na hirap, agad kong tinawagan si mommy, umuwi na ito last month dahil gusto nya daw sya ang mag aalaga sa mga apo nya, at agad na namili ito ng mga baby clothes na pinag talunan pa namin. Dahil gusto ko kami na lamang ni sarah ang in charge sa bagay na iyon.

"Hello son" sagot ni mommy mula sa kabilang linya

"Mom hurry up, we ne-

"MATTEOOOOO!!!! WOOO!!!!"

"Anak nag aaway ba kayo ng asawa mo?"

"Mom of course not! manganganak na po ata si sarah mom please hurry up" agad kong ibinaba ang telepono at binuhat ko si sarah para dalhin sa ospital, wala si Mang Danten dahil kaarawan ng Anak nito ngayon kaya pinauwi ko muna. Wala akong choice kundi magmaneho papunta sa Zone  Hospital. Hindi ko kayang makitang nasasaktan ang asawa ko.

Pagpasok namin agad na inasikaso si sarah, priority sya ng hospital dahil sakanya na ito nakapangalan. Siya na ang may ari nito, naitalaga syang CEO nito 6 months ago. Pinilit kong sumama sa loob ng Delivery Room at alalayan ang asawa ko sa panganganak. Hinawakan ko ang kamay nito, base sa pamamaraan ng pagpisil nito sa kamay ko, nasasaktan ito. Ang kanan kong kamay ay hawak ang kamay ni sarah samantala sa kaliwa ay camera. Makalipas ang ilang minuto nailuwal ni sarah ang dalawang malusog na mga sanggol.
Nang marinig ko ang iyak ng mga anak ko, naiyak na din ako, nakita kong nakapikit si sarah, marahil pagod ito. Hinalikan ko ang labi nito.

Dinala na sa nursery room ang mga anak ko at ibabalik daw mamaya. Nailipat na si sarah sa private room. Paglabas ko sa kwarto nakita ko ang mommy ko at daddy ni sarah, nagulat ako sa daddy ni sarah dahil tinapik ako nito sa balikat.

"Asaan po si tita silvia?" tanong ko sa tatay ni sarah, dahil mapapansin na mag isa lamang ito.

"Hiniwalayan ko siya at siniguradong hindi na makakapasok sa bansa na ito kailanman, nalaman ko ang ginawa nito sa anak at mga apo ko, hindi ko mapapatawad kung may mangyaring masama sa anak at mga apo ko. Hindi ko iyon mapapalampas, hindi ko alam ano pa ang mukhang ihaharap ko sainyo matapos ung insidente na iyon. Ako na anak ang humihingi ng tawad sa ginawa ni silvia." niyakap ko ito at nag pasalamat, sigurado akong matutuwa si sarah na andito ang daddy nya.

Kanina pa nakauwi si mommy dahil may shopping daw sila ng amiga nya, kung alam lang daw nya na ngayon manganganak si sarah sana daw hindi na muna sya umoo. Nagkausap na ang asawa ko at tatay nya, hindi ko alam kung ano ang pinag usapan nila dahil lumabas ako at binigyan sila ng oras mag usap, gusto ni sarah na doon lang ako pero mas pinili kong bigyan sila ng pribadong pag uusap. Matapos ang ilang minuto nakita kong lumabas na ito sa silid at tinapik akong muli nito sa balikat saka nag paalam na aalis na siya. Pagpasok ko sa loob naabutan kong nag pupunas ng luha ang asawa ko, nakangiti itong humarap saakin.

"Mr and Mrs Fernan, ito na po ang dalawa ninyong cute and healthy babies." iniabot saakin ng nurse ang isa at ang isa ay iniabot kay sarah, matapos nun lumabas na ulit ang nurse.

"Gian Matteo Fernan" sambit ko.

"Giusippina Asher Fernan" sambit naman ni sarah na naiiyak. Pinahid ko ang luha nito at hinalikan sya sa labi.

"Our little angels"

The PerfumerWhere stories live. Discover now