Chapter 39

8.7K 252 63
                                    

Chapter 39

I was cursing inside my head while fixing my uniform. Damn, Axev. Gusot ang uniform ko dahil sa kaniya! Wala pa naman akong coat na dala. Gusto ko mang umakyat muna sa condo, nag-aalala ako sa emergency ni Tina.

I left him in the basement. He said he'll go home after a minute. Hindi ko alam kung umalis na siya dahil umakyat ako sa first floor gamit ang elevator. Nang makalabas ako sa building ay agad kong nakita si Tina. 

She was wearing her blue scrub suit. Hindi ko alam kung galing ba siyang trabaho o papunta pa lang. She looks so tensed while standing there. Kaagad ko siyang nilapitan.

"Oh my gosh, Sien!" She jumped when she saw me.

Kumunot ang aking noo at hinawakan ang kamay niya. Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon niya sa mukha. Kinagat niya ang labi at niyakap ako ng mahigpit.

"Anong problema? Hey!" I started panicking because she didn't say anything. 

I hugged her back and sighed heavily. Nang humiwalay siya ay tinitigan ko siyang mabuti. May kinuha siya sa bulsa ng scrub suit niya at pinakita sa akin.

"What? What is this?" I asked and stared at the boxes of pregnancy test in my hand.

Nanlaki ang aking mga mata. Naguguluhan pa ako at hindi alam kung anong unang iisipin. What the hell?

"Buntis ka?" My eyes widened and my lips parted.

Umiling siya at bumuga ng hangin. "Hindi ko pa alam."

"What?" I said, puzzled of her actions.

"Hindi ko pa sinusubukan." Kinagat niya ang labi.

"Is this your emergency?" Pinakita ko sa kaniya ang tatlong kahon ng pregnancy test.

She nodded like a kid. She looks so lost between being nervous and excited. I don't know. Pumikit ako ng mariin at kumalma. Tangina, akala ko kung ano na!

"You're going to give me a heart attack, Valentina!" I glared at her.

"Sorry na," ngumuso siya. "Galing akong trabaho at sumaglit ako sa pharmacy. Kakauwi mo lang ba?"

Pinasadahan niya ako ng tingin at kumunot saglit ang kaniyang noo. Now, I panicked again. Tumikhim ako at hinawakan ang kamay niya.

"Yeah, galing akong university. Let's go to my condo and let's find out if you're going to be a mother soon." I said and dragged her inside.

She was telling me how nervous she is while we're inside the elevator. Kahit ako'y kinakabahan na dahil sa reaksyon niya. Nilingon ko siya ng suminghot siya at tiningnan ako.

"Bakit amoy lalaki ka?" Bigla niyang tanong.

Nanginig ang tuhod ko sa tanong niya. Pasimple kong inamoy ang sarili ko at napapikit ako ng mariin. Amoy Evander ako!

"Buntis ka nga siguro. Kung anu-anong naamoy mo." Umiling ako at bahagyang lumayo sa kaniya.

Naningkit ang mga mata niya sa akin at nilapit ang sarili. She sniffed again and her face contorted. She crossed her arms and raised her brows. Oh my gosh, I swear! She's damn pregnant!

"Are you sure? My sense of smell is sensitive nowadays." Aniya.

"Hindi mo na kailangang mag-PT, buntis ka nga." Ngumiwi ako.

Laking pasasalamat ko nang bumukas ang elevator. Agad akong lumabas at sumunod naman siya agad.

I waited for Tina to finish in the bathroom. Gusto ko maligo na rin pero mukhang gustong gusto na niyang malaman ang resulta. I put on my gloves when she walked out of the bathroom holding the container I gave her that's filled with urine.

Bonfire Hearts (LAPRODECA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon