Chapter 19

289 12 0
                                    

THE GOOD EQUAL | #TGEC19

IRIS

I'd never seen an extremely happy Kaia since the day that I met her not until I gave her my Christmas gift—a different design of Vivienne Westwood Corset. Nang pinakita ko kasi sa kanya ang picture ng corset na 'yon ay nagustuhan niya rin. Kaya nang regaluhan ako no'n ni Ate Irca ay pinabili ko ulit siya ng isa pa para kay Kaia.

"Grabe, Ris pwede na akong mamatay," Kaia hyperbole while hugging the corset. Ngayon ko pa lang kasi naibigay ang gift ko sa kanya kasi kahapon lang ito dumating.

Kaia's gift for me was a tie back white satin dress—gano'n daw kasi mga damitan ko kaya no'ng nakita niya 'yon sa mall ay ako raw agad ang naalala niya.

It was already the third week of the second sem at 302 pa rin ang block namin. Kami-kami pa rin ang magka-kaklase. And I can finally say that I belong to their block because I am no longer a transferee—regular student na ako. But I didn't make it a big deal though, kasi kahit no'ng transferee pa lang ako ay ka-block na rin ang turing nila sa akin.

Lima na lang ang subjects namin ngayon—but all of them are majors—and as they always says, the lesser the subject, the fatal. At kahit gusto namin ng katahimikan ngayong sem ay hindi namin magawa dahil puro kami research and groupings! Lahat ng subjects namin ay may groupings! Ang ingay! Ang daming GC!

This is what I'm telling my sister—na hindi porke't first week ay wala pang gagawin—every day is important in college, you wouldn't know what you'd miss if you don't go to class. Gano'n ka-detailed sa kolehiyo.

"Nando'n na raw sa taas sila Josh, Ris. Akyat na tayo," yaya ni Kaia. Last subject na namin ngayon ang Intro to Theater at wala kaming prof. But Josh still required us to attend the class because we'll be discussing our play. Grabe ang excitement ng block namin sa subject na 'to. Kasi kahit no'ng bakasyon pa lang ay pinag-uusapan na nila ito sa GC.

"Kompleto na ba?" tanong ni Marc. Silang dalawa ni Josh ang head namin dito sa play. Nagpa-ikot muna sila ng yellow pad para sa attendance. Maya-maya ay tumayo na silang dalawa sa gitna.

"So, ayon, sabi ni Mam Jo, kailangan na natin ng story para sa play—kahit anong story pero dapat maayos at kapupulutan ng aral. Kailangan bago tayo lumabas ng room na 'to meron na, ire-report kasi namin 'to kay Mam," informed Marc. "May idea ba kayo? Taas niyo na kamay niyo kung meron para maka-uwi na tayong lahat."

Nag-suggest naman agad ng mga kwento ang mga kaklase ko at lahat 'yon ay kino-consider nina Marc. Kaia also suggested one and they all liked it.

"Meron din ako," sabi ko habang tumatayo.

"Sige, Iris, ano 'yon?" acknowledged ni Josh sa akin.

Humarap ako sa kanilang lahat, "What if gawan natin ng story 'yung Maguindanao Massacre? I know it's a very sensitive topic but I really want to justify something about that heinous crime..."

Huminto ako saglit para i-filter ang susunod ko pang sasabihin. Tahimik naman silang nakikinig kaya nagpa-tuloy ulit ako.

"Majority of the victims were in the media industry...media practitioners...tayo. Sa palagay ko kasi hindi sila nabigyan ng maayos na pagkaka-kilanlan—laging general. What if this time bigyan natin sila ng kwento...'yung lahat ng victims...na kung saan ang mga gaganap ay papunta rin sa larangan ng media...tayo mismo..."

It was a long stretch of silence, nagtataka kong tiningnan ang mga kaklase ko dahil lahat sila ay biglang tumahimik—kahit si Kaia ay hindi rin kumikibo.

"Uy suggestion ko lang 'yon ah..." mabilis na sabi ko kina Josh.

"Hulog ng langit talaga sa atin si Iris, yung mga komplikadong bagay ay nagagawa niyang gawing simple," sabi ni Josh sa akin nang lingunin niya ako.

The Good Equal (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon