Chapter 29

285 14 0
                                    

THE GOOD EQUAL | #TGEC29

IRIS

Isang studio type sa isang residential area sa Makati ang tutuluyan namin ni Jacques. Si Kaia ang pumili nito para sa amin at siya na rin ang nag-ayos ng lahat. Pagkarating namin ay natuwa ako dahil kumpleto na ang mga gamit. May isang maliit na couch sa dulo ng kama, may maliit na mesa at upuan, mini ref, at pati mga groceries ay meron na rin. White lang din ang pintura ng walls at mas lalong lumaki ang ngiti ko nang may makita akong mga laruan.

"Thanks Kaia..." naluluhang sabi ko. "Pero diba sabi ko pag-uwi na lang namin tayo bumili ng mga gamit?"

Binaba ni Kaia si Jacques sa kama at doon niya ito nilaro bago tumingin sa akin.

"Ayoko nang mapagod kayong mag-ina kaya inasikaso ko na lahat. Besides, order din 'to ni Ate Irca."

Tumango-tango ako, "Okay, thank you..." pasasalamat ko ulit. She has done enough for me and Jacques. That sometimes I feel like saying thank you wasn't enough.

"Nah, don't mention it," was her mere reply and she immediately turned her attention to my baby.

Nang kinagabihan ay umorder lang si Kaia ng dinner namin dahil hindi ko na kayang magluto. Pagod na pagod na ako sa byahe pa lang—14 hours kaming naka-upo lang ni Jacques sa eroplano. At kahit naka-upo lang kami ay nakakapagod 'yon!

Quarter to ten na rin nang umuwi si Kaia. Hindi niya na kasi tinantanan ang anak ko, tumigil lang siya nang makatulog na si Jacques. Bago siya umuwi ay sinabi niyang pupunta sina Orion at Kiko dito bukas. Na-excite naman ako dahil ang tagal na rin no'ng makasama ko 'yung dalawa. Pagka-alis ni Kaia ay naligo agad ako at isinuot ang night gown tsaka ako tumabi sa anak ko.

It's been a long day...

***

It was a disaster. The idea of inviting Orion and Kiko was a disaster—not to mention Kaia. Halos mabalian ng buto ang anak ko dahil pinag-aagawan nila si Jacques na parang laruan. Kung hindi pa ako aawat ay baka nasa hospital na kami ngayon.

Nang mapagod si Jacques ay nakatulog agad ito kaya nilagay ko muna siya sa kama habang kumakain 'yung tatlo. Muntik ko na silang hindi papasukin kanina nang makita kong bumili sila ng soju. Nangatwiran pa si Kaia na soju yakult daw ang gagawin nila para hindi nakakalasing.

"So anong plano mo ngayon, Iris?" tanong ni Orion pagbalik ko sa mesa. I bit my lips. Ito 'yung ayaw ko na tanong—ang tanungin ang plano ko. Pero kahit papaano ay napag-isipan ko ng mabuti ang gagawin ko. Kailangan ko na lang nang matinding arte at kapal ng mukha.

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot. "Babalik kaming SVU ni Kaia. Tatapusin na namin 'yung taon," nakatungong sagot ko.

If I could include Kaia in the Guinness World Record as the best friend in the world, I would.

When I told Kaia that I was pregnant, she also decided to stop for one-year. Gusto niya kasi sabay kaming ga-graduate—na kahit nagalit sa kanya ang magulang niya ay hindi pa rin siya nag-enrol. Iniyakan ko si Kaia no'n nang sabihin niyang sabay kaming mag-eenroll for 4th year kapag nakapanganak na ako at makabalik ng Pilipinas. Pinagtawanan pa namin ang isa't-isa dahil hindi namin pareho alam kung sincere raw ba 'yung iyak ko o emosyonal lang ako kasi buntis.

"Naka-usap mo na ba Dean niyo?" si Kiko.

Umiling ako, "Not personally. Nag-email lang ako sa kanya to explain everything. He answered though he said we have to talk about it personally. Pinapapunta niya ako sa school before the sem starts."

"Sino magbabantay kay Jacques kapag pumasok ka na?" si Orion ulit. Tumingin ako kay Kaia at tinuro siya. "Ask her," at tumingin naman 'yung dalawa kay Kaia.

The Good Equal (COMPLETED)Where stories live. Discover now