Maria 6/26/20 (Tagalog)

15 1 0
                                    

O Maria, aking prinsesa bakit naman kita paaanurin?
Ikaw at ikaw lamang sinta ang sanhi ng aking pagkamasayahin,
Hindi ko talaga alam kung paano ka lilimutin o tatanggihin,
Kasi hanggang ngayon at bukas, iyong mukha ang nasa isip pa rin

Naaalala mo pa rin ba yung unang araw ng eskwela?
Noong nahuli ako sa pagpunta sa paaralan at hinanap kita
Pero noong nakita mo'ko, ngumiti ka at kumaway ka,
Ang iyong ngiti noon ay parang bulaklak na may kulay na hindi ko pa nakikita

O Maria, sumagot ka sa aking nararamdaman,
Kay tagal ko nang hinintay ang makita ang iyong nilalaman,
Ako ba o hindi? Nais ko talaga sanang malaman,
Kung ano ba ang laman ng ligaya mo, para ika'y aking ipaglaban

Nasa iyo na ang aking mapagmahal na puso
Kasi ikaw sinta ay ang aking kayamanan na hindi nalalabo,
Kayamanan na kumikinang na parang tala,
Kayamanan na nanatili sa aking puso at alaala

Maria naman, wag mo sana akong ilayo sa iyo,
Alam mo din naman na ako'y seryoso at hindi nagbibiro,
Kahit saan ka man pupunta upang makalayo sa akin susundin kita,
Kahit lahat ng tao ang kalaban ko patungo sa'yo ipaglalaban kita

Kasi Maria, ikaw ang pina ka espesyal na tao sa buhay ko,
Walang metapora, walang pagmamalabis, ikaw lang ang nakagawa sa'kin nito
Na kahit matulog ako, ikaw pa rin ang nasa panaginip at isip ko,
Nahuhulog na talaga ako sa'yo o Maria Flores, paano ko na gagawin ito?

...my bad, this poem is very bad hehe...

PastWhere stories live. Discover now