Chapter 3 : BLAST

6.8K 353 95
                                    

We drank liquors and they forced me to get some random girl just for tonight. They won't believe I am not interested.

Is it really unbelievable for a man to not be interested with any woman?

I don't know... but... I'm really not into any girl right now.

I had past relationships before I get into the army but those were just petty relationships. I am still young before and I know relationships at a young age won't last long. So all I did was I held their hands and hugged them. I'm not really committed to them, but I never cheated. I've also never kissed anyone before.

Growing up, my mother taught me how to value a woman. How to respect a girl and its body, soul, and heart.

"Girls are not toys to play with, Ethan. Don't be like your father." Those were her exact words. They keep echoing in my head all the time so how am I able to play around?

And to top it all, I am here to work. I am here to serve my country. I don't mix work with stuff like that.

"Bakla nga kasi itong si Ethan kaya huwag mo nang pilitin, Raymond." Sabi ni Cyrus at parang nandidiri pa sa akin.

Hindi ko na sila pinansin at uminom na lang nang tahimik.

Nang nag-aya na sila na bumalik na sa barracks namin ay sumang-ayon ako agad. Hindi naman din ako nag eenjoy sa club na iyon dahil panay ang lapit ng mga babae sa akin. Akala nila natutuwa ako. Hindi nila alam sobrang iritado na ako.

Nang makabalik na kami sa barracks ay agad bumagsak sa kama si Cyrus. Sobrang lasing ang loko. Ni hindi manlang naligo muna o kahit nag bihis manlang ng damit pang tulog. Kung ano ang suot mag hapon iyon na rin ang suot sa pag tulog. Kadiri ampota.

Ako naman, inilagay ko muna ang kwintas sa ilalim ng unan ko dahil baka mawala. Tapos ay nag handa ako ng damit at dumiretso na sa banyo para maka ligo. Ang  sarap sa pakiramdam kapag dumadaloy ang tubig sa katawan ko. Tapos ang lakas pa ng tubig mula sa shower, kaya naman enjoy na enjoy ako sa paliligo.

Pagkatapos ko maligo ay doon na rin ako sa loob ng banyo nag bihis. Gray cotton shorts lang na tama ang haba, at black na sando.

Sarap! Presko!

Napatingin ako sa banda ni Cyrus at nakitang naka-nganga na siya. Sarap na sarap sa pag tulog. Mamaya may laway na sa pisngi niyan.

Nahiga ako sa kama at itinaas ang kaliwang braso at ipinatong doon ang ulo ko. Tapos ay kinuha ko ang kwintas mula sa ilalim ng unan at pinagmasdan iyon.

"Brianna Madison... Sino ka ba? Kanino ka ba?" Para akong tanga habang kinakausap ang kwintas. "Bukas... pupunta ako sa kabilang troop. Itatanong ko kung may nagmamay ari na sayo roon. Kung mayroon ay isasauli na kita..." Sabi ko at medyo nalungkot. "Salamat sa pag ligtas sa akin mula sa mga terorista, ah?" Sabi ko at ngumiti na parang baliw.

O baka nga baliw na ako? Mukha akong tanga na kinakausap ang walang buhay na kwintas na 'to.

Tinitigan ko ang kwintas hanggang sa dalawin ako ng antok.

Kinabukasan ay agad akong pumunta sa kabilang troop. Papasok pa lang ako sa barracks nila nang natanaw ko agad ang isa kong kakilala.

"Abraham!" Tawag ko at lumingon naman agad siya. I jogged my way to get to him. 

"Baka sa iyo itong kwintas?" Tanong ko sa kakilala ko roon nang nakalapit.

"Oy, Ethan!" Bati niya at nakipag high five sa akin.

"Sa'yo ba 'to?" Tanong ko ulit sabay pakita ng kwintas.

"Huh? Hindi." Aniya nang naka kunot ang noo.

"Sa tingin mo, sa mga kasamahan mo, isa kaya ang nag mamay ari dito?"

"Hindi ko alam, e." Sagot niya.

Nadismaya ako roon at magpapaalam na sanang aalis na pero nag salita ulit siya.

"Pero... mukhang pamilyar iyan. Parang nakita ko na dati." Sabi niya at tila nag isip.

Nabuhayan ako ng loob!

"Oo! Tama! Kay General Angeles iyan!" Sagot niya na parang nanalo sa lotto.

"Sino si General Angeles?" Kunot noo kong tanong.

"Iyong isa sa Heneral namin dito... Mukhang laging galit at mukhang mangangain pero maloko lang talaga at sobrang bait. Close kami no'n!" Aniya at nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa akin.

"Oh? Pwede ba na samahan mo ako sa kaniya? Para maisauli ko na ito." Sabi ko nang medyo labag sa kalooban. Gusto ko isauli sa may ari dahil iyon ang tama. Pero syempre, nalulungkot din ako. Lucky charm ko 'to, e!

"Naku, Ethan. Hindi mo na maisasauli iyan." Aniya at umiling iling pa. Mukhang malungkot samantalang ako, nagpipigil ng ngiti.

"Huh? Bakit naman?" Tanong ko pa, nagkunwaring malungkot na hindi ko na maisasauli ang lucky charm ko.

"Patay na si General Angeles. Isa siya sa namatay sa ni-raid na building netong nakaraan lang." Seryosong wika ni Abraham at ako naman, halos naestatwa sa kinatatayuan ko.

"Alam ko na sa kaniya iyan dahil lagi niya iyang suot. Padala sa kaniya iyan ng kaniyang unica hija na si Madi. Brianna Madison Angeles ang totoong pangalan." Tuloy tuloy na wika ni Abraham samantalang ako hindi makapag salita. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin.

Tangina! Nakonsensiya naman ako roon!

Dapat ba akong matuwa dahil sa akin na itong lucky charm ko? O dapat ba akong malungkot dahil namatay ang totoong may ari nito?

Gago ka, Ethan! Dapat malungkot ka! Kasamahan mo iyon! Bobo!

Nalukot tuloy ang mukha ko.

"Ano, Ethan? Tulala ka riyan? Close ba kayo ni General Angeles?" Tanong ni Abraham sa akin at umiling naman ako.

"Bakit sobrang affected ka naman yata? Sa iyo na iyan. Wala nang kukuha niyan sayo rito." Ani Abraham at tinapik tapik ang balikat ko.

Tumango ako kahit medyo gulat pa sa nalaman. Nang nakabawi naman ay agad na akong nagpaalam.

"Sige, Abraham. Una na ako." Paalam ko at ako naman ang tumapik sa balikat niya. Siya naman ang tumango sa akin.

"Ingat ka." Pagkasabi niya no'n ay tumulak na ako paalis.

Kakalabas ko lang ng barracks nila nang biglang may sumabog sa loob. Gulat pa sa pag sabog na 'yon, may sumunod ulit na mas malapit sa kinatatayuan ko. Sobrang nakakabingi at nakakarindi.

Ilang sandali pa at nanlabo na ang paningin ko at tuluyan nang nawalan ng malay.

Necklace of Hope (Military Series #1)Where stories live. Discover now