Chapter 35 : ARMY

3.3K 173 42
                                    

"Mag iingat ka roon, ah? Huwag na huwag mong kakalimutan na mag dasal araw-araw at gabi-gabi." Bilin ni Mama habang inaayos ang uniporme ko.

Tumango ako at nag salita, "Opo."

Tiningnan niya ang mga mata ko kasabay ng pag patak ng mga luha niya.

"Sigurado ka na ba talaga na aalis ka na at babalik ka na roon?" Tanong ni Mama habang umiiyak.

"Opo, Ma. Walang mangyayari kung... mananatili pa ako rito nang mas matagal."

"Puwede ka naman kasing manatili rito nang hindi mo pinupuntahan si Madi!" Aniya at hinampas ako.

Umaray ako at hinimas ang balikat kong hinampas niya.

"Melani, hayaan mo na ang anak mo sa kung ano ang desisyon niya. Kung ano ang gusto niyang gawin ay suportahan na lang natin." Si Papa at hinawakan ang magkabilang balikat ni Mama.

Nag iiyak pa rin si Mama at ayaw magpa alu kay Papa. Lumapit ako sa kaniya at hinihiling na sana ay huwag na akong mapilit na manatili pa rito. Mas mahihirapan lang kaming dalawa ni Madi kung hindi pa ako aalis.

"Ma... hindi ba ay sinabi ko na sa inyo, na kung ayaw talaga sa akin ni Madi ay aalis na ako? Payapa akong aalis para hindi na sila magulo."

"Hindi mo naman kasalanan 'yon, anak. Wala ka naman ginawa kay Madi, ah? Kusa siyang nahulog sa'yo."

"Sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog sa napaka gwapo mong anak?" Biro ko kay Mama kaya naman naka tikim pa ako ng panibagong hampas mula sa kaniya.

Masama ang loob niya na mas napaaga ang pag balik ko ng Davao. Dalawang buwan kasi ang ipinag paalam ko na leave sa serbisyo pero wala pang isang buwan ay babalik agad ako.

"Puro ka ganyan, Ethan! Kinakausap ka nang maayos ay puro ka biro!" Sigaw ni Mama sa akin at piningot ang tenga ko.

Umaray ulit ako sa sakit kaya inawat siya ni Papa sa ginagawa niya.

"Tama na yan, Melani. Nasasaktan na ang anak mo, ano ka ba?" Mahinahon ngunit mariin na pagkakasabi ni Papa.

"Manahimik ka, Ricardo! Isa ka pa!" Binalingan niya si Papa at si Papa naman ang naka tikim ng pingot mula sa kaniya.

"Aray!" Reklamo ni Papa.

"Sa susunod huwag kang sasabat sa akin at talagang makakatikim ka!" Banta ni Mama. Si Papa naman ay pilyong ngumisi.

"Alin ang matitikan ko?" Tanong ni Papa kay Mama at nag taas ng kilay.

"Aba't ang tarantadong---" Hindi na natuloy ni Mama ang sasabihin niya dahil agad siyang niyakap ni Papa.

"Joke lang, Ma! Hindi ka na mabiro, ah? Joke lang 'yon." Ani Papa habang naka yakap kay Mama sa likuran.

Umirap si Mama sa hangin bago bumulong sa hangin pero rinig naman namin ni Papa.

"Ang tanda tanda na, manyakis pa." Bulong ni Mama na tinawanan na lang namin ni Papa.

Ilang sandali pa sila nag biruan bago ako seryosong hinarap ulit ni Mama.

"Anak, basta at lagi kang mag iingat doon ha?" Aniya at hinaplos ang pisngi ko.

Hinawakan ko ang kamay niyang pinang haplos sa akin at pinatakan ng halik iyon.

"Opo, Ma. Kayo rin dito ni Papa. Lagi kayong mag iingat." Wika ko at nginitian ang pinakamamahal na ina.

"Kailan ba ang balik mo?" Tanong ni Mama na naluluha na naman.

"Tanungin mo muna, Mama, kung makakabalik pa ba ako? Baka mamatay na ako roon." Biro ko at tumawa pa. Nakatikim na naman tuloy ako ng hampas mula kay bombang Melani.

"Lintek ka, Ethan Kendrick, tantanan mo ang kinabibiro mo ng mga ganyan! Hindi magandang biro!"

"Sorry, Ma." Sabi ko at napa kamot sa aking batok. "Hindi ko pa po alam ang susunod kong uwi."

Kumunot ang noo ng aking ina sa akin. "Bakit?"

"Wala naman po akong babalikan dito." Malungkot akong ngumiti.

Si Mama ay malungkot din ang mga mata habang naka tingin sa akin. Hindi ko lang mawari kung dahil ba iyon sa pag alis ko o dahil ba iyon sa naging sitwasyon namin ni Madi.

Isang linggo na rin ang naka lipas mag mula no'ng huling beses akong pumunta sa kanila. Pagkasabi ko sa kaniya na mahal ko siya ay mabilis na akong tumalikod para maka alis. Pinaandar ko nang mabilis ang sasakyan ko at dumaan sa isang bar malapit lang sa amin. Sa Los Baños lang din at inuman lang 'yon. Nagpakalasing ako nang sobra para naman malimutan ko kung gaano kasakit ang nararamdaman ko.

Kinabukasan na 'yon nang naka uwi ako ng bahay namin. Sa bar na 'yon ako nagpalipas ng gabi. Mabuti at hindi ako ninakawan. Masyado akong nagpadala sa sakit na nararamdaman, hindi na ako nakapag isip nang tama.

Syempre, pagka uwi ko ay ang nag aalalang si Mama ang sumalubong sa akin. Si Papa ay nag alala man, hindi sobra katulad no'ng kay Mama. Wika ni Papa ay nasa tamang edad na raw ako kaya naman ay kaya ko na ang sarili ko. Katwiran naman ni Mama ang pagiging ina niya sa akin. Kahit daw tubuan na ako ng puting buhok, hindi pa rin daw siya mapipigilan na mag alala nang sobra pag dating sa akin.

Nasabi ko sa kanila ang nangyari sa pag uusap namin ni Madi. Walang imik silang pareho. Siguro ay ayaw nang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko. Pero tingin ko kay Mama ay marami siyang gustong sabihin, talagang mas pinili na lang na hindi na mag salita.

Nang araw na rin na 'yon ay ang araw na napag desisyunan kong bumalik na agad sa Davao. Naniniwala kasi ako na kung hindi pa ako aalis at susundin ko pa ang dalawang buwan kong leave ay babalik at babalik pa ako kila Madi. Ayaw ko nang mahirapan pa siya dahil lang sa'kin.

"Anak, lagi mong tatandaan na lagi kaming nandito ng Papa mo para sa'yo. Kaya may babalikan ka. Naiintindihan mo?" Ani Mama habang naka hawak sa pisngi ko.

Tumango ako at ngumiti dahil... tama siya. Mayroon pa akong rason na bumalik. At silang dalawa 'yon ni Papa.

Wala man akong Brianna Madison, mayroon naman akong Ricardo at Melani na handang tanggapin ako kahit anong oras.

Tahimik ako buong biyahe patungong Davao. Nag commute na lang ako papuntang airport dahil ayaw ko nang magpahatid pa kila Papa dahil baka maudlot pa ang pag alis ko kung makikita ko sila.

Sa eroplano naman ay natulog lang ako buong biyahe. Nang nakarating na ako sa airport doon ay agad akong sumakay sa sasakyan na sumundo sa akin.

"Napa aga ang balik mo, LTC Saldivar?" Wika ni Dante, isa sa mga kasamahan ko roon sa kampo.

"Mas gusto ko rito. Walang ganap doon sa amin, e." Palusot ko.

"Baka naman wala ka lang nabingwit na babae?" Biro niya na tinawanan ko lang.

Habang papalapit kami nang papalapit sa kampo ay naririnig ko na agad ang ingay ng mga kasamahan ko.

Natatanaw ko na agad sila Clinton at Raymond na nakatindig habang tinatanaw ang sasakyan na paparating.

May isang sundalo na tumatakbo at mukhang sasalubungin kami.

"Ethan!" Sigaw ni Cyrus.

Siya 'yong tumatakbo at sasalubong sa amin.

Huminto ang sasakyan at bumaba ako. Hindi pa man ako nakakatindig nang maayos sa lupa ay sinalubong na ako ng yakap ng panget na si Cyrus.

"Grabe pre! Na-miss kita!" Aniya at nag iyak iyakan pa. Binatukan ko tuloy.

"Tumigil ka. Ang panget mo."

"Tangina mo naman. Kakabalik mo lang may sapak agad? Bumalik ka na roon sa inyo!" Sigaw niya sa akin. Tinawanan ko lang siya at inakbayan.

Bumaling ako sa mga kasamahan kong nakatanaw habang nakangiti sa akin. Kinawayan ko sila.

Dito ako nababagay. Dito ako tanggap ng mga tao. Dito ang tahanan ko.

Necklace of Hope (Military Series #1)Where stories live. Discover now