Ilang days din akong naging sunod-sunuran kay Yakob na taga-dala ng tubig at taga-buhat ng bag niya.
Sa mga araw na 'yun palagi siyang sumasabay sa akin pag-uwi, bored na naman siya siguro at walang mapagtripan. Naiinis ako nung una dahil panay insist niya na sasabay siya ngunit hinayaan ko na lang dahil magsasawa rin naman siya sa pagsabay sa akin. Hindi ko na rin kasabay si Luigi na umuwi dahil parati siyang na-u-una o hindi kaya'y may pupuntahan.
Nakikinig lang ako ngayon sa discussion ng prof namin tungkol sa History of Arch 1 buti hindi siya nagpagawa ng plates ngayon.
"Inaantok na ako." Bulong ni Hannah sa akin at may pahikab pang kasama.
"Makinig ka na lang." Ani ko rito at siniko ko pa siya para magising. Nakakahiya naman sa prof namin at buti na lang nasa likod kami kaya hindi halata. Matanda na kasi yung prof.
Natapos ang discussion ay may vacant pa kami kaya nagtambay lang kami sa isang milk tea shop sa labas ng school dahil nabuburyong din kami ni Hannah. Wala pala si Luigi ngayon dahil absent siya.
"Tinext mo na ba si Luigi?" Tanong ni Hannah sa akin.
"Hindi pa."
"Text mo nga kung bakit absent ang isang yun?" Tumango lang ako at bilang pagsang-ayon
Kinuha ko ang phone ko at nagtype ng messsage kay Luigi kung bakit wala siya.
"Tinext kuna." Uminom na ako ng aking milk tea at nakipagkwentuhan lang ako kay Hannah at nagkalat na naman siya ng chismiss sa akin. Chismosa talaga ang isang to.
"Tara na baka pagalitan na naman tayo ni Ma'am Winfreda." Tumayo na kami at paalis na rin dahil parati daw kaming nalalate sa subject niya na religion.
Buong maghapon wala akong nareceive na reply galing kay Luigi at nag-a-alala na ako baka may sakit yung tao o may nangyari sa kanya. Bibisitahin ko na lang mamaya sa bahay nila.
"You may go." Nagsitayuan na kaming lahat dahil paalis na kami. Nagdismiss na si Ma'am Winfreda, last subject namin ngayon.
"Una muna ako sis. May early dinner kami ngayon." Pagpapaalam ni Hannah sa akin at tumango na lang ako at nakipagbeso sa kanya.
"Ingat ka!" Kaway ko rito at kumaway din siya.
Dumiretso na ako sa gym dahil sa tubig ni Yakob and as usual pauwi na rin siya galing ng training niya at buti na lang tuwing dismissal lang siya nagpapahatid ng inumin. Parang alam niya ang bawat dismissal ko ah.
"Oh!" Abot ko sa home made na detox water na pinagawa niya sa akin. Napakaarte kasi ng isang 'to kala muna naman ginto ang bituka.
"Salamat!" Ngisi nito at ginulo pa ang buhok ko.
"Ano ba!" Alis ko sa kamay niya dahil mukha na naman akong haggard dahil masisira ang ayos ng buhok ko. Medyo may pagkakulot pa naman.
"Uwi na ako." Ani ko at lumakad papalayo sa kanya.
"Sabay na tayo." Habol sa akin ni Yakob at hindi na lang siya kinibuan.
"Ang bilis mung maglakad." Nabigla ako dahil bigla niya akong inakbayan.
"Alisin mo nga yang kamay mo sa akin." Inis kung sabi at pinagtitinginan na naman kami ng mga estudyante ngunit ang ulupong hindi niya tinanggal ang pagkaakbay niya dahil nung tinangka kung tanggalin ang akbay niya ay binabalik pa rin niya sa aking balikat.
"Hindi mo talaga tatangalin!" Madiin kung sabi.
"Hindi." Ngisi niya at inirapan ko na lang siya.
BINABASA MO ANG
Flower and Cigarette
Teen FictionYakob Alcuzar was a mess and a bully but everything change when he meet Cloy Linel Martinez, a first year architecture student.