Chapter 18

6.9K 282 55
                                    

Linggo ngayon at kakauwi lang namin sa simbahan. Nakadungaw lang ako sa may bintana at bumuntong hininga. Umihip ang malakas na hangin at pinagaan nun ang nararamdaman ko.

Hindi nag-text si Yakob sa akin kahit man lang kunting "hi".

Magsisinungaling lang ako sa sarili ko kung hindi ko aaminin na namimiss ko ang pagtext niya sa akin kahit na ang corny at nakakabadtrip minsan.
Tumayo ako at nakita sa side ng bintana ang jersey ni Yakob. Kinuha ko ito at sinuot. Malaki ang size niya kumpara sa size ko.

Humarap ako sa salamin at mukhang bagay naman sa akin. Sando type ang jersey na binigay ni Yakob kaya kita medyo ang tagiliran ko.

Hindi ako makakanood ng basketball bukas dahil na rin sa plates na kailangang i-habol. Kahit may game sa school hindi parin suspend ang klase. Kung baga watch at your own risk.
Kahit pumayag ako na manood sa laban niya nung una ngunit dahil lang yun sa pangiinis niya sa akin.

"...if you really want an answer to your question. Manood ka ng basketball game namin. If we won sasabihin ko but if we didn't win.."

Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Yakob sa akin nung nasa likod kami ng SEA building.

Hindi ko na nga iniisip pa ang bagay na 'yun ngunit sumagi pa sa isip ko. Tinanggal ko ang jersey ni Yakob at nilagay sa hanger at binalik sa dating pwesto.

Manonood na lang ako ng Youtube dahil bored ako at bukas pa naman gagawin yung plates dahil sa school ibibigay yung instruction.

Pagsapit ng gabi ay tumulong lang ako kay Mama sa pagluto ng adobong baboy.

"Nga pala, hindi ba pumasok si Yakob dito kanina?" Tanong ni Mama sa akin habang hinahalo ko ang adobo.

"Wala naman bakit?" Tinikman ko ito at sakto na ang timpla niya kaya binaba ko na ang sandok at tumingin sa kanya.

"Hindi ko alam ngunit nakita ko siya sa may poste kanina." Nagulat ako sa sinabi ni Mama ngunit malaking impossible naman yun. Kung nandito siya dapat nagtext siya sa akin at sasabihin niya na lumabas ako. Mukhang type na nga niyang tumira dito sa bahay eh.

"Baka namalik mata lang kayo." Ani ko at hindi na lang binigyang pansin ang sinabi ni Mama.

"Marahil."

Nang maluto na ang ulam ay niready ko na ang lamesahan at kumain na rin kaming dalawa. Ako na nagpresentang maghugas ng plato para makapagpahinga na si Mama. Matapos maghugas ay umakyat na ako sa aking kwarto.

Katatapos ko lang gawing ang night time routine ko at nakatitig lang ako sa screen ng phone ko. Hindi ko alam kung i-tetext ko siya or hindi.

Pinindot ko ang number ni Yakob at napunta sa message section. Nagsulat ako ng "hi! Kamusta" ngunit dinelete ko rin agad. Nauunahan ako ng hiya.

"Ano ba dapat ang i-message ko?" Tanong ko sa sarili ko at napakagat sa aking daliri.

"Hi? Or anong ginagawa mo? Ang awkward naman yata" Wika ko habang nakatitig sa kisame. Kung nagsasalita lang tung kisame marahil sinabihan na niya ako na baliw.

Nag-vibrate ang phone ko at nakita ko ang text ni Yakob. Nagulat ako dahil hindi ko i-expect na magtetext siya sa akin.

From: The Demon

Anong hayop ang walang gilagid?

Basa ko rito at kumunot ang aking noo dahil hindi ko alam kung saan, ano at bakit ganito ang text message niya.

To: The Demon

Pinagsasabi mo?

From: The Demon

Flower and CigaretteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon