Chapter 30

6.9K 215 49
                                    

"So, this is the propose design for the residential house in Cam Lake Village." Pinakita ko sa power point ang design concept ng building na ipapatayo. Nandito sa harapan ko ngayon ang mga biterano sa field na ito at meron ding mga engineer sa meeting at kasama si Yakob doon na nakatingin lang sa projector.

"Since we are the pioneer in this field and we are well-known here in our country. I ensured that the design of these buildings will be ergonomicaly correct and conjucive for living."

Pinakita ko rin ang architectural programming na ginawa ko sa isang bahay at pati ang site analysis. Panay tango lang sila habang pinapaliwanag ko ang mga ito at si Yakob tahimik lang siya. Tinalakay ko rin ang expected budget kung sakali.

"That's all." Pag-end ko ng aking presentation. "Now, I am open for questions." Lumibot ang paningin ko sa mga taong nasa conference room at panay tingin nila sa mga folder na nasa harapan nila.

"I have question?" Taas kamay ni Yakob kaya napatingin sa kanya ang lahat. Hindi ko alam ngunit bigla akong kinabahan.

"Yes?" Turo ko sa kanya.

"It looks like the design of the house are too much for a residential house. Look at those baracades all over the house it's not even cooperate to the purpose. Since we all know that it was a big project, we should bare on mind the cost of labor and I think this kind of design can put us to a lot of cost." Napatingin ako sa bahay and meron nga akong sinaling mga baracades doon and mukhang unnecessary lang pala siya parang part lang ng aesthetics.

"I'm totally agree Eng. Yakob since our target client are those people who are in the middle class. The design looks extravagant and can physchologically affect the mind of the buyer that this house is a lot of cost." Pagsang-ayon naman ni Sir. Magdayo dahil siya ang pinakahead sa amin.

"I also agree." Puna rin ng mga iba.

"Okay. I will update the design and make it minimal." Ani ko na lang dahil totoo naman ang sinabi nila. Hindi ko naisip ang mga client kaya masyadong magarbo ang design na nagawa ko.

"Okay, meeting adjourn." Pag-anunsyo ni Sir Magdayo matapos maidiscuss lahat ng kailangang pagusapan. Sa design na lang talaga ang problema.

Niligpit ko na lang ang gamit ko at nagsilabasan na rin ang iba. Samantalang naguusap pa si Yakob at Sir Magdayo ng matapos ko nang iligpit ang gamit ko ay lumabas na rin ako. Mahaba-haba na naman ang gugugulin kung oras para maayos ang design na ito.

Pagpunta ko ng desk ay may pagkain na nakapatong rito. Luminga ako sa paligid ko ngunit busy ang lahat sa kani-kanilang ginagawa. Wala man lang notes dito o pangalan na nakalagay para alam ko kung sino ang naglagay dito.

"Yuhan kanino galing 'to?" pagpakita ko sa tupperware. Tumingin si Yuhan sa akin dahil abala rin siya sa proyektong ginagawa niya.

"Hindi ko alam. Baka sa multo?" Pagkibit-balikat nito.

"Ang tino mung kausap." Ani ko at umupo na lang. Ang daming pagkain naman nito kung para sa akin lang. Tatlong malaking lunchbox ang nandito ngayon sa desk ko, isa ay may lamang ulam at kanin, yung isa ay mga vegetable salad tapos yung isa cake for dessert. Sinantabi ko muna ito dahil hindi pa oras ng pag kain. Hindi na rin ako nagabalang magtanong kung kanino galing ang mga ito.

Kinuha ko ang laptop ko at sinimulan ko na naman mag-brainstorm ng mga ideya at paano gagawing minimal ang design ng mga bahay na ito.

"Let's eat." Hindi ko namalayan ang oras at lunch break na tumingin ako sa relo ko 12:05 na ng tanghali.

"Wait lang, i-save ko lang ito." Wika ko at clinick ang save button para hindi mabura ang ginawa kung design.

"Uy! Yung mga pagkain mo!" Turo ni Yuhan sa tatlong lunchbox. Oo nga! Muntik kunang makalimutan.

Flower and CigaretteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon