Chapter 15

7.9K 304 32
                                    

"Ma, nakauwi na ako!" Sigaw ko sa loob ng bahay.

Kakapasok lang namin ng bahay ni Yakob at lumabas naman sa kusina si Mama. Tumingin siya kay Yakob at ngumiti rito.

"Oh! Yakob nandito ka?" Pinunasan ni Mama ang kanyang kamay gamit ang apron na suot niya siguro nagbake na naman siya. Hobby kasi niya ang magbake ng cookies.

"Opo tita." Magalang na tugon ni Yakob tsaka bumaling si Mama sa akin.

"Kumusta yung plates mo. Ayos na?" Tumingin sa akin si Yakob dahil sa sinabi ni Mama at tumango lang ako bilang sagot sa kanya. Buti hindi na nagtanong si Yakob baka malagot kaming dalawa.

"Ma sama daw po siya sa simbahan." Pag-iiba ko ng usapan para hindi na magtanong si Mama ng kung ano-ano.

"Ganon ba, sige."

"Dito ka lang muna sa sala maliligo at magbihis lang ako."

"Okay." Pumunta si Yakob sa may sofa at umupo dito si Mama naman ay bumalik sa kusina para ipagpatuloy ang ginagawa.

Umakyat na ako at nagpunta sa kwarto ko. Mabilisang ligo lang ang ginawa ko dahil hinahabol namin yung oras ng simba. Pagkatapos kung magprepared ay bumaba na ako at mukhang ready na rin si mama na nakafloral dress. Nasa sala siya at pinapatikim ang ginawa niyang cookies.

"Masarap ba?" Parang excited na sabi ni Mama kay Yakob.

"Opo." Tumawa lang si Yakob at mukhang aliw na aliw talaga ang nanay ko sakanya.

"Nandyan ka na pala." Tumingin sila sa akin at ngumiti lang ako.

Tumayo na si Mama at niligpit ang pinagkainan ni Yakob na cookies.

"Tayo na mga anak."

Sumakay lang kami ng taxi nila mama at eksaktong kasisimula pa lang ng misa nung dumating kami sa simbahan. Madami na rin ang mga tao at umupo kami sa second raw dahil doon madalas ang pwesto namin. Nasa pagitan ako nila Yakob at Mama. Si Yakob ay patingin tingin lang sa paligid habang inoobserbahan ang mga taong nasa tabi at harapan niya.

Nagsimula na ang misa at tumayo kaming lahat ngunit si Yakob nakaupo lang.

"Tumayo ka." Mahina kung sabi at agad naman siyang tumayo.

"Nagsisimba ka ba?" Bulong ko rito.

"Hindi ko na maalala." Kamot niya sa kanyang pinsge at para siyang naiirita.

Nagsalita na si Father kaya tumahimik na rin kami. Tumutugon lang kami sa mga readings at sumasabay sa pag-awit. Mukhang sumasabay rin si Yakob. Sa una naninibago at naiilang lang siya ngunit kalaunan ay alam na niya ang ginagawa niya.

"Good morning sa inyo." Bati sa amin ni Father dahil magsisimula na ang sermon nito.

"Good morning din sa'yo father."

"Ilan sa inyo ang nandito dahil masaya, malungkot, o di kaya'y gustong makilala ang diyos?"

Tahimik lang kami at sumulyap ako sa paligid maraming nakikinig ngunit meron ding nakapikit at inaantok. Sumulyap ako sa gawi ni Yakob at seryoso lang siyang nakatingin kay Father mukhang natamaan yata siya sa tanong nito.

"Alam niyo mga anak ang problema ay hindi binigay ng diyos para wasakin ka o durugin ang puso mo. Ginawa niya ito para malaman mo na nandito siya kasi anak minsan dahil sa sobra mung saya dahil sa natatanggap mo sa Kanya ay nakakalimutan mung bumalik sa loob Niya." Nagpause lang si Father ng kaunti at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Oo, masakit at nakakapanghina ngunit tandaan niyo na in Matthew Chapter 11 verse 28 "Then Jesus said, "Come to me, all of you who are weary and carry heavy burdens, and I will give you rest." Kung sobrang bigat na at parang hindi natin kaya ang lahat lumapit tayo sa Kanya. Even though we are sinners in this world but in His eyes we are His son. Hindi man automatic na kapag hiniling natin ay ibibigay agad but we all know that God's works in a mysterious way. Malay niyo ang taong nasa tabi niyo pala it was God's way to save you from the problem. "

Flower and CigaretteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon