Chapter 40

6K 228 10
                                    


ELEENA'S POV

Naalimpungatan ako ng maramdamang parang mabigat sa ulo ko. I opened my eyes and saw Caspian sitting on the bed. Nasa ulo ko ang kamay niya. I immediately got up and look at him.

"Caspian" I said. He smiled while continuing patting my head. Ginawa pa akong aso.

"What are you doing here?" I ask but he just keeps patting my head. Hinuli ko ang kamay niya kaya napatingin siya sakin. He gave me a confuse look na ikinasimangot ko naman.

Is he even listening to me?

"What are you doing here?" kalma kong sabi sabay bitaw sa  kamay niya.

"We're having lunch. I'm about to wake you up" sabi niya. Tumango nalang ako at bumaba sa kama. Dumeretso agad ako sa pintuan.

"Are you mad at me, Eleena?" He ask and followed me to the door. Huminto ako at nilingon siya.

"I'm not mad at you. Gutom lang ako. Gusto ko nang kumain" palusot ko. Di ko naman siya pipiliting isabi sakin. Baka confidential yun na problema na hindi pwedeng malaman ng iba, mismo ako. Napangiti naman siya at ginulo ang buhok ko. Hinalikan niya ang pisngi ko at niyakap ako.

"Buraot ka talaga"  tawang sabi niya. Langya ininsulto pa ako.We both headed to the dining hall and everyone greeted us as we entered the hall. They all looked lively today. Tabi kaming umupo ni Caspian. Nandito narin sina Leo at Alejandro na nakaupo sa kabila ng lamesa.

"Bat ang tagal niyo? Gutom na ako oh" reklamo ni Leo habang hinihimas ang tiyan niya.

"Edi sana di mo na kami hinintay. Ikaw na nga 'tong nakikisama, ikaw patong reklamo ng reklamo" sabi ko. Inirapan naman ako ng kupal. Langya! sarap sabunutan yang mala berdeng buhok niya! Bwiset!

"Stop that already." awat samin ni Caspian. Inirapan ko nalang din si Leo. Ilang minuto rin ay nagsimula narin kaming kumain. Madami ang hinanda nila. Dalawang putahe lang ang ulam na natikman ko. Una silang natapos sa pag kain.Napalingon ako ng tumayo si Caspian at yung dalawa.

"San kayo pupunta?" tanong ko sabay baba sa kutsara. Three of them look at each other and gaze at me.

"I have something to do, Eleena. I'll be right back" seryosong sabi niya. Tumango nalang ako at tinignan silang tatlo papalabas. Akala ko ba magbabakasyon kami ngayon? Bakit parang may importanteng lakad yun? Tinuloy ko nalang ang pagkain. Ang tahimik ng silid kahit merong mga butler at maid na nakatayo sa gilid. I told them they could join me having lunch pero tinanggihan nila. Bawal daw kasi.

Napanguso nalang ako. Ang tahimik eh. Wala na akong kasabay. Ilang minuto ay natapos narin akong kumain. May lumapit naman sa aking lalaking nakasuot ng puting uniporme. He must be the Head Chef here.

"Did you all like the food, Future Empress?" Tanong niya. Magsasalita na sana ako ng yumuko ito para magbigay galang.

"I'm the head chef of this old palace, Future Empress. I'm Lino Freiz" pakilala niya.

"Yes! They all taste good! Thank you for preparing it and all the efforts" I said and bowed at them.

"Naku po!! Lift up your head, Future Empress" kinakabahan niyang sabi. Napatawa nalang ako. They said a higher rank never bows sa mga mababa pa sa kanila. But I still remained to bow at them. Napapagalitan ako ng mga guro ko pero kalaunan ay wala silang nagawa kundi pabayaan ako.

"You looked beautiful, Future Empress" sabi ni Mr. Lino. Nagpasalamat naman ako sa kanya.

"This is our first time seeing a black hair and purple eyes. It's beautiful!" Sabi niya at nakita ko namang tumango ang iba. Seeing them having different color of hair and eyes. They all look beautiful as well.

"Everyone of us is beautiful in our own ways" I said and smiled. Nakausap ko sila ng ilang minuto at napag isipan kong mag libang muna sa labas ng palasyo. I ask them kung meron bang garden dito. Inihatid ako ng isang butler doon. I thank him at umalis din siya. They have unique color of roses here. It's the red one and the white one. Since malapit lang dito ang border ng Winter Kingdom. They maintained it properly. I saw several of gardeners planting some flowers and grooming it. Gusto kong bumisita sa town dito. Right, I'll tell him later. Ilang minuto napag isipan ko naring bumalik  ulit sa loob dahil mainit na. Ano namang gagawin ko dito? Umalis si Caspian.

Hayst.

"Future Empress" napalingon naman ako sa likod ko. Nag bow naman siya sakin.

"What do you need?" I said. Maybe I should ask her kung anong pwedeng gawin dito.

"Princess Christina Elysian has arrived" sabi niya na ikinataka ko. Si Christina? Ano naman ang gagawin niya dito? I suddenly remembered about their date. Tuloy nga pala ang date nila.

I ask her to escort me outside at sinunod naman niya ito. Lumabas kami ng palasyo at nakita ko rin si Christina. Nakita niya agad akk at tumakbo papalait sakin.

"Eleena!!!" Sigaw niya at niyakap ako. Niyakap ko narin siya pabalik. Bat parang energetic siya ngayon? Mukhang siya payong super excited kesa samin ni Caspian.

"Christina, Ikaw lang ba pumunta dito?" Sabi ko. Wala kasi akong nakitang carriage. 

Tumango siya. "Yes! I used my familiar Pipa!" Sabi niya. She summoned her familiar and a huge white snake appeared with golden eyes like hers. It's beautiful! It's what Zane exactly told me. A white snake with golden pattern on its body. Nakaramdam ako bigla ng inggit sa familiar niya. Parang gusto ko narin i summoned yung sakin.

"Her name is Pipa" sabi niya at ngumiti.

"It's nice to meet you, Pipa" I said and smiled. Nakita ko namang tumango ang ahas sakin.

"Ikaw Eleena? May familiar ka na ba?" she ask. Umiling naman ako. Ibinalik naman niya si Pipa at tinignan ako.

"It's okay, Eleena. You can summoned it anytime you want. You surely have a familiar because you're special, more special than us" she said. 

"Pasok na tayo. Mainit eh" sabi ko at tumango naman siya. Binigay niya sa maid ang isang bag niya.

"By the way, Nasaan si Leo?" Tanong niya. Expected naman talaga na hahanapin niya yung kupal na yun. Eh siya naman talaga ang pinunta niya dito.

"They all went outside may gagawin daw na trabaho" sabi ko. Nakita ko namng napataas ang kilay niya.

"Trabaho? Akala ko ba magbabakasyon ngayon?" Takang sabi niya. Oo nga naman.

"Di ko rin alam eh. Di ko na rin pinigilan mukhang nag mamadali " simangot kong sabi. Narinig ko namang tumawa si Christina.

"Hintayin nalang natin" sabi niya. Nag tea nalang kami habang naghihintay kami sa tatlong mga pogi.

Ay! Este...dalawa lang pala di kasali si bobong Leo.

Since nandito narin si Christina. Sinumbong ko si Leo sa mga pinag gagawa niya sakin. Bwesit kang bakla ka! Lagot ka mamaya kay Christina.

DONE CHAPTER 40

PLEASE LIKE, COMMENT, and SHARE

Be My Empress (Completed) (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now