Chapter 41

5.6K 233 29
                                    


ELEENA'S POV

Christina and I are having some tea. It's been 2 hours since those three left. Ba't parang ang tagal nila?

"Christina, may nasabi sa sayo si Leo tungkol sa lakad nila?" tanong ko. Binaba niya ang tasa at tinignan ako.

"Wala naman siyang nasabi sa'kin. Nagtaka nga ako kung saan sila pupunta ngayon e bakasyon nga" sabi niya. Napatango nalang ako at ininom ang natitirang tea.

"You should take a rest after this. Ang layo ng byinahe mo. I'll just inform you kung dumating na sila" sabi ko. Tumango naman siya. Tinapos muna niya ang tea bago mag pahinga.Pagka-alis ni Christina ay napasandal nalang ako sa upuan. I'm starting to get worried about him. There is something wrong with him. Tinignan ko siya sa kanina sa sasakyan at lalim ng iniisip niya.

I look in the window at mapansing 'di na mainit. I decided to go back again to the garden. Pagbalik ko wala na yung mga gardener. Wala ring mga kawal na naka bantay sa paligid. Good thing ma sosolo ko yung garden.

Nilapitan ko yung mga rosas at inamoy ito. Ang bango talaga at maganda yung pag pagka alaga. Napansin kong may dumapo na paro paro sa kamay ko. It's a black butterfly. May itim na paro-paro pala dito? Namangha ako dahil ito pa ang unang hayop na nakita kong maitim ang kulay sa mundong to.

I check it out. Ang liit niya. Napansin ko namang may lumilipad sa gilid ko. It's also a butterfly. Nagulat rin akong may dumapo ding mga paro paro sa bulaklak sa harapan ko. Where did this butterfly came from? Lumipat ako sa kabila at tila sinusundan nila ako.

What is wrong with those butterflies? I startled when a butterfly landed on the tip of my nose. Parang naduling ako sa pagtingin ng paro paro. Langya! Anong problema ng mga toh?

Hindi pa tong nangyari sa palasyo sa'kin. Napabuntong hininga nalang ako at pinabayaan sila sundan ako.

"Langya! Ano ako sa inyo? Bulaklak?" simangot kong sabi. Nagulat naman akong may yumakap sakin patalikod.

"What the----" I stop when I notice a golden strand of its hair. It's Caspian. Hinarap ko naman siya at sinimangutan.

"Caspian! Langya ka talaga! Ginulat mo ako" sabi ko at hinampas ang dibdib niya. Langya ang tigas ng dibdib niya. Siguro may abs din to noh?

LANGYA KA TALAGA ELEENA!! KUNG ANONG PINAG IISIP MO!

Tumawa naman siya ng ikina gwapo niya lalo. Bakit ba ang gwapo ng lalaking toh? Tumutulo na ba laway ko? Hinawakan ko naman ang gilid ng labi ko kung may laway ba o wala. I sigh of relief na wala naman. Di ko napansin na nakatingin pala siya sakin.

"You want a kiss?" Sabi niya at ngumiti na ikinamula agad ng pisngi ko. Langya talaga tong lalaking toh! Hinampas ko ang balikat niya.

"Di noh!!! May dumapo kasing....ano....insekto!" palusot ko. He just gave me those mischievous smile. Inilapit naman niya ang mukha niya sakin. Agad akong umiwas ng tingin.

"Oo nga!!!" I froze when I felt his hand caressing my left cheek. Tinignan ko siya at nagtagpo ang tingin namin. Those jeweled eyes...it never failed to amaze me.  

"What are---" napatigil ako ng bigla niya akong hinalikan sa labi.

"I love you" he said and kissed my forehead. Anong nakain niya kanina sa lunch? Ipapakain ko sa kanya araw araw. Sinapok ko nalang ang ulo ko. Ganito ba talaga ako kikiligin? Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa reaksyon ng mukha. Nakasimangot.

Be My Empress (Completed) (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now