Chapter 24

1.1K 26 1
                                    

Happy's POV

Pagkatapos kong ma confine ng dalawang araw sa hospital ay pina uwi na din ako ni Doc. Sheila na napag alaman kong kaibigan pala ni Kuya Zion.

"Happy gising kana ba? Kain na tayo."Dinig kong sabi ni Isaiah habang kumakatok kaya naman binuksan ko ito.

"Aray ko Isaiah."Mahina kong daing na kina gulat ata niya.

"HALA! HAPPY PASENSYA NA!"Gulat nitong sabi habang may hawak na sandwich na naman.

"Paborito mo ba yang sandwich?"

"Oo eh bakit gusto mo?"Nakangiti nitong tanong kaya umiling nalang ako.

"Nga pala pasensya na ah na katok ko yung noo mo."Mahina nitong sabi habang nakangiti sakin.

"Alam ko namang malapad yung noo ko pero hindi naman to pintuan para katokin mo."Ani ko habang nakaturo sa noo ko.

"Hindi ko kasi napansin."

"Eh kain ka kasi ng kain ng sandwich."Natatawa kong sabi pero nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

"Sorry na wag mong sabihin kay Caleb yung nangyari baka kasi katayin ako ng buhay non."Bulong nito habang naka yakap parin sakin.

Magsasalita na sana ako ng biglang sumigaw si Kuya Zion.

"HOY PSALM ISAIAH! BAT MO YAKAP ANG KAPATID KO?"Sigaw nito sabay hila sakin.

"Pinatawag lang namin sayo si Sweet para makakain na tayo. Hindi namin sinabing yakapin mo."Segunda naman ni Mathew.

"K~Kasi naman wag na kayong magalit."Naiiyak na atang usal ni Isaiah.

"Wag niyo na ngang awayin si Isaiah kawawa naman."

"Napaka isip bata mo talaga Isaiah hali ka nga dito."Saad ni Kuya Zion.

"Ayaw ko nga baka katayin niyo ko."Takot na usal ni Isaiah habang nakatago sa likod ko.

"Bat namumula yang noo mo Sweet?"Turo ni Mathew sa noo ko.

"Hindi ko naman kasi sinasadya eh."Usal ni Isaiah na paiyak na talaga.

"Anong ginawa mo sa kapatid ko?"Malamig na tanong ni Kuya Zion.

"D~Di ko naman.....sinasadyang ma katok......yung noo..... ni Happy." Mahina nitong sagot.

"Tsk. Mathew hawakan mo yang kapatid mo at sasaktan natin yan."Utos niya kay Mathew na kinabigla ko.

"S~Sandali lang naman sainyo nalang tong sandwich ko."

"Wag kang umiwas sakin kambal para di kana lalong masaktan."Turan ni Mathew kaya naman lalo atang natakot si Isaiah at tumakbo papunta sa may sala.

"HINDI AKO MAGPAPAHULI NG BUHAY!!"Dinig kong sigaw pa ni Isaiah.

"Isip bata talaga yung si Isaiah."Iling iling na usal ni Kuya Zion bago ako akbayan.

"Hindi niyo naman siguro sasaktan si Isaiah?"

"Biro lang yun pero sineryoso ata ng loko."

"Nagugutom na ako Kuya."Nakapout kong saad.

"Tara na sa baba."

Pagdating namin sa kusina ay may naka handa ng mga pagkain.

"Nagluto si Isaiah ng Adobo para sayo."Ani nito sabay pakita sakin ng Adobo na kina sama ng sikmura ko.

"Ayaw ko niyan."Sabi ko sabay takbo sa may lababo habang sumusuka.

"Hey Baby are you ok?"Batid ko ang pag aalala sa tinig ni Kuya kaya nginitian ko nalang siya.

My Husband's Last WishOnde histórias criam vida. Descubra agora