Chapter 29

981 17 0
                                    

Isaiah POV

Hi everyone! Ako nga pala si Psalm Isaiah Villanueva.

Nandito ako ngayon sa favorite place ko sa bahay ni Caleb. Saan pa nga ba? Edi sa kusina. Naghahanda kasi ako ng makakain naming dalawa ni Happy, kasi sina Caleb at yung kakambal kong si Mathew ay umalis. Nakakatampo na nga eh sila nalang dalawa yung parating nag da date ayaw ba naman akong isama.

Dadalhin ko na sana sa taas yung pagkain na hinanda ko kay Happy ng bigla itong sumigaw kaya iniwan ko muna sa sala at nagmadaling pumunta kay Happy.

"WAHHHHHHHHHH ISSSSSSAAAAAIIIIIIIHHHHHH!!!!" Sigaw ni Happy kaya naman agad kong binuksan ang pinto ng kwarto niya buti di naka sara.

"Bat dyan ka umihi, Happy?"Tanong ko habang nakatingin sa kanyang umiihi sa gilid ng kama habang namimilipit sa sakit.

"N~Nakakainis k-ka, I-Isaiah. H~Hindi a-ako u-umiihi."Nahihirapan nitong sabi.

"Ano yang umaagos sa hita mo?"Curious kong tanong.

"A~Ang rami mong tanong, manganganak na akkkkoooo!"Mahinang sigaw ni Happy na kina taranta ko.

"Wahhhh, Anong gagawin ko? Sandali bubuhatin ba kita o tatawag ako ng tanod?"Taranta kong tanong habang di mapakali sa kinatatayuan ko.

"D~Dalhin m-muna ako sa hospital."Mahinang sabi ni Happy kaya agad ko siyang binuhat at pinaupo sa backseat ng sasakyan.

"Sandali lang, Happy may kukunin lang ako."Paalam ko dito at agad na bumalik sa sala para kunin yung sandwiches na ginawa ko. Ibabaon ko nalang to sayang eh.

"G~Gago y-yan l-lang t-talagang s-sandwiches a-ang  b-binalikan m-mo s-sa l-loob?"

"Sayang naman yung effort ko. Gusto mo?"Alok ko kay Happy.

"WAAAAAAHHHHHHHH ISAIAH MAGMANEHO KANA BAKA LUMABAS NA YUNG MGA BABIES KO!!!!!"

"Sige ito na konting tiis nalang, Happy."Tarantang sabi ko at binilisan ang pagmamaneho hanggang sa naka abot kami sa hospital.

Agad naman kaming sinalubong nga mga nurses at dinala si Happy sa delivery room habang ako naman ay binalikan ko yung sasakyan para kunin yung sandwiches na binaon ko bago tinawagan sina Mathew at Caleb.

Mathew's POV.

Abala kaming dalawa ni Caleb sa pag imbestiga kung sino ang humaharang sa heart donor ni Happy ng biglang tumawag si Isaiah.

"May ipabibili ka bang pagkain?"Tanong ko sakanya dahil mukha naman siyang pagkain.

"May sasabihin sana ako.Pero dahil natanong mo na din yan. Bilhan mo nga ako ng sandwich na ang palaman ay parang sa pizza."Sabi ni Isaiah na kinakunot ng noo ko.

"G*ago, walang ganon."

"Edi, maghanap ka. Mahal mo naman ako."

"Ano nga pala ang sasabihin mo?"Tanong ko.

"May sasabihin ba ako?"Pabalik na tanong nito sakin na kina inis ko.

"You're wasting my time, Isaiah."Inis kong sabi sakanya.

"Naalala ko na."Saad niya.

"Ang sasabihin ko kasi dapat ay nandito kami sa hospital ngayon. Tama!"Masaya nitong sabi.

"At talagang masaya ka pa?"Sarkastiko kong tanong. "Bakit nga pala kayo nandyan?"

"Manganganak na si Happy."Saad ni Isaiah na kina gulat ko.

"Saang hospital yan?"Nag aalala kong tanong.

"Sa De Villa Hospital."Sagot ni Isaiah kaya binabaan ko na siya ng tawag at agad na lumapit kay Caleb.

"Caleb, we need to go to De Villa Hospital."

"Bakit? Anong nangyari?"Nag aalala nitong tanong.

"Manganganak na si Happy."Sabi ko kaya agad kaming nagtungo doon.

Pagdating namin ni Caleb sa hospital ay agad kaming nagtanong kung saan ang delivery room nila. Pagkatapos sabihin samin ng napagtanongan namin ay mabilis kaming pumunta don at nakita namin si Isaiah na naka upo at ang gago kumakain ng sandwich.

"Hoy Isaiah! Anong ginawa mo dito? Nasaan ang kapatid ko?"Nag aalalang tanong ni Caleb.

"Nasa loob pa si Happy."Simpling sagot ng kapatid ko kaya agad ko itong binatokan.

"Nagawa mo pa talagang kumain?"Inis na tanong ko sakanya.

"Nasaan na yung sandwich na pinabibili ko sayo, Math?"Tanong sakin ng magaling kong kapatid.

"At sa tingin mo uunahin ko pang bilhin yun, kaysa pumunta dito?"

Bago pa maka sagot si Isaiah ay lumabas na mga doctors na nag pa anak kay Sweet.

"Kumusta po ang kapatid ko at ang dalawang mapangkin ko?"Tanong ni Caleb.

"As of now, ok pa naman yung kapatid mo at dahil sa may sakit siya sa puso ay cesarian ang ginawa namin sakanya and we hope within this week ay gigising na siya."Saad nong sa tingin ko ay may katandaan ng babaeng doctor.

"Salamat naman. Pwedi ko na bang makita ang kapatid at pamangkin ko?"Tanong ulit ni Caleb.

"Ililipat na muna namin sa private room si Ms. Ladezma at ihahatid nalang din don ni Nurse Maxine at Nurse Pia ang kambal."

Pagkatapos sabihin ng doctor yun ay nakita namin si Sweet na ihahatid na sa private room kaya sumunod na kami at wala pang isang oras ay hinatid na din ng dalawang nurse ang kambal ni Sweet.

"Ang cute nila, Caleb."Namamanghang sabi ng kakambal ko."Pakarga naman kay Davien."

Habang si Elize naman ay si Caleb ang kumarga. Gusto ko mang lumapit ay hindi ko muna tinuloy dahil may pupuntahan pa ako.

"Bibili muna ako ng pagkain para paggising ni Sweet may kakainin na siya."Paalam ko bago lumabas ng kwarto.

"Oh, Mathew anong ginagawa mo dito?"Takang tanong ni Doc. Sheila ang cardiologist ni Sweet.

"About sana sa heart donor ni Sweet,"panimula ko.

"Ano tungkol don? Nakahanap na kayo?"

"I want to be her, heart donor."Diretso konh sagot na kinagulat niya.

"Nababaliw ka na ba, Mathew?"

"I'm serious here, Sheila."

"May iba pa naman sigurong pweding mag donate kay Happy."

"Hindi makahanap si Caleb ng heart donor niya dahil may humaharang sakanya, sa amin."

"What do you, mean?"

"Matagal ng nagpapahanap ng heart donor si Caleb simula nong malaman niyang may sakit si Sweet. Pero walang mahanap na heart donor ang mga tauhan niya dahil may humaharang kaya nagsimulang mag imbestiga si Caleb pero hanggang ngayon hindi pa namin alam kong sino."Salaysay ko.

"And you think pagnalaman ni Happy na ikaw ang heart donor niya magiging masaya pa kaya siya?At paano na si Isaiah pag namatay ka?"

"Alam kong kaya na ni Isaiah ang sarili niya at tungkol naman sa pagiging heart donor ko. Make it anonymous."

"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?"

"Yes, ginagawa ko naman to para mas mabuhay pa ng matagal si Sweet at para din makasama niya pa ang mga anak niya."

"Kung ito na talaga ang desisyon mo. Sige, sasabihin ko na din kay Caleb na next month na ang heart transplant ni Happy."

"Thanks, Sheila. I owe you a lot."Nakangiting saad ko bago lumabas at bumili ng makakain ni Sweet pag gising niya.

"I guess, I only have one month left.Susulitin ko na ito habang pwedi ko pang makasama si Sweet, ang kambal, si Isaiah at tsaka si Caleb."

Mas gugustohin ko pang ako ang maging heart donor ni Sweet kaysa si Caleb. Mas kailangan ni Sweet ang nag iisang natitirang pamilya niya at pag nawala si Caleb hindi ko alam kung anong mangyayari kay Sweet.

My Husband's Last WishWhere stories live. Discover now