chapter 29

450 29 14
                                    

Santiago

Tulog siya magkarating ko sa Mcdonalds.

Ang ulo niya ay nakapatong sa braso niya. Bigla akong naguilty, baka pala nagpapahinga siya at tinawag ko siya dito.

Kaya ang ginawa ko, dahan dahan kong inangat ang ulo niya at nilagay ang isusuot ko sanang hoodie sa ilalim ng mukha niya. Para kumportable siya. Mamaya nalang ako oorder ng food. Kapag gumising na siya para sabay kaming kumain.

Kaunting oras pa ang lumipas, dahan dahan niyang inangat ang ulo niya. Tumingin siya sa orasan niya at sa paligid. Hindi pa niya nararamdaman na nandito na ako. Hindi ko na pinansin ang nilalaro kong Call of Duty sa cellphone ko. Mukhang pagod na pagod kasama ko.

"Why didn't you wake me up."

"Nakakahiya 'e." I honestly answered.

She rolled her eyes again. I pouted. Ako na nga nagmagandang loob na hintayin siya 'e. Pero okay lang, gusto pa rin kita, Louise.

Ayaw daw niya kumain. Pero binilhan ko parin siya.

The moon looked beautiful as we walked out. Halatang naaakit din ang kasama ko sa buwan dahil tingin siya ng tingin dito. Buti nalang ay binalik ko kaagad ang tingin ko sa hinaharap kasi kung hindi, mababagok ang ulo niya sa poste.

"Uy." mahina kong sabi at hinila siya. My hands held her head in a protective manner and somehow, ayaw ko nang bitawan iyon. Pero hindi. Hindi pa puwede. Kaya binitawan ko din kaagad. Kailangan kong respetuhin ang babae. Respetuhin ang distansya at ang sarili niyang space. Huwag dapat ipagsamantala ang mga pagkakataon.

"'Di ko din alam 'e." Tinanong niya kasi anong plano ko. Galing din umarte ng isang 'to 'e. 'E kung umamin na siya na siya si Constantia e'di walang problema na sana. Liligawan ko na siya dire-diretso.

Tiningnan niya ako mula sa kinatatayuan niya, medyo bumagal ang paglalakad namin. Yumuko ako dahil maliit siya, oo, maliit. Tama ngang 5'1 siya. "Akala ko ba you know everything about her?"

My eyebrows furrowed. I know everything about her?

Tinanong ko kung pa'no niya alam 'yon. Ulit, nakacome up siya ng maayos na sagot. Magaling gumawa ng kuwento. Dapat naging writer nalang siya 'e hindi Journalist.

Hindi na siya nagsalita muli, at nung tinanong ko siya bakit wala siyang sinasabi, binara ulit niya ako.

Sungit ng crush ko.

"Bakit? Close ba tayo?"

"Hindi. Pero inaasahan ko na maging close tayo."

Sandali siyang natahimik. Umiwas siya ng tingin at naramdamang na-awkwardan siya. Shit. Shit! Ano sasabihin ko? Hala.

"Para matulungan mo ako kay Constantia." habol ko.

'Di ko alam bakit biglang gumusot lalo ang mukha niya. Ang dating natataranta na itsura ay napalitan ng... lungkot? Nalungkot ba siya nung sinabi ko 'yon? Bakit siya malulungkot 'e siya nga mismo si Constantia?

Tumango siya ng marahan. "Tara na nga." Plan na daw kami.

She recounted everything she said to me in text. Hindi ko naman nakalimutan ang lahat 'yon 'e. Favorite flowers? Baby's breath. Favorite color? Pink. Mahilig ba sa chocolates? Hindi, with an exception of white chocolates. Favorite tv show? Hotel Del Luna. Favorite band? Munimuni. Favorite song? Banaag.

abot sa paninginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon