•BRATTY 17•

329 26 4
                                    

I licked my lips after sipping to the cup of my coffee. We're currently in a restaurant. Masyado pang maaga kaya kakaunti pa ang nagsisidatingan na tao at pasalamat ako doon.

Naabutan ko ang paglapat ng mga mata ni Wilder sa labi ko pero madali niya iyong naiiwas.

"Can you make it a little faster?" Tila naiinip na tanong niya.

"Bakit ba?" Mataray naman na balik tanong ko sa kanya. Ilang linggo na nga akong hindi nakakatikim ng cappuccino tapos ay pagmamadaliin naman niya ako?!

"Mamaya lang ay dadami na ang tao dito, gusto mo bang pagkaguluhan ka?" Nanenermong aniya.

"Ano'ng gusto mo, laklakin ko itong kape? Ang init init nito!" Panininghal ko sa kaharap.

"Saan ka naman nakakita ng kape'ng hindi mainit?"

"Sa coffee shop, iyong iced coffee." Pairap na sabi ko.

"Psh."

Paunti-unti kong inubos iyong cappuccino ko.

"Let's go na, Old man." Madaling nakatayo si Wilder at pinauna pa niya ako sa paglalakad. Nauuna man ako pero nagawa niya pa rin akong ipagbukas ng pinto. Diretso akong lumabas, muntik na akong mapasigaw dahil sa gulat nang biglang may humawak sa siko ko.

"H'wag mo naman akong gulatin ng ganoon, Old ma--" Nabitin sa ere ang sasabihin ko nang maharap ko ang kung sinong humawak sa siko ko.

"Gray...son?" I hesitated.

"Ah...glad that you remembered my name, Kels." Nangingiting aniya, nangunot naman ang noo ko at hinanap si Wilder. Matalim ang titig niya kay Grayson pero tila wala iyong pakialam. Malalaki ang hakbang na nagpatuloy ito sa paglalakad papunta sa direksyon ko.

"What are you doing here, Mr. Valdez?" Matigas na tanong ni Old man nang makalapit na siya.

"I'm here for a cup of coffee, I didn't know that you own this coffee shop." Sarkastikong sagot ni Grayson.

"I didn't know too that Yvonne is a staff here. Sa pagkakaalam ko, sa loob naman umoorder." Sarkastiko ring ani ni Wilder. Unti-unti kong naramdaman ang umaahong tensyon sa pagitan nilang dalawa.

"Umalis na tayo, Wilder..." Pagaaya ko sa kanya.

"Kels--"

"Shut fucking up, Valdez!" Matigas na aniya. Hinagilap ko ang kamay ni Wilder at hinawakan ko iyon para mahila ko na siya paalis doon. Baka mamaya ay kung ano pa ang magawa nila.

"Kelly Villanueva, I will court you whether you like it or not! I will make you mine someday!" Grayson suddenly shouted. When I saw Wilder, he's fuming mad and his expression was dark. His jaw tightened, a sign that he's really annoyed. I tightened my hold on his hand and squeezed it to calm him down.

"Mine your ass, bastard!" I shouted back.

He's quiet the whole time. He's too focused  on driving.

"Uhm..Wilder?" Tawag ko sa kanya nang hindi na ako makatiis sa katahimikang namamayani.  I am not comfortable with this set up.

"Yeah?" Malamig na aniya, hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin but I understand, like what I said, he's driving.

"A-Are you mad?" Nagaalangang tanong ko habang nakatungo ang aking ulo.  Naramdaman ko naman ang saglit na pagsulyap niya sa akin. Mayamaya lang ay sinakop ng libre niyang kamay ang isa kong kamay. Dinala niya iyon sa kanyang labi, malakas akong napasinghap. Hindi ko inaasahan na gagawain niya iyon. Matapos niya iyong halikan ay dinala niya iyon sa manibela.

WORKING WITH THE BRATINELLA✅Onde histórias criam vida. Descubra agora