Chapter 1: His Arrival

2 0 0
                                    

Sakay si Dion ng isang magarang sasakyan na sumundo sa kanya sa kanilang bahay sa Parañaque. Ngayon ang unang araw na titira siya sa mansyon kung saan makakasama niya ang kanilang big boss. Natanggap siyang Assistant Secretary sa Vaughn Palace isa sa pinaka malaking hotel company sa buong mundo. Half Filipino-Half British daw kasi ang may-ari at sa Pilipinas napiling itayo ang pinaka opisina ng nasabing hotel. Nung una di pa siya naniniwalang natanggap siya kasi nga malaking kompanya at hindi naman Assistant Secretary ang inaplayan niya kundi simpleng office staff lang. Pero  nung nakausap niya and mismong Secretary ng big boss nila naniwala na din siya.

"Hay naku. Nagpapasalamat naman ako na natanggap ako. Pero talagang kailangan stay in?" Mahinang reklamo ni Dion habang nakatanaw sa bintana ng sasakyan. Mahirap na at baka marinig siya ng driver. Sa back seat siya nakaupo katabi ang kaniyang back pack. Mga dalawang oras na din sila nagbibiyahe. Sa tagaytay daw ang bahay ng big boss nila. Ilang oras ba ang biyahe patagaytay? Inaantok na ako e. Kinuha nalang ni Dion ng cellphone niya sa back pack at kinabit ang earphones, namili ng kanta at nilagay sa tenga ang mga ito, sumandal at pinikit ang mga mata. Matutulog na muna ako. Mukhang matagal-tagal pa naman ang biyahe.

Nagising si Dion sa isang hindi pamilyar at may kadilimang lugar. Pero malambot ang kama na hinihigaan niya at malamig ang paligid. Nasaan ako? Teka. Asan ba ako kanina? Ang alam ko nasa biyahe ako patagaytay... "Nasa tagaytay na ba ko? Gabi na ba? Anong oras na ba?" Natatarantang kausap no Dion sa sarili. Tumayo siya sa kama at hinanap ang switch ng ilaw. Kinapa niya ito sa tabi ng pinto. Nang makita ay in-on niya agad ang switch.

Kulang ang salitang wow para idescribe ang nakikita niya. Malaki ang kwarto. All white and pintura pati ang bed sheets at unan. May aircon at sariling TV. Inikot niya ang kwarto at binuksan ang lahat ng pwedeng buksan. May sariling banyo at may access din sa balkonahe. Madilim na kaya di pa niya makikita ang tanawin sa labas. May closet din para sa mga damit at sapatos. Meron ding work table at may computer at printer. "Ang ganda naman dito. Baka masyado akong masanay di ko na gustohing umuwi." Napapangiti nalang na sabi niya. Di pa siya nakaranas ng ganito kagarang kwarto. Mula pagkabata kasi kasalo niya lagi and mga kapatid niya sa lahat. May dalawang siyang kapatid na lalaki. Isang first year college at yung isa naman ay fourth year high school. Siya and panganay.

Matanda siya ng apat na taon sa sumunod sa kanya. Patigil-tigil siya sa pag-aaral kaya kahit two years course lang ang kinuha niya inabot siya ng apat na taon bago nakatapos. Wala na silang mga magulang. Namatay and nanay nila nuong matapos ipanganak ang bunso nila. Ang tatay naman nila ay kamamatay lang dahil sa aksidente sa kalsada maglilimang taon palang ang nakalilipas. Driver kasi ito ng Jeep. Nagkabanggaan dahil sa dulas ng kalsada sanhi ng pagulan at isa ang tatay nila sa mga namatay. May pension naman itong naiwan pero di sapat sa kanilang tatlo na sabay-sabay nag-aaral at may mga utang pang naiwan na kailangan bayaran. Napilitan tuloy siyang magshift ng kurso galing sa engineering napunta siya sa computer secretarial. Iyon kasi ang may pinakamurang tuition. Pasalamat talaga siya na may nakuha siyang magandang trabaho. Pangarap niyang mapatapos ang dalawa niyang kapatid sa kahit anong kursong piliin ng mga ito.

Tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong kinapa sa back pack niya. Nang makita ay tiningnan niya muna kung Sino ang tumatawag. Unregistered ang number. Pero malakas ang kutob niya na kailangan niya itong sagutin. Huminga muna siya ng malalim bago sinagot ang tawag. "Hello po?" Magalang niyang sagot. "Dandelion? Welcome to my house. I'm glad to finally meet you." Said that deep voice from the other line. Dion felt some tingling in his stomach. He never heard of a voice that deep before. Sino to? Wait. Sabi niya welcome to my house daw. Si big boss??!! "Is this Mr. Vaughn?" Kinakabahan si Dion. Biruin mong ang big boss mo pa ang tumawag para iwelcome ka imbis na ikaw ang unang magpakita para bumati. Minsan talaga pahamak ang pagiging antukin niya. He heard him chuckle. Yung pag mga babae ang nakarinig siguradong tapos na and laban. Suko na ang bataan. "Yes. It's me. You were sleeping when you got here. You looked really tired so I decided not to wake you up anymore. Anyway. You can continue sleeping or if you're hungry there's food in the kitchen you can just reheat it. Theo will be here tomorrow he'll be the one to debrief you on your job." Sir Theo is his Secretary. Their big boss seems to be nice a guy. "Okay sir. Thank you. Good night." Magalang na paalam ni Dion. "Good night." Ganting bati naman nito. Ano kayang itsura ni big boss? Mukhang gwapings e. May lahi pa naman.

Nahiga ulit si Dion sa kama at nakipagtitigan sa puting kisame sa kwarto. Kinuha niya and cellphone at dinial ang number ng kapatid niya. Matapos ang ilang ring ay may sumagot din sa linya. "Kuya Dion! Bakit ngayon ka lang kumontak? Kanina ka pa naman ata nakarating diyan e. Alam mo namang nagaalala kami sayo ni Kid e. Asan ka na ba?" Tuloy-tuloy na tanong ni Tigre ang sumunod sa kanya. Natawa siya. Napaka paranoid talaga ng mga kapatid niya. "Kalma lang po. Kanina pa nga ako dito. Nakatulog kasi ako. Nakalimutan ko tumawag agad. Sorry na. Sabihin mo may Kid safe akong nakarating." May kaunting trauma kasi ang mga ito dahil nga sa pagkamatay ng tatay nila. Nung namatay kasi ito di nila agad nalaman dahil walang cellphone and tatay nila. Halos magdadalawang araw bago sila natawagan ng ospital. "Siya nga pala. Kumain na ba kayo? May mga pagkain sa ref at namili ako ng groceries kahapon. Wag kayo magpapagutom ha. Kumain bago pumasok sa school. Maliwanag?" Paalala niya sa mga ito. Siya na ang tumayong nanay at tatay sa dalawa kaya kailngan niyang maging matibay. "Yes ate. Ako na bahala kay Kid. Kakaumpisa palang naman ng school year e. Di pa masyadong busy." Natatawang sagot nito. Napiling nalang si Dion. "Gusto mong mabatukan? Sabi ko sayong wag mo ko tatawaging ate e." Lagi nalang siya nitong inaasar. Nagsimula siya nitong tawaging ate nuong third year highschool siya. Pinilit kasi siyang sumali ng mga kaklase niya sa isang beauty contest. Iyon bang magdadamit pambabae ang mga lalaki. At sa di niya maintindihang dahilan siya ang nanalo at tinanghal na Ms. Handsome. Simula din nuon ang daming mga lalaki ang nagumpisang manligaw sa kanya. Iba't-ibang year at may mga taga ibang school din. Kahit mga college student meron din. Pero lahat yun tinanggihan niya. Bakit? Simple lang. LALAKI siya. At kung magkakaruon man siya ng karelasyon, babae syempre ang pipiliin niya. Pero nahihirapan siyang manligaw dahil naiinsecure ang mga ito sa kanya. Mas magandang pa daw kasi siya sa mga ito. Kaya ito siya  ngayon NGSB. Napabuntong hininga nalang si Dion sa mga naalala. "Alam mo ate kung sinagot mo na itong mayaman mong manliligaw edi di mo na kailangan magwork. Diba may-ari yung tatay nun ng malaking pagawaan ng damit? Gwapo pa. Tagal na din nung nanliligaw sayo e." Di talaga siya nito titigilan. "Alam mo Tigre Lily. Tumigil ka na sa pangaasar mo at baka bawasan ko ang allowance mo." Pananakot na niya dito. Pag allowance na ang usapan siguradong panalo na siya. "Sige na. May buuan na ng pangalan e. Surrender na ko. Di na kita aasarin. Ingat ka nalang diyan. Bye ate!" Sabay baba ng telepono. Pasaway ka talagang bata ka kahit kailan.

Red DandelionWhere stories live. Discover now