Chapter 4: Fighting Emotions

1 0 0
                                    

Red decided to live in the Philippines for one reason. It's  Dandelion. When he learned his true name a month after he met him he was really amazed. Those three brothers were all named after flowers. Dandelion is the eldest, Tigre Lily is the second, and Orchid is the youngest. Hindi agad natanggap ni Red na kay Dion siya nakatadhana. First, dahil pareho silang lalaki and second, they can't reproduce because of the first reason, and as the next in line to succeed his father as the vampire king, malaking factor ang pagkakaruon ng anak. It took him a year to think things over. He told his parents about it. At first, hindi din sang ayon ang ama niya sa nalaman. Ang ina naman niya ay naiintindihan ang mga pangyagare dahil kahit ito ay pinagdaanan ang pinagdadaanan niya. May kaibahan nga lang dahil siya seksualidad ng nakatadhana sa kanya ang problema, ito naman ay ang sitwasyon nuon kung saan magkalaban pa ang kanilang uri.

Sa huli naman ay natanggap din niya at ng kanyang mga magulang ang tadhana. Kaya nanirahan siya sa Pilipinas at hinintay ang tamang pagkakataon at panahon na pwede na niyang malapitan si Dion. He just looked over him for the past 14 years. He gathered all the information about him and the people around him. Nung mamatay ang tatay nito ay kasalukuyan siyang nasa ibang bansa kaya wala siyang nagawa para dito. Gustuhin man niyang ibigay lahat ng tulong na kailangan nito, minabuti niyang hayaan ito para kahit papaano ay matuto itong maging independent. Handa naman siyang tumulong kung hindi nito kakayanin pero napatunayan nitong kaya nito kaya sobrang proud din siya dito. Ngayon na magkasama na sila kailangan na muna niyang ihanda and sarili para hindi ito matakot sa kanya oras na magkita sila ng harapan. He's scared he might devour him the moment he see him face to face. He's been suppressing all his emotions towards him that's just keep on growing as the day goes by. Only him knows what kind of thoughts he's having whenever he think of Dion being near him. As much as possible ayaw niyang saktan si Dion pero alam niyang magiging imposible iyon. Masyadong malakas ang epekto nito sa kanya. His werewolf part is screaming for Dion all over. Nahihirapan siyang kontrolin. Kagaya nung isang gabi, kinailangan niyang mairelease ang nararamdaman kaya lumabas siya ng hating gabi para maghanap ng paglalabasan nito at sa paguwi nga niya ay nasa kusina naman ito. Sinigurado naman niyang di siya nito makikita. Pagbaba niya kinabukasan, nakita niyang bukas ang lahat ng ilaw sa sala. Inakala siguro nitong may kung anong maligno ang nakapasok. Gusto sana ni Red na malaman kung anong nasa isip ni Dion pero sa kung anong dahilan, simula nuon pa, hindi niya mabasa ang isip nito. Ang hinala niya ay dahil sa koneksiyon niya dito. Naririnig naman niya ang mga sinasabi at nalalaman din niya ang ginagawa nito pero mas gusto niyang malaman kung anong mga bagay ang pumapasok sa isip ng lalaki.

Kinuha niya ang folder na iniwan ni Dion at umupo sa kanyang swivel chair. Binasa niya ang laman niyon at nang masigurong wala nang problema ay pinirmahan na niya ito. Sumandal siya sa backrest ng upuan at tumingala. "I want to touch him. I want to kiss him. I want to make love to him all day and night. I want him..." Red just can't take it anymore. Pero aware din siya na hindi kakayanin ni Dion. He knew that he could break him and that's the last thing he wanted. Huminga siya ng malalim at ipinikit ang mga mata. Maybe I'll just go out tonight again. She's near anyway.

Dion's enjoying his job. It's not that stressful and he's free to do whatever he wanted. Walang boss na laging nagbabantay sa galaw niya. Di pa niya kailangan magformal wear dahil nasa bahay lang siya. Di naman kasi siya nirequired. Maliban nalang if may VIP na darating for a meeting, which is not that possible kasi hinandle na halos lahat ni Sir Theo ang mga ito. Malapit na ang first sweldo ko. Magpapaalam akong uuwi sa weekends. Namimiss na din niya ang mga kapatid. Madalang lang niya makausap and mga ito dahil busy din sa school ang dalawa. Nagring ang cellphone niya. Kilala niya ang assigned ring tone na iyon kaya sinagot niya agad. Si Sir Theo ang tumatawag. "Hello sir, good afternoon po." Magalang niyang sagot. "Good afternoon. Uhmm Dion, napapirmahan mo na ba ang papers na pinadala ko?" Tanong nito. "Yes sir. Kanina pa pong before lunch. Di pa po ba naifax?" Nagalala siya. May problem ba sa prinint ko? Wala naman akong binago dun a. First time to. "Kakatukin ko lang po si Mr. Vaughn sandali. Baka di pa niya nakikita yung papers. Wala naman po kasi siya pagpasok ko sa office niya kanina." Lumabas siya ng kwarto at tinungo ang opisina ng boss nila habang nasa tainga pa rin ang cellphone. Kumatok siya. "Mr. Vaughn , excuse me po. Follow up ko lang po ang papers na pinapirmahan ko po kanina?" Walang sagot. Natatakot siyang pumasok. "Sir Theo, di po nasagot si Mr. Vaughn. Pasukin ko na po ba?" Nagdadalawang isip niyang tanong dito. Narinig niyang bumuntong hininga ito sa kabilang linya. "Huwag na. Ako nang bahala. Tatawagan ko nalang siya. Salamat Dion. Bye." At binaba na nga nito ang tawag. Napabuntong hininga nalang din siya. Pabalik na siya ng kwarto niya ng may marinig siyang parang bumagsak sa looking ng opisina ng big boss nila. Nagalala siya kaya kahit natatakot ay dali-dali niyang binuksan ang pinto. Walang tao. Pero may ilang libro and nakakalat sa sahig. Ito ba ang narinig kong bumagsak? Pinulot niya ang mga ito at binalik sa bookshelf. Nilibot niya ang tingin ng opisina. Hindi pa ata nakabalik si big boss a. Pero paano nalaglag ang mga libro? Imposible namang hangin. At mas lalong imposibleng may daga dito.  Alam niyang may tagalinis at tagalaba ang dumadating sa bahay tuwing Monday at Thursday kaya laging malinis ang bahay. Wala ding bintana sa opisina at hindi din naman basta-basta magagalaw ng hangin ang makapal na libro. Kinabahan nanaman siya. Nung isang Gabi sa sala. Ngayon naman nasa opisina ni Mr. Vaughn. Baka sa susunod.... Kinilabutan si Dion sa naisip. Lalabas na Sana siya ng mahagip niya ang folder na dinala niya kanina. Kinuha niya ito at tiningnan ang laman. Pirmado na pala. Baka nakalimutan lang ni sir ifax. Ako nalang gagawa. "Sir, ako nalang po ang magfafax ng papers kay Sir Theo. Thank you po." Paalam niya dito. Mas okay nang nagpaalam kesa hindi. Ang alam niya kasi maririnig naman siya nito. Lumabas na siya ng opisina.

Sa kabilang kwarto naman ay nahihirapan si Red pigilin ang naguumapaw na emosyon dulot ni Dion. He just had a glimpse of his smell pero sapat na iyon para magulo ang mundo niya. Nagiging sobrang sensitive na ng senses niya pagdating sa lalaki. "I need to do something about this. I don't know what I'll do kapag hindi ko na napigilan ang sarili ko." He took his phone from his  pocket and called someone. "Where are you?" Tanong niya agad pagsagot nito ng telepono. "Bahay lang. Why? You need me again tonight?" The woman seductively asked him. "Later. Same time. Bye." Then he hanged up. That was Nyx. She's a vampire living with humans. Humans knows her as Brianna Stephens, a very famous Fil-Am model. She's really gorgeous and sexy, but for him, she's just someone he needs to satisfy some of his needs since he still can't have the one that he really wants. He knows it's unfair for her but they both agreed with this set up. Though he is aware of her feelings for him ever since.

Red DandelionWhere stories live. Discover now