Chapter 3: The Reason He Stayed

1 0 0
                                    

Naghahanda nang umakyat ulit si Dion sa kwarto niya ng marinig niya ang pagbukas ng front door. Lumabas ba si Mr. Vaughn? Pero hating gabi na. Ibinaba muna ni Dion ang plato at tasa. Palabas na siya ng kusina nang may malakas na hangin ang dumaan sa harap niya. Napatigil siya sa kinatatayuan sa sobrang gulat. Ano yun? Parang may dumaan sa harap ko. Pero wala namang tao. Nagmamadaling hinagilap ni Dion ang switch ng ilaw at in-on ito. Inikot niya ng tingin ang kabuuan ng first floor para siguraduhing walang nakapasok. Pinuntahan din niya ang front door at siniguradong nakalock ito. Nakalock naman. Ano pala yung narinig ko kaninang pagbukas at pagsara ng pinto? Kinabahan si Dion. Bumilis lalo ang tibok ng puso niya. Talaga naman. Hindi ko gusto ang ganito. Takot ako sa multo. Ma. Pa. Please kung magpaparamdam kayo pwede bang kina Tigre at Kid nalang? Mas matapang sakin ang mga yun e. Alam niyo namang matatakutin ang panganay niyo. Binilisan na ni Dion ang hakbang pabalik sa kusina para kunin ang mga pagkain. Di na niya papatayin and ilaw sa sala maaga nalang siyang gigising para patayin ito bukas. Nang makuha ang pagkain ay tuloy-tuloy ang hakbang niya paakyat hanggang makarating siya sa kwarto. Pagpasok ay nilock niya agad ang pinto. Hiningal siya sa pagmamadali. Bukas talaga magistock na ko ng pagkain dito para di ko na kailangan bumaba ng hating gabi. Aatakihin ata ako e.

Lumipas ang buong linggo. Nakakasanayan na ni Dion ang trabaho. Pero sinisigurado na niyang di na siya lalabas ng kwarto lalo na sa hating gabi. Kasalukuyang piniprint Dion ang papeles na kailangan papirmahan sa big boss nila. Halos ganun lang ang laging ginagawa niya. May ipapadalang files si Sir Theo then ipiprint niya tapos pag kailangan papirmahan dadalhin niya sa opisina ng big boss nila. Lagi naman itong wala sa opisina kapag nagpupunta siya duon kaya iniiwan nalang niya ang papeles sa lamesa nito at ito na mismo and nagfafax kay Sir Theo pagkatapos mapirmahan. Sa pagkain naman dinadalhan niya lang rin ito ng pagkain sa opisina nito at syempre wala pa din ito duon tuwing papasok siya. Minsan naman pag almusal at ito ang nauunang gumising ipinagluluto siya nito at magigising siyang nakahain na sa hapag ang pagkain may kasama pang notes at bulaklak. Binabati siya nito ng Good Morning at nagpapasalamat lang naman ito sa pagkain na dinadala niya dito at sinasabihan din siyang "Keep up the good work". Pero ang di niya maintindihan bakit may paflowers ang boss nila? Mga tatlong beses na siya nitong naipagluto maliban sa unang araw niya. Di niya alam kung anong oras ba ito nagigising. Siya kasi alas siyete gumigising dahil alas nuwebe ang umpisa ng trabaho niya.

Natapos nang iprint ni Dion ang mga papeles. Inayos niya ang mga ito at inistapler pagkatapos ay inilagay sa isang folder. Lumabas siya ng kwarto at tinungo ang opisina ng kanyang boss. Kumatok muna siya. "Sir, good morning po. May pinapirmahan po si Sir Theo na papers. Ilalagay ko na lang po sa table ninyo." Paalam niya dito. As if naman may sasagot diba? Binuksan ni Dion ang pinto at pumasok. As usual walang tao. Lumapit siya sa lamesa at nilagay  duon ang folder. Malaki ang opisina at malinis na parang walang gumagamit. Ano kayang klaseng trabaho ang ginagawa ni boss dito? Ang linis e. Tanging laptop na nakabukas at isang ball pen ang meron sa lamesa. Well, never mind. It's none of my business na naman kung paano niya pinapatakbo ang negosyo niya. Basta ako magtatrabaho lang. "Sir nilagay ko na po sa table niyo yung papers. Thank you po." Lumabas na siya ng opisina at bumalik sa kwarto para tapusin ang iba pa niyang naiwan na gawain.

After Dion went out, Red entered his office from his bed room. Konektado kasi ang home office at bed room niya. It has been like that since Dion started working at his house. It's not that he doesn't want to see him, to be honest, he badly wants to. He's been waiting for this day since a long time ago but he doesn't know what he'll do once their eyes meet after waiting for so long to be with him. Red is not human. He is part vampire and part werewolf. His father is a pure blood vampire while his mother is a pure blood werewolf. Both came from the first generation of each kind. Paano siya nabuo? Well, the two met nung mga panahong kasagsagan pa ng away between the two races. His father is the next in line to inherit the crown as the king of vampires since he's an only child while his mom is the third and youngest child ng leader of the werewolf tribe. His father was sent to abduct his mother but instead of fulfilling the job they end up falling in love and siya na nga ang bunga. At first his grandparents were totally against it but eventually they decided to make it the reason to finally stop the war between the two races and start living in peace and harmony. His father now is the king of vampires and his uncle which is his mother's eldest brother is the leader of the werewolf pack. That story happened a century ago. Now his mom is also a vampire. She made the decision to be one para makasama pa sila ng matagal since werewolves lives aren't that long like vampires do at syaka they get older as time passes by. Things you do for love right? Red just smiled on his own thoughts.

Actually, this is not the first time he met Dion. He first met him fourteen years ago, which is also his first time visiting the Philippines. He was at a playground just looking around the place when he noticed a young boy just sitting alone under a tree while watching the other kids play. "Tigre! Kid! Wag kayo masyado tumakbo baka madapa kayo. Papagalitan tayo ni papa!" He heard him shout while looking at the two younger boys that's currently playing around. Red just kept on watching the boy. It's so obvious that he also want to play. He stood up from the bench where he is sitting by and went to the boy. "Hi. Bakit di ka naglalaro?" Nakangiti niyang tanong dito. Marunong siyang magtagalog. Well, hindi lang Tagalog ang alam niya. Halos lahat ng lengwahe kaya niyang bigkasin. Malaking bagay kasi ito lalo na sa kagaya niyang kailangan magpalit ng identity ng every now and then Tiningnan lang siya ng batang lalaki. And the moment he met his innocent brown eyes he felt his chest tightened. It made it harder for him to breathe. He felt his werewolf part is screaming inside him. No. This can't be happening. Don't tell me this is what my werewolf cousins are telling me about. Is this imprinting? I've imprinted to this boy? Red is confused. His werewolf part has been watered down. He doesn't even transform into a werewolf himself. Though he doesn't have a problem about being imprinted to someone but he just can't believe that all of the people he would be imprinted to a boy? For werewolves being imprinted is equal to finding their mate. "Sorry po kuya. Sabi po ni papa wag daw po ako makikipagusap sa strangers e." Narinig niyang sabi ng batang lalaki. Ibinalik na nito ang tingin sa dalawang nakababatang lalaki na nagtatakbuban padin. Di magawang magsalita ni Red. Nalilito pa din siya sa mga pangyayare. "Dion!" Lumingon ang batang lalaki sa entrance ng park. "Papa!" Masayang sabi nito sabay takbo palapit sa lalaking tumawag dito. Dion pala ang pangalan niya. "Tawagin mo na any mga kapatid mo at uuwi na tayo." Mabilis naman itong sumunod sa ama.

Red DandelionWhere stories live. Discover now