Chapter 2: His First Day on the Job

2 0 0
                                    

"So how's your first night here Dion?" That was Sir Theo. Their big boss's secretary. They are having their breakfast at the mansions dining room. Maaga gumising si Dion para maghanda sana ng almusal pero di na pala kailangan. May nagluto na ng almusal para sa kanila. Tamang-tama naman na tatawagin na sana niya ang big boss nila para kumain ng pumasok sa bahay si Sir Theo. "Masarap po ang tulog ko. Komportable talaga. Pero Sir Theo, sigurado po ba kayong di na natin kailangan tawagin si Mr. Vaughn para kumain?" Sinabihan kasi siya nitong huwag nang tawagin ang big boss nila. "Di na kailangan. Siguradong tapos nang kumain yun. Siya ang nagluto nitong almusal natin e." Nagulat talaga si Dion sa narinig and at the same time medyo nahiya siya dahil ang amo pa nila ang nagluto para sa kanila. "Si Mr. Vaughn po? Nakakahiya naman. Imbes na ako ang dapat na magluto para sa kanya. Akala ko nga poo may tagaluto e tapos uwian lang." Natawa nalang si Sir Theo Kay Dion. "Okay lang yun. Mahilig kasi siya magluto Kaya siguradong masaya yun na may ipagluluto na siya. Pwede ka din naman magluto anytime kung magugutom ka. Actually, Wala kayong kusinera dito. Tagalinis at laba lang tuwing Saturday ang pupunta. Ayaw kasi ni Mr. Vaughn ng madaming tao sa bahay niya." Tumango nalang si Dion sa sinabi ni Sir Theo. Nagumpisa na din silang kumain. Masarap ang pagkakaluto ng pagkain. Simpleng omelet, hotdog at fried rice lang pero pang sosyal ang presentation at ang lasa. Pati ang kape masarap din. Naenjoy talaga ni Dion ang almusal.

Matapos magalmusal niligpit ni Dion ang hapag at hinugasan ang mga kinainan. Malawak ang kusina at kumpleto sa gamit. Pagkatapos maghugas at dumiretso na siya sa living room. Malawak din ito at mataas and kisame. May chandelier pa. Magagara ang mga furnitures na lahat kulay red. Marble pa ang sahig ng buong first floor kagaya sa second floor. Iba talaga pag mayaman. Sosyal lahat. Di mapigilang naisaisip ni Dion. Nakaupo sa sofa si Sir Theo habang may kung anong tinitingnan sa laptop. Tumayo lang siya sa harap nito. Naghintay siya kung may ipapagawa pa ito sa kanya. Tila naramdaman naman siya nito kaya tiningala siya. "Anong ginagawa mo? Bakit di ka maupo?" Natatawang tanong nito sa kanya. Naupo siya sa sofa sa tapat nito. Humarap ito sa kanya sabay ngumiti. "Okay. So this is going to be your first day at work. The reason you'll be working here with our big boss is because he mostly stays at home. Kailangan niya ng kasama at katulong na hindi ko magagampanan because I am needed sa office to handle meetings and some functions na ayaw na ayaw puntahan ng boss natin. So technically, you'll be his stay in secretary and I'll be the stay out secretary. Got it?" Mahabang paliwanag nito. Dion can see that Sir Theo is somehow stressed already with their weird boss. Sir Theo, fighting! Pagchicheer niya dito sa isip. "Don't worry, di naman masyadong mahirap ang gagawin mo. Mostly pagpapapirma and pageencode, then pag may mga VIP na pupunta dito for a meeting with Mr. Vaughn, syempre you need to take down the minutes. This laptop will be yours. Tapos ko nang ilagay lahat ng information na kailangan mo." Yung laptop na ginagamit nito kanina ang tinutukoy na siya pala ang gagamit.

Inutusan siya nitong magencode ng ilang mga files. Nasa sala lang sila habang nagtatrabaho. Patuloy lang sa patatype si Dion ng may tumawag kay Sir Theo na agad naman nitong sinagot. "Yes? What papers? I thought you already signed them? Alright. Yeah yeah I'll be there." Napapailing nalang ito nang tumayo. "Pupuntahan ko lang ang magaling nating amo. Mukhang kailangan ng isang malakas na batok e." Nanggigil na paalam nito. "Okay po sir." Sagot nalang niya dito. Nagmamadali na itong umakyat sa second floor kung nasaan ang home office ng amo nila. Kawawa naman si Sir Theo. Parang laging nahaharassed. Ipinagpatuloy nalang ni Dion ang ginagawa. Lumipas ang ilang oras at natapos ni Dion ang pinapagawa sa kanya pero di padin bumabalik si Sir Theo. "Mukhang seryoso ang problema a." Tiningnan niya ang oras sa suot na relo. Magaalasdose na din pala. Kailangan na niyang magluto ng tanghalian. Nagtungo siyang kusina at dumiretso sa ref. Tumingin siya kung anong pwedeng iluto. "Di ko pala natanong si Sir Theo kung anong gusto niyang kainin." At di rin niya pala alam kung anong gusto ng big boss nila. Napakamot ng ulo si Dion. Ano ba safe iluto? May chicken, baboy, baka, isda. Wow kumpleto lahat. Sinuyod ng mabuti ni Dion ang kabuuan ng ref. A! Alam ko na. Imposibleng di nila kakainin to. Kinuha ni Dion and mga rekado ng naisipang ulam. Nagsaing muna siya at inasikaso ang paghahanda sa mga rekado. Makalipas ang halos isang oras ay natapos siyang magluto.

Naghahanda na ng hapag si Dion nang bumaba si Sir Theo. "Sir, kain na po tayo." Yaya niya dito. Lumapit ito sa kanya at tiningnan ang nakahanda sa mesa. "Sige kain na tayo. Tapos dadalhan ko nalang si Mr. Vaughn pagkatapos natin kumain. May inaasikaso pa kasi siya e." Pumasok ito saglit sa kusina at maya-maya pa ay lumabas din habang nagpupunas ng kamay gamit ang tissue. Naupo naman na siya at nagsalin ng juice sa baso. "Mukhang masarap ang luto mo a. Adobo to diba? May manok at baboy tapos nilagyan mo pa ng boiled eggs." Sabi nito habang paupo. Sinalinan din niya ng juice ang baso nito. "Di naman po masyado. Pero makakain naman po yan. May tira pa naman po sa kawali kaya kung magugustuhan niyo po okay lang na maubos niyo itong nakahain." Medyo napadami ata ang luto niya. Pero kung may matira di na niya kailangan magluto ng dinner. Nagumpisa na silang kumain. Mukhang nagustuhan naman nito and luto niya. Madami itong nakain. Matapos kumain ay inasikaso na niya ang dadalhing pagkain sa big boss nila. "Sir Theo, ito na po yung food ni Mr. Vaughn." Sabi niya dito habang dala ang tray ng pagkain. Kinuha nito ang tray at nagpasalamat sa kanya. "May mga bagong files akong nilapag sa tabi ng laptop mo. Yung mga naka-highlight lang ang ieencode mo. Then after iprint mo siya tapos icompile mo sa isang folder. May mga supplies sa library sa second floor. May printer din dun pero diba meron ka din sa room mo?" Tumango naman siya. "Good. Mas maganda mag stock ka na ng supplies sa kwarto mo para di ka na pabalik-balik sa library. Syempre minsan kahit gabi kakailanganin mo lalo na if may rush na trabaho or need mo mag overtime." Dagdag pa nito. "Okay po sir. Ako nang bahala." Tumango na ito at tumungo na sa office ng kanilang big boss.

Tiningnan ni Dion ang oras sa cellphone niya. Mag-aalasdose na pala ng hating gabi. Kanina pa nakaalis si Sir Theo. Natapos naman niya ang pinagawa nito at binigyan siya ulit ng panibagong gawain na kasalukuyan naman niyang tinatapos. Nagugutom ako a. Saka kailangan ko din ata ng kape. Tumayo siya at sinave ang ginagawa. Medyo madilim sa labas ng kwarto. May ilang maliliit lang na ilaw ang nakabukas na nakakabit sa gilid ng bawat kwarto na parang kandila. Binuksan nalang ni Dion ang flashlight ng cellphone niya. Tinungo niya ang hagdan at bumaba. May ilaw sa kusina. Sinadya niyang iwan itong bukas bago siya umakyat kanina. Pagpasok sa kusina ay diretso sa pantry kung saan nakalagay ang slice bread. Kumuha siya ng limang slice at nilagay sa plato. Kinuha niya ang peanut butter sa ref at nilagyan ang slice bread at ipinasok niya sa microwave. Habang iniinit ang tinapay ay kumuha siya ng 3 in 1 na kape at tinimpla ito sabay higop ng kaunti dito.

Red DandelionTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang