Simula

9 4 0
                                    

Simula

"Tapusin na natin 'to, Rielle. You're so uptight. Ayaw mong magpagalaw. May pangangailangan din ako. I hope you understand," lintanya ni Yuri bago tumalikod.

Putangina? Lakas ng apog ng hayop na 'yon, ah. Ni hindi nga magaling humalik. Kapal ng mukha! Siya pa talaga ang may ganang makipag-break. E, siya nga 'tong grabe kung makapangligaw. Akala mo naman sobrang gwapo. Wala pa nga siya sa kalingkingan ni Apollo.

Wait, what? Bakit napasok si Apollo. Damn!

Panira talaga ang lalaking 'yon. Sulpot nang sulpot sa utak ko. Masyadong pabida.

Pagkatapos ng dramatic exit ni Yuri ay dumeritso ako sa bar. Pagdating ko sa bar ay umorder ako ng pineapple juice. Pinakatitigan pa ako ng waiter dahil sa order ko. Sa allergy ako sa mga alcoholic beverages.

Sinamaan ko ng tingin ang waiter na agad namang inayos ang order ko.

Tumingin ako sa dance floor upang maghanap ng isdang mabibingwit, pero wala akong type. Puro mga mukhang kuto na tinubuan ng mukha.

Habang iniinom ko ang order na pineapple juice ay may biglang humablot sa aking babae.

She looked at me from head to toe. Syempre papatalo ba ako? I also did the same to her.

Petite, rebonded hair, makapal na make up, at revealing clothes. She looked like a prostitute dahil sa make up niya.

Damn! Parang sinipa ng kabayo ang magkabila niyang pisngi dahil sa kapal ng blush on. Then her lips, oh my gosh! Did she make out with a dog? Ang kalat ng lipstick niya at nagmumukhang namamaga.

I brushed off her filthy arm that's holding me then turn around to leave. She doesn't worth my time.

"You ugly bitch!" sigaw niya ng tumalikod ako.

Pumintig naman ang tenga ko dahil sa sigaw niya. Me? Ugly? Oh bitch please!

"You whore. Mang-aagaw ka ng boyfriend! Are you that desperate to get laid? Damn you! Nang dahil sa'yo iniwan ako ng boyfriend ko!"

Tinitigan ko ang mga kuko ko habang tumatahol ang babaeng nasa harap. Darn, I need a manicure. What color should I apply? Red? Nope, too seductive. Pink? Too girly. Violet? Nah. Orange? Too bright. Nag-angat ako ng tingin nang tumahimik ang babae.

"Tapos ka nang tumahol?" nakataas ang kilay na turan ko.

"Listen well, girl. Una sa lahat, hindi ko inagaw ang boyfriend mo. If he really loves you, hindi ka niya ipagpapalit kahit para kang asong tahol nang tahol at mukhang baboy ramong inagawan ng pagkain. Pangalawa, I am not desperate to get laid. Men chases me. I won't just give up my chastity. Lastly, if your boyfriend really loves you, hindi siya magpapaagaw. You should thank me pa nga, eh. Nalaman mo ang tunay niyang kulay."

Mahabang lintanya ko at tumigil saglit upang huminga ng malalim.

I stared at her pitifully. She really is pitiful. Imbes na isisi niya sa boyfriend nito ang ginawa sa kanya, sa iba niya ibinaling and sisi. So bobo.

After that, I left her. Wala akong panahon sa mga taong kagaya niya. Ni hindi ko nga kilala kung sino ang boyfriend na tinutukoy niya.

Nang nakalabas ako sa bar ay tinawagan ko si Aziel. She's probably home. It's already nine in the evening kaya nakauwi na 'yon. Magpapasundo ako.

"Tangina!" bungad niya sa kabilang linya.

"Tangina mo din! Pasundo ako."

"Letche! Anong akala mo sa'kin driver mo? Mag-commute ka!"

"Duh? Ayoko nga! I don't trust taxis. Mamaya makita niyo na lang ako na nakalutang sa ilog pasig, nawalan pa ng isang dyosa ang mundo, kawawa ang mga adan."

FearlessWhere stories live. Discover now