Kabanata 7

0 0 0
                                    

Kabanata 7

Questions

My week passed like a whirlwind. Hindi ko alam kung dahil ba occupied ako kay Apollo, o, dahil naging busy kami sa kanya-kanyang ginagawa.

Malapit na rin ang school festival at prom na pagkatapos. The Christmas break is also coming kaya hectic na ang schedule namin dahil sa maraming requirements na ipapasa.

Idagdag pa ang club na sinalihan ko. Nagsisimula na ang shoot para sa film kaya unti-unti na rin ang pag-e-edit namin ng mga natapos na act.

Last week, Eurus introduced me to the crew. May maliit na party na ginawa para i-welcome ang mga bagong members ng club.

I had a lot of fun that time. May mga palaro kasing ginawa sila Eurus at kung ano pang kakwelahan. No wonder the output of the club is epic, the crew got along well, making the work efficient and effective. I did not regret joining my club.

In these past few days, Apollo and I frequently met at the rooftop. Parang naging haven na nga namin 'yon.

Apollo also mentioned that they are going to participate in the battle of the bands.

No'ng hinanap ko ang bandang Kaleidoscope, nagulat pa ako na may fanbase na pala sila. Hindi lang taga-school namin ang members ng fan club, kun'di pati na rin ang ibang school sa karatig na syudad ay myembro. It made me realize that Apollo and his band is already popular in our province.

Wala pa akong napanood na performance nila o narinig na music, kaya nadagdagan na naman ang curiosity ko tungkol sa kanya. I wanted to listen to their songs, but I decided to listen, live during school festival.

"Rielle, tapos mo na ang scene five?" asked Trina, my club member and also one of the editors.

Nandito ako sa club room. Wala nang lectures dahil sa paghahanda sa school festival. Ang ilang mga sasali sa competition like battle of the bands, pageant, dress making, cheer dance, at iba pang competition ay binigyan ng oras para mag-ensayo. Samantalang ang mga clubs naman ay hinayaan na gawin ang mga nakatoka sa kanila para sa festival.

Masyadong metikuloso ang paghahanda ng school festival ngayon dahil celebration din ng 5th decade ng school at dadalo ang mga directors at ilang kilalang panauhin.

"Patapos na," tugon ko kay Trina.

"Kapag tapos mo na, pakipasa na lang sa music club para sa sounds at audio."

I nodded at Trina as a response. Gusto ko na rin namang matapos 'to dahil kanina pa sumasakit ang mata ko. Kahit may suot akong eyeglasses, sumasakit pa rin talaga kapag tumatagal ang tingin ko sa monitor. Isa pa, kanina pa namamanhid ang likod ko.

When I finish editing the scene five, I save it and waited a few minutes for the saving process. Pagkatapos ay ipinasa ko ito sa music club.

Lalagyan ng music club ng music ang ilang part ro'n, pagkatapos ay imo-modify ang audio saka nila isi-send sa drama club para sa checking. After ma-finalize ay pagtatagpi-tagpiin naman ng editing and photography club ang bawat scenes. It is a lot of work but the output is satisfying, kaya worth it na rin.

Also, I never felt this productive. Kung hindi kasi ako sumasayaw at nakikipagbangayan sa dalawa kong kapatid sa bahay, tulog naman ako o nakahilata. Somehow, my club made me feel useful.

It was an another hectic day. Habang papalapit ang festival, parami rin nang parami ang ini-edit namin.

Nagsimula na ang photoshoot para sa mga advertisements at posters ng film at play na gaganapin. Hindi muna ako pinasali sa pag-e-edit ng videos para sa film dahil sa akin nakatoka ang pag-e-edit ng pictures. Okay lang naman sa'kin. Sa katunayan, mas gusto ko 'to dahil madali lang at hindi matrabaho.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FearlessWhere stories live. Discover now