Kabanata 2

2 2 0
                                    

Kabanata 2

Reject

Lumapit ako sa gate nila. Buti na lang talaga nagpaganda ako ngayon. Hindi ko rin akalain na mauuna niya akong kausapin. Type siguro ako nito.

"Have we met before?" tanong ko habang nakangiti.

Syempre hindi pa kami nagkikita. Diskarte tawag dito. Para may mapag-usapan at macurious siya kung saan ko siya nakita. Lagi yang gumagana, eh.

Tumaas ang kilay ng lalaking nasa harap ko. Medyo suplado si kuya.

"I'm really sure that we've met before. You really looks familiar," dagdag ko habang kinunot ang noo na parang may inaalala.

"I don't know you," sabi niya.

"Ede kilalanin mo ako." I smiled again at him, ignoring his coldness.

"I don't want to," tamad niyang turan.

Medyo nahurt ako ah. Usually, kapag nilalapitan ko ang mga lalaki todo ngiti sila, samantalang 'to, akala mo may ginawa akong hindi katanggap-tanggap.

"Ako na lang ang kikilala sa'yo," I said. "First, ako nga pala si Ashri—"

"I'm not interested," putol niya sa sinasabi ko. Medyo bastos siya sa part na 'yun.

"Scram," tipid niyang turan at muling bumalik sa pagdidilig.

So, mas interesado pa siya sa mga bulaklak? Nasa harap na niya kaya ang namumukadkad na bulaklak. Bulag ba siya? O baka medyo madilim na kaya hindi niya makita ang ganda ko?

"Ang sungit mo naman. Gusto ko lang namang makipagkaibigan," muli kong tugon.

Call me shameless but I don't care. Besides it's not shamelessness, it's confidence.

Nilapag ng lalaki ang hawak na hose at naglakad palapit sa gate. May dinukot siya sa bulsa niya at sumenyas para sa kamay ko.

Kita mo na, pa hard to get pa si kuya, bibigay din pala. May paregalo agad. Boy scout, laging handa.

Hinawakan niya ang nakalahad kong kamay na agad din naman niyang binitawan. He smiled at me and I was dazzled for a moment. My smile grew even more wider. Mapupunit na yata ang sarili kong labi sa lawak ng ngiti ko. Naramdaman ko ang isang papel sa aking palad.

I glanced at the thing inside my palm. My smile froze when I saw what it was. Bente? Anong gagawin ko dito?

Nagtataka ko siyang tiningnan. Hindi ko maiwasang hindi ikunot ang noo ko. Ang labo naman niya, eh. Mukha ba akong nangangailangan ng bente? Baka akala niya wala akong pamasahe?

"Hanap kang kaibigan," he said and left me with my mouth hanging open.

Did he just reject me? Ang creative naman ng rejection niya, may pa bente pang binigay. Ano 'to, para sa ego at pride ko? Tigsasampu? Ang kuripot niya naman.

How can he show me that smile while having a thought of rejecting my beauty? Bwesit! Pasalamat siya ang gwapo niya at crushable.

Lutang ako habang naglalakad palabas ng village. Ayokong ikwento 'to sa apat dahil paniguradong tutuksuhin lang nila ako, lalo na si Aziel at Ana.

Kainis naman ang lalaking yun! Sobrang lamig, mas malamig pa sa yelo. Sa ice kendi o halo-halo 'ata pinaglihi 'yun. O baka bakla siya. Sino ba namang straight na lalaki ang hindi tatablan ng ganda ko? Maliban na lang kapag lalaki rin ang gusto niya.

Pagdating ko sa labas ng village ay nakita ko kaagad ang sasakyan namin. Wala sa sarili akong pumasok at naupo sa likod.

Napatingin ako sa hawak kong bente. Muling bumalik sa isip ko ang nangyari kanina at ang creative niyang rejection. Sumama ang tingin ko rito. Sarap punitin, eh.

FearlessWhere stories live. Discover now