Kabanata 6

0 0 0
                                    

Kabanata 6

Attraction

"Oh, Ate, ba't ngayon ka lang?" bungad ni Mama nang makapasok ako sa bahay.

Kakalabas lang din ni Mama mula sa kusina at may bitbit siyang plato ng brownies.

Lumapit ako kay Mama at hinalikan siya sa pisngi pagkatapos magmano. Sinundan ko siya papuntang sala saka naupo sa couch.

"Ginabi si Ate kasi may kinakalantari siya," sabat ng nakababata kong kapatid na si Nathan.

Nasa sala rin siya at naglalaro sa game console ng kung anong laro.

Mahina siyang kinurot ni Mama sa braso. "Ang bunganga mo, Atan! Kinakalantari ka d'yan. Saan mo natutunan 'yan?"

My brother massaged his arm and pouted. "Totoo naman, eh. D'yan lang sa gate kanina, kitang-kita ko!" said Nathan while pointing at our gate's direction. "May pa-goodnight pa ngang sinabi si Ate."

Sinamaan ko ng tingin ang kapatid. Kinakalantari? Ako, may kinakalantari? Ang cheap ng word, ah. Buti na lang wala si Kuya Neon, kung nandito 'yon t'yak na sasali pa 'yon.

"Hello, everyone!"

Speaking of the devil.

Humalik si Kuya Neon sa pisngi ni Mama at sumalampak sa couch na akala mo ay isang hari na nakaupo sa trono. Kumuha siya ng brownie sa plato at sumubo.

"Kuya, si Ate Rielle may kinakalantari kanina sa gate," turan ni Nathan kay Kuya.

Sumama lalo ang tingin ko. Mababatukan ko na talaga 'to. Pasalamat siya nandito pa si Mama sa sala kaya hindi ko siya mapagbuhatan. Kahit spoiled ako ni Mama, ayaw pa rin niyang nananakit ako. Hindi naman sa bayolente akong tao, pero nakakainis, eh.

Talagang nagsumbong pa sa isa kong kapatid na ubod ng tsismoso at walang kahihiyan sa katawan.

Nanlalaki ang mga matang tinitigan ako ni Kuya. "Talaga?" gulat niyang tanong.

May patakip pa sa bibig ang mokong, akala naman niya bagay sa kanya.

I glared at Nathan and Neon. Kung nakakamatay lang ang tingin, nakahandusay na sila sa sahig ngayon.

Nathan nodded his head like a silly dog.

"Oo Kuya. Kitang-kita ko. Sabi pa nga ng lalaki, 'see you tomorrow'." Panggagaya ni Nathan sa boses ni Apollo.

'Di hamak naman na mas maganda ang boses ni Apollo.

"Sigurado ka, Atan? Paano magkakaroon ng kalantari si Rielle, ang pangit niya. Baka naniningil lang 'yon ng utang."

"Hindi, Kuya. Iba ang atmosphere, eh," turan ni Nathan na akala mo expert. May pa-atmosphere pa siyang nalalaman.

"Neon, Nathan, tigilan niyo nga ang kapatid niyo!" Mama said sternly, making the two boys shut up but still held a playful smile.

"Rielle, umakyat ka na at magbihis," baling ni Mama sa'kin. "Kayong dalawa, sumunod kayo sa'kin at may ipapagawa ako sa inyo sa grahe," turo naman ni Mama sa dalawa kong kapatid.

Nathan and Neon stood up while grumbling.

"May gagawin ako, Ma," si Nathan na nakatanggap agad ng pingot kay Mama.

"Anong may gagawin? Kanina ka pa naglalaro d'yan sa game console," turan ni Mama sa kakamot-kamot ulong si Nathan.

"Ma, may research ako," Kuya said.

"Mag-research ka na rin ng bahay na titirhan mo kung hindi ka susunod."

Neon scratched his head and flinched at my Mother's warning.

FearlessWhere stories live. Discover now