Kabanata 1

4 4 0
                                    

Kabanata 1

Crushable

Hinihingal akong naupo sa sahig ng kwarto ko. Ayokong upuan ang kama ko dahil pawis ako at baka madikitan.

Sabado ngayon at wala akong magawa kaya pinag-aaralan kong sayawin ang bagong MV ng blackpink. Noong nakaraang araw pa nilabas ang MV nila pero ngayon lang nirelease ang  video ng mirrored dance practice.

I'm not really a good dancer, sabi ng iba ay magaling daw ako, but I knew that I'm not. Though I am confident with my skills in dancing. Isa pa, hindi ko naman talaga passion ang pagsasayaw, it's just my hobby.

Nang mahabol ang sariling hininga ay muli kong pinlay mula sa simula ang video. I followed Jennie's step. Si Jennie ang bias ko kaya kadalasan siya ang ginagaya ko. Pero minsan, kung saan lang ako kumportableng step.

Muli akong napahinga pagkatapos ng tugtog. Tumutulo ang pawis sa likod ko kaya medyo basa na ang suot kong crop tee. Ipiplay ko sana ulit ang video nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito at nakitang si Ezra ang tumatawag.

I have four close friends that I met when I was in grade nine. Magkakaiba kami ng ugali at gusto, kaya kahit ako minsan ay nagtataka rin kung pa'no kami nagkasundo.

"Rielle, punta ka dito sa bahay. Nandito na ang tatlo," bungad niya sa akin.

Ambastos na bata, wala man lang hello. Pero mas okay na'to si Ezra kesa kay Aziel na mura ang pambungad.

Maingay ang background ni Ezra. Hula ko nasa pool sila dahil rinig ko ang hampas ng tubig. Kahapon lang kaming lima magkasama sa seven eleven at ginabi pa ng uwi, ngayon magkikita kami ulit. Nagsasawa na ako sa mga pagmumukha nila.

"Dala kang foods," rinig kong sigaw ni Ana sa kabilang linya.

"Pakausap ako kay Rielle, bwesit siya! Sinugod ako kahapon ng isang babae habang pauwi, inagaw ko raw ang boyfriend niya, inakalang ako si Rielle. 'Di nag-iisip!" sigaw ni Aziel.

"Aziel, mamaya mo na siya ratratan, pupunta naman 'yon dito," boses ni Nariel.

"Sus, para namang may laban sa'yo 'yong nanugod, Ziel. War freak ka eh," rinig ko ang boses ni Ana na kinausap si Aziel.

"Ako war freak? Ikaw nga torpe, may pa-elsa ka pang nalalaman para makachat si Lee," si Aziel ulit.

Ang gulo nila promise. Hindi ko na makausap nang maayos si Ezra. Buti na lang wala ako dun, kawawa sana si Aziel, pwede ring si Ana, depende sa mood ko kung kanino ako kakampi.

Close kami ni Aziel pero kami rin ang nagbabangayan. That's how we show our love. Minsan nambabara din si Ezra, natuto sa'min, kahit minsan lang mambara ang isang 'yon, sapul na sapul. Laging foul eh, pero siya ang peace maker namin. Si Nariel naman tahimik lang. Kaagapay ni Ezra bilang peace maker. Masyadong sensitive sa iba kaya hindi sumasali sa mga barahan.

May narinig akong ingay at tunog ng tubig sa kabilang linya na parang may nalaglag. Rinig ko ang tawa ni Nariel at Ana. Puro naman mura ang lumalabas sa bibig ni Aziel.

"Sht! Okay ka lang Aziel? Hala, buti hindi ka nalunod," boses ni Ezra. "Si Ana parang baliw, buti 'di tumama 'yong ulo ni Aziel sa semento," dagdag niya.

"Bobo ni Aziel, wala pa nga akong ginagawa. Nadulas lang siya nung hahabulin niya ako dapat," natatawang turan ni Ana.

"Sayang 'di ko nakunan. Papanoorin ko sana kapag stress ako," si Nariel na bakas pa rin ang tawa sa boses.

"Tama na nga 'yan, mamaya may mainjure pa sa inyo," awat ni Ezra.

Nakakunot ang noo ko habang nakikinig sa kanila. Ang gulo talaga nila, hindi pa 'yan kumpleto. Minsan naiisip ko, kapag magkakasama kaming lima sa bahay, laging may world war.

FearlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon